Karma 7 - Rescue

13.6K 233 2
                                    

[7]


Xander POV

Papunta na ako sa party ni Tito Eduardo. Siya yung Daddy ni Dave, isa sa mga bestfriend ko. Late na masyado at traffic pa so dumaan ako sa ibang route. Marami kasi akong ginawa at inasikaso sa kumpanya bago ako umalis papuntang states next week. Ako kasi ang naghahandle ng company namin at umuuwi lang ako dahil sa isang business meeting. Isa pa ay may hinanap rin akong isang importante tao sa akin at sa family ko. Isang taong naging parte at nagpasaya sa amin noon kaso bigla siyang nawala at nahiwalay sa amin.


Masyadong madilim at delikado sa dinaanan ko kaso ito ang easiest way to go there on time sa party. Baka kasi magalit si Tita kung malate ako ng sobra. Tuloy-tuloy lang ako sa pagmamaneho ng may mapansin akong taxi na nakatigil sa gilid ng kalsada. May pumasok sa taxi na tatlong lalaki. Magoovertake na sana ako kaso may narinig akong sigaw ng babae na nanggagaling sa loob. Hindi na sana ako makikialam pa kaso naawa ako dun sa babaeng nasa loob ng taxi at masama ang kutob ko sa nangyayari. Hindi maarim ng konsensya ko na may mapaphamak dahil hindi ako gumawa ng paraan para tumulong.


Pagkaandar ng taxi ay sinundan ko yun. Tumigil ito sa isang madilim na lugar at mapuno. May nakita akong babaeng lumabas at tumakbo. Sigaw lang ito ng sigaw at patuloy lang sa pagtakbo. Lalabas na sana ako para habulin at tulungan yung babae kaso biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ang cellphone at sinagot ko agad.


"Hello."

[Xander, asan ka na ba? Kanina pa nagsisimula ang party.] Si Jiro ang tumawag isa sa mga kaibigan namin ni Dave.

"Pre, papunta na ako diyan. Sige, may gagawin lang ako. Mabilis lang ito."

[Sige, sasabihin ko sa kanila. Pumunta ka na dito kasi hinahanap ka na mi Tita. Hindi ka na rin daw kasi tumawag at nagpakita nung dumating ka.]

"Sige, sige, Jiro. Nagmamadali na ako. Bye."

[Bye.]

Agad akong lumabas at hinananap ang babae. Madali lang naman na makita yung babae dahil nakakarinig ako ng hikbi at sigaw. Nakita ko ang tatlong lalaki na pilit na hinuhubaran yung babae. Punit-punit na ang damit nito at kita na ang kanyang suot na undergarments. Mukhang hirap na hirap na siya sa balak gawin sa kaniya. Hinang-hina siya at parang wala ng balak na lumaban. Agad kong hinila yung lalaki at sinuntok. Sumugod rin yung isa at sinuntok ako.

"What the hell! Not my Face! F*ck!" yan lang ang nasabi ko nung natumba ako. Nag-iinit na ang kamao ko at gusto ko ng manuntok at manira ng mukha. Nakakapikon ang mg pangit na to ha! Lalapit na naman sana yung lalaki sa babae pero pinatid ko siya. Tumayo ako agad at inibabawan ito habang sinasakal ko siy. Pilit niya akong sinusuntok kaso hindi siya makalabahan dahil kita kong nahihirapan na siyang huminga. Nung nagkaroon ako ng pagkakataon ay isang malakas na suntok ang binigay ko sa lalaki, kaya ayun tulog.

Sinugod na rin ako nung dalawang lalaki at ganun rin ang nangyari tulog sila pagkatapos kong dambahan ng suntok at pagsisisipain.

"Mga walang hiya kayo! Ako pa talaga ang nKalaban niyo. Mga walang kwenta ag batugan," sigaw ko ng malakas dahil sa inis ko.

Tumayo na ako at nilapitan ko ang babae. Nakaupo siya na at pinoprotektahan ang kanhang sarili. Umiiyak na ito at nangiginig sa takot. Gulong-gulo na ang buhok niya na nakatakip sa mukha niya. Punit-punit na ang damit niya kaya kitang kita na ang panloob na suot niya. Hahawakan ko sana siya para tulungan kaso nagsisisigaw siya na huwag ko siyang hahawakan at sasaktan.

