Karma 31-Confrontation

11K 164 2
                                    

YSSA POV

Pagkatapos naming sumayaw ni Dave ay nagpaalam muna ako saglit sa kanya na pupunta ako ng restroom. Pumayag siya at gusto niya pa nga sana akong samahan kaso dumating yung isang business partners niya kaya kinausap niya ito. I assure him naman na mabilis lang ako. Need ko lang kasing umihi at magretouch ng make-up para fresh pa din. Hindi na din ako nagpasama sa bestfriend ko kasi patuloy pa din sila sa pagsasayaw ni kuya Zach. Malapit lang naman ang banyo kaya no need to worry.

Pumasok ako ng bathroom at ginawa ang dapat kong gawin pagkatapos ay lumabas ako ng cubicle at ng hugas ng kamay. Nagretouch ng make-up at inayos ang buhok ng konti kasi feeling ko nagulo kanina habang sumasayaw kami. Nung na-satisfy na ako sa ayos at itsura ko ay napagpasyahan ko ng lumabas ng banyo at bumalik sa party.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero bigla itong bumukas galing sa labas. Napaatras ako ng bumungad sa akin ang mukha ni Athena na sa tingin ko ay wala sa sarili. Medyo lasing na ito dahil pasuray-suray na ito kung maglakad. Hawak niya na rin ang kanyang sapatos sa kanyang kamay habang ang isa naman ay inaalalay niya sa paglalakad.

Tumabi ako para makapasok siya ng banyo at para makalabas na rin ako kaagad. Ayokong makipag-away sa kanya dahil sa naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon. Ayoko din na mag-eskandalo kami dito kasi hindi ito ang right na place. Alam ko ang feeling niya ngayon. Alam kong nasasaktan pa rin siya sa nangyari nung nasa Bicol kami. Yung pagpili ni Dave sa akin at pagbalewala sa feelings at pinagsamahan nila. Nagmamahal din siya katulad ko kaso iba ang pinili niya. Mas pinili niya ang pangarap kaysa sa lalaking handa siyang pakasalan at minamahal siya. Magkaiba kami dahil ako naman ay pinursue at pinaghirapan ko yung taong mahal ko.

Palabas na ako ng bigla siyang magsalita. Natigilan ako sa paghawak ng doorknob at hinarap ko siya. Nakasandal siya sa isang sink sa loob ng banyo.

"Happy now?" walang emosyong maaninag sa boses niya.

Tumingin ako sa kanya. Tinitigan ko siya ng matagal. Wala akong masabi sa tanong niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siya na sabihin ang gusto niyang sabihin sa akin. Kung galit siya dahil sa nangyari sa kanyan hahayaan ko siyang sisihin niya ko kung yan ang ikasasaya at ikagagaan ng loob niya.

"Masaya ka na? Hindi ko maiisip kung ano ang nagustuhan sayo ni Dave at pinagpalit niya ako. Ako ang first love niya at matagal na kaming dalawa. Hindi ko naman sinadya ang pag-iwan sa kanya. Masama bang sundin at abutin ang pangarap ko. Pangarap ko yun eh. My ultimate dream kaya grinab ko na ang opportunity para maabot yun. Kahit sino naman sa atin ay pipiliin din ang pangarap para mas gumanda at successful ang buhay," umiiyak na sabi niya sa akin.

"Oo nga. Mahalaga nga ang pangarap pero mas mahalaga ang taong bubuo at magpapahalaga sa iyo kahit mawala man ang lahat ng pinaghirapan mo. Hindi mo ba yun naisip man lang? Hindi mo ba lamang kinonsider to ask for his side about dun? Hindi mo lang ba inisip na mas nasaktan siya ng husto sa pag-iwan mo sa kanya? Tapos ngayon ay bigla kang babalik at bigla mong kukunin ang taong hindi naman na sayo. Ang taong iniwan mo ng luhaan at nag-iisa. Ang lalaking winasak mo ng husto. Sana inisip mo yan bago mo siya iniwan. Sana inisip mo yan bago ka nagdesisyon kasi kung ako ang tatanungin, mas pinili mo ang sarili mo kaysa sa taong mahal mo. Mas inuna mo ang pangarap mo na walang kasiguraduhan kaysa sa nag-iisang lalaking mamahalin ka at handa kang gawing buhay niya," sumbat ko naman sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko sa inis at galit. Ano bang gusto niyang palabasin? Na ngayon nandito na siya ay babalikan niya na ulit si Dave. Kukunin niya na ulit na parang gamit na iniwan niya. Napakaplastic ko naman kung papayag ako sa gusto niya. Ano yun? Trial card at panakip butas lang ako kasi nandito na siya. Hindi ako martyr na babae para pagbigyan siya. Tapos na yung time niya with Dave and she lost her chances to have her forever with him.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon