Karma -50

60 0 0
                                    


Napatigil ako ng biglang tumunog ang cellphone ko pero bago ko pa yun makuha sa bag ko ay may biglang humawak sa balikat ko kaya ako napasigaw.

"Ah!" malakas na sigaw ko kaya biglang umiyak si baby Yade. Agad ko na dapat siyang kukunin stroller niya nang bigla siyang buhatin ni Dave at tinahan. Saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko kung sino ang humawak sa akin. Buwisit kasi na Athena yun. Kung ano-ano ang sinabi sa akin kanina.

"Dave, ikaw pala yan. Akala ko kung sino eh," kinakabahang sabi ko sa kanya.

"San ba kasi kayo pupunta? Buti nakita ko ang mga missed calls mo.Natagalan kasi love ang usapan namin ni Father. Ang dami kasi niyang plano sa parokya na need ng tulong. Buti nakita ko kayo ni baby kaagad," wika niya habang pinapatahan ang baby namin na umiiyak pa rin.

"Sorry love, balak ka na namin sundan ni baby eh kaso naligaw kami dito kaya akala ko may sumusunod sa amin. Ikaw lang pala yun," natatawang sabi ko sa kanya.

"It's okay love, nag-alala lang ako dahil sa tatlong missed calls mo. Tara na?"

"Tapos na meeting niyo ni father? Baka hindi pa balik ka muna. Nakakahiya namsn kung umalis ka kaagad," nag-aalalang Tanong ko sa kanya. Totoo naman na nakakahiya, kahit sabihin pa natin na informal meeting iyon ay consider pa rin yun as a meeting.

"No worries, love. Tapos na ang pag-uusap namin ni Father. Pupunta na lang ang secretary ko to update and talk to him."

"Ok love, alis na tayo?"

"Yes love. Mukhang naiinip na ang baby natin sa tagal ko sa loob kaya umiiyak na siguro," natatawang wika niya habang hinahalikan sa pisngi ang anak namin.

Nakauwi na kami after a long day of pamamasyal as a family. Ang dami namin napuntahan at ang asawa ko ay ang daming binili sa unico hijo niya. Wala