"Ssshhh! Don't cry. I won't hurt you. I'm here to help you. Don't cry," pagpapakalma ko sa kanya.

Hinubad ko ang suot kong coat at binalot sa katawan niya. Ramdam ko pa rin ang pagiginig at takot niya. Pagkasuot niya ng coat ay humarap ako sa kanya. Nakita ko ang mukha niya na puro mga pasa at may konting dugo na rin sa gilid ng labi niya. Marahil ay nakuha niya ang mga ito sa pagsuntok or pagsampal sa kanya ng mga gagaong lalaking yun.

"Miss, are you ok?" nagaalalang tanong ko sa kanya.

"No, tulungan mo ako. Iuwi mo na ako sa amin," patuloy lang siya sa pagiyak.

"Don't cry anymore. You're safe now. Let's go, I will bring you to the hospital." Pagalok ko sa kanya.

Tinulungan kong tumayo ang babae at maglalakad na sana papunta sa kotse ko ng biglang himatayin siya. Nataranta ako dahil sa nangyari sa kanya.

"Miss! Miss!" tinapik -tapik ko ng mahina ang mukha niya pero hindi siya magising. Binuhat ko na lang siya at dinala sa pinakamalapit na hospital para malapatan ng lunas. Nakakaawa ang itsura niya kaya hindi ko mapigilan ang maawa sa kanya. Hindi deserve ng babaeng ito na pagtangkaan na pagsamantalahan. Parang may kung ano humuhugot sa akin para alagaaan at protektahan siya.

Hindi na ako tumuloy sa party ng Mommy ni Dave. Nandito ako ngayon sa hospital para samahan at bantayan ang niligtas ko na babae kanina. Mabuti na lang at mababait ang mga doktor at nurse on duty ngayon. Ayon sa kanila, minor bruises lang ang natamo niya. No need to worry daw. Ang medyo problema lang daw ang trauma ang babantayan ng doktor kaya siya pinaconfine.

Nadala na rin siya sa isang private room. Hindi pa ako makaalis dahil wala siyang kasama. Hindi ko alam ang pangalan niya. Mabuti na lang at may tumatawag sa cellphone niyang babae kaya agad ko itong sinagot.

"Hello?"

[Hello... Hoy! Sino ka? Bakit parang hindi boses ni Yssa yan, ha!]

"I am sorry to take this call. Your friend is sleeping right now," mahinang sagot ko.

[Hoy! Anong natutulog? Anong ginawa mo sa bestfriend ko? Bakit siya natutulog? Masamang tao ka noh?" sunod na sunod na tanong niya sa akin. Hay! Mga babae nga naman. Ang daling magconclude. Napabuntong hininga na lang ako sa mg sinasabi nitong kausap ko.

"Woman, can you please calm down? First of all, wala akong ginawa sa bestfriend mo. Second, can you go here *** Hospital and help me here."

[Ano? Anong ginagawa niya diyan?? Please sabihin mo sa akin. Nagaalala ako.] Humihikbing tanong niya.

"I don't have more time to tell you what happen while in this call. Please go here now and you will know what happened," kalmado kong sabi sa kanya.

[Ok, salamat. Papunta na ko diyan.]

"Alright, thanks." Rinig ko ang pagmamadali niyang gumalaw bago naend yung call.

Napatingin ako sa babaeng natutulog sa harapan ko. "Bakit ang gaan ng loob ko sayo? Bakit parang gusto kitang protektahan?" mahinang bulong ko bago ako sumandal sa sofa at pinikit saglit ang mata dahil sa pagka-antok.



[EDITED]


=================================

A/N:

"OMG! What happened to Yssa?"pasensya ulit nasa unahan ang note ko. Maikai lang update hirap kasi magtype.Phone lang ang gamit ko. Bawi ako next time. Thanks sa lahat ng nagbabasa. Nagupdate ulit ako kasi holiday ngayon.. Tnx tnx tnx. :)

==============================================================================

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon