Karma 30 - Party

10.5K 173 6
                                    

5pm

Nasa loob ako ng kwarto namin ng asawa ko. Kasalukuyang inaayusan na ako ng stylist at makeup artist na kasama nina Milly kanina. Sila pala yung istorbong nagdoorbell kanina. Ang aga pa naman kasi nilang pumunta dito at nakalimutan ko din pala na after lunch nga pala sila pupunta.

Tapos ng ayusan si Milly kaya ako na man ang inaayusan. Nabigla ako ng sabihin ni Milly na invited din sila sa party ni Mr. Alonzo mamaya. Sila parehas ang representative ng family nila dahil both ng parents nila sa US na naka base. Itong babaeng to kaya naman pala todo rin ang hanap at sukat ng gown dun sa botique kasi aatend din pala ng party. Sa sobrang happy ko sa right timing ng pagdating nila kanina ay pasimple kong sinabunutan ang bestfriend ko kanina.hahha. Uy, hindi naman malakas yun. ako lang talaga ang pinaproblema kahapon yun pala invited din siya. Grabe! Parang hindi bestfriend.

Nung natapos akong ayusan ay isinuot ko na yung gown na bibili namin. Off shoulder ang cut ng gown ko na kulay silver. My beads sequence ito. Kita ang curves ng body ko at sa baba ay flowy ang cut. Yung buhok ko ay bahagyang kinulot at ini-stylan ng messy bun. Sa make-up ay red lipstick and smokey eyes para daw bagay sa damit. Meron din akong suot na earrings at necklace. Nakasuot din ako ng 3-inches na silver stillettos. Gusto ko kasi simple lang para parang natural look lang.

Ang damit ni Milly ay color black na may slit sa gilid. Kinulot din ng bahagya ang buhok niya at naglagay lang ng beaded headband as accent sa hair niya. Nka beach wave ang style ng pagkakulot sa buhok niya. Mas mataas ang inches ng sapatos ni Milly kaysa sa akin. Sanay kasi siya dahil sa mga family and business gatherings na inaattendan niya.

Pinasadahan ko ulit ang mukha ko sa salamin. Nung nakontento na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko sila Dave kasama si Zach na nakaupo sa sofa at nagkwekwentuhan. Bigla akong nahiya sa suot ko.

"Ready na ako," nakangiti kong sabi sa kanila.

Lumapit sa akin si Dave at hinalikan ako sa noo pagkatapos ay inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Youre so beautiful wife. Excited na akong ituloy ang naudlot na ginawa natin kanina. I wonder how would you feel when I remove your gown later," he smirked while he's saying that.

Namula ako sa sinabi niya kaya pinalo ko siya ng mahina sa braso. "Ikaw talga love, ang naughty mo ha," tumatawa kong sabi. Magsasalita pa sana si Dave ng sumingit ang isa pang lovebirds.

"Honey, mauna na kaya tayo. Mukhang istorbo lang tayo dito eh," sabi ni Milly kay Kuya Zach na nakapulupot ang kamay sa braso. Si Kuya Zach ay natatawa lang at napapailing sa sinabi ng girlfriend.

"O sya, lika na nga. Ito naman si Milly. Mas grabe nga kayo maglambingan," tukso ko sa kanila kaya kita ko na namula ang mukha ng bestfriend ko sa hiya. Naglakad na kami palabas ng unit at sumakay na sa kanya kanyang kotse. Ako kay Dave at si Milly naman kay Zach.

***

7pm

Alonzo Hotel

Pagpasok pa lang namin sa may lobby ng hotel ay kita na kung gaano kayaman ang may-ari nito. Sa ganda at kinang ng chandelier ay mukhang mamahalin. Iginayak kami ng usherette patungo sa hall kung saan gaganapin ang party.

Marami ng bisita at puro elegante ang suot nila. May mga nakathreepeice suit habang ang iba aya naka-suit lang. Sa babae naman nakagown ang iba cocktail dress. Pabonggahan yata ang mga bisita dito dahil sa mga kumikinang na alahas na suot. Sinamahan kami ng usherette papunta sa upuan namin. Uupo na sana kami ng may lumapit na matandang lalaki sa amin.

Sinalubong ni Dave ang lalaki at nakipagkamay.

"Good to see you Mr. Madrigal," sabi nung lalaki sa asawa ko.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now