Karma- 52

69 1 0
                                    


Yssa POV

"Saan mo dinala ang anak ko?" galit na sigaw ko kay Athena. Kinuha ko agad si baby Yade at binigay kay yaya.

"What are you saying," nakahalukipkip na tanong niya sa akin.

"Huwag ka nang magmaang-maangan. Ang tanong ko ay saan mo dinala ang anak ko. Alam ko ang pinaplano mo," malakas na pagkakasabi ko kaya nakuha ko ang atensyon ng ibang bisita.

"Huwag ka din mambintang!" Pasigaw niya ding sabi sa akin.

"I am just stating a fact. Totoo naman eh, ilqng beses mo na ako pinagbabantaan tapos ngayon balak mo pang idamay ang anak ko," palaban na sabi sa kanya.

"Yssa, please stop it na. Pagusapan na lang natin to sa loob. Huwag dito sa harap ng maraming tao," pakiusap na sabi sa akin ni kuya Xander.

"Bakit ako ang pinapatigil niyo? Wala naman akong ginagawa ha! Sinasabi ko lang na lumayo ang babaeng yan sa anak ko. Walang eskandalong mangyayari. Tinitigan ko ai Athena nang masama dahil sa kaartehan niya at pagpapanggap.

"Dave, wala akong ginagawang masama. I just want to play and be close sa anak mo. Bakit ang harsh ng asawa mo sa akin. All of you knew me more than anyone else," naiiyak na sabi niya sa amin lahat.

Natahimik ang paligid. Mabuti na lang anmt konti na lang ang nga bisitang nandito dahil unuwi na ang ba at ang iba naman ay kasama nila Daddy sa wine cellar sa baba ng mansyon.

Tinitigan ko si Dave at mga kaibiga niya para malaman ang reaksyon nila. Napaking na lang ako dahil kita ko sa mga mata nila ang pagkampi sa babaeng iyon. This is my last straw.

Ilang beses na pinamukha sa akin na kahit isang beses hindi nila pinaniwalaan ang sinasabi about kay Athena.

"Oh, so ako pa ang nagsisinungaling at hndi nagsasabi ng totoo. Oh, ako nga lang pala ang baguhan dito sa bahay na ito. Years vs months ba ang pinaglalabanan natin? Wala akong laban diyan. Ang sa akin lang huwag kang lalapit at gagawa ng masama laban sa anak ko!"

Tumalikod na ako at pumunta sa kwarto para samahan ang anak ko. Ayoko nang marinig ang kahit anong pagtatanggol nila sa babae na yan. Paakyat na ako pero hindi na napigilan ng mga luha sa mata ko na bumagsak.

Kinuha ko si baby Yade kay yaya para dalhin sa kama at makapaglaro kami. Alam kong nakikita ni yaya na umiiyak ako pero hindi siya nagsalita or nagcomment man lang.

"Ya, ako na bahala kay Yade. Magpahinga ka na po. Bukas mo na lang alaagaa ulit ang cute na baby na ito," pilit na ngiti kong sabi sa kanya.

"Opo. Maam, iiyak niyo lang po ang nararamdamn niyo. Alam ko po na matatapos din lahat ng pagsubok na pinagdadaanan niyo ngayon. Tiwala lang po kayo sa Diyos," nakangiting sabi niya sa akin.

"Thanks ya."

"Sige po Ma'am. Tutulong muna ako sa bababa bago magpahinga."

Tumango lang ako bilang tugon at umupo na sa kama. Inihiga ko ang anak ko sa gitna at kinausap.

"Mommy will gonna protect you. Hindi ako papayag na may mangyari sa iyong masama. Hindi ko hahayaan na saktan ka nila at pagmalupitan. Baby, don't leave Mommy ,ok?"

Hinalikan ko siya sa pisngi habang ang anak ko ay naggagagalaw sa higaan.

"Hindi yan papabayaan ni Mommy, di ba baby ko. I love you my life."

Tumabi ako sa kanya at niyakap siya na puno nang pagmamahal.

Napagpasyahan ko na dito na lang ako matutulog sa nursery tutal may kama naman dito at isa pa gusto ko makasama ang anak ko sa pagtulog.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now