Karma 24 - Ang Epal na Ex Grrr!

11.9K 187 3
                                    

Yssa Pov

November 5

Saturday

Three weeks ang nagdaan at masayang-masaya kami ni Dave kasi parati ang pagdadate namin. Alam niyo ba na super sweet niya ngayon sa akin. Sobrang kinikilig ako kapag naiisip ko. Parati kami sabay kumain at hinahatid at sinusundo niya ako sa school. Syempre hindi nawawala ang time namin together tulad ng pag-cuddle tuwing gabi at ang aming sexy time. Nagkwekwentuhan din kami about our day and even random things. Masaya ako sa relationship namin bilang mag-asawa

Tapos na rin ang first semester at successful na kami sa thesis writing and defense namin. Ang taas nga ng grade namin ito yun oh: A. A sa letter grade =100 or 4 equivalent niyan. Galing namin noh. Baka magtaka kayo. Sa university namin ay baliktad ang grading system kumpara sa nakasanayan na mataas ang uno. Kapag uno ang nakuhang mong grade dito sa amin, ibig sabihin nun ay bagsak ka. At last natapos na rin sa isang madugong pakikipagbuno sa sangkatutak na drafts at sa sakit ng mata sa harap ng laptop. Ready for OJT na next semester.

Ngayon ay plano naming lahat na magbaksyon sa Bicol. Pagsabing lahat ay kumpleto ang mga kaibigan ng asawa ko pati na si Milly. Excited na nga ako dahil alam ko nandoon ang Bulkan Mayon at CWC. Yung may wake boarding at manmade daw yung parang dagat doon. Excited na nga akong itry yun kasama ang hubby ko.

Nandito na kami sa airport lahat. Mageeroplano kami papuntang Bicol kasi tinatamad magdrive ng sasakyan ang mga kasama namin. 45 minutes ride lang naman yun sa plane kumpara sa almost 8 hours na biyahe by land. Malayo nga ang biyahe kung tutuusin kung magsasasakyan kami. Malapit na kaming magboard kaso wala pa si Xander. Kanina pa nga tinatawagan at tinitext nila Blue. Inis na inis na nga itong gwapong katabi ko.

"Where the hell is Xander? Why is he always late whenever we go out of town? Damn! Tadtarin niyo ng tawag at text! Huwag niyong titigilan."

Hinug ko na lang si Dave para mawala ang inis niya. Naikwento kasi ni Kuya Zach na parati daw ganyan si Xander tuwing magtatravel silang magbabarkada kaya sanay na sila. Si Dave lang naman sa kanila ang maiksi ang pasensya at vina-value ang oras parati.

After ten minutes ay dumating na rin ang hinihintay namin. Buti na lang maaga ang call time namin kung hindi lalong mag-iinit ang ulo nitong asawa ko.

Nagtayuan na kami ng lumapit na si Xander. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa may departure area pero bago kami makalayo ay nagsalita na siya.

"Wait lang guys. Pasensya na. May dinaanan pa kasi akong isang tao na sasama din sa trip natin," nakangiting sabi niya sa amin.

Natigilan kaming lahat at nilingon siya. Sino naman kaya ang isa pang kasama eh lahat na kami nandito. Hindi pwede si Kuya Dan kasi nasa States yun at busy sa business. Wala akong maisip na puwedeng sumama sa amin.

"Pre, sino naman yan ha? Chicks noh? Ikaw ang daya mo. Napagusapan na natin na walang magdadala ng chicks eh buti na lang nandito si Milly kaya hindi ako malulungkot," sabay kindat niya kay Milly. Aakbay pa sana siya kaya lang humarang si Kuya Zach kaya ang naakbayan niya ay ito at hindi si Milly.

Grabe ang tawa namin sa mga hirit ni Blue na hindi nakakalampas or abot man lang kay Milly kasi parating bantay si Zach. Kailangan talaga magbantay kasi mahal pa rin Zach si Mily. Kita kaya sa galaw at pagsama-sama niya sa bestfriend ko. Ito lang naman bestfriend ko ay masyado lang pakipot at bitterella.

Nawala ang tawanan namin ng may magsalita sa likod namin ni Dave. Boses ng babae yun at tama si Blue na may kasama ngang babae si Xander. Nilingon namin ni Dave yung nagsalita at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya kaya tinignan niya muna ako bago siya nagsalita.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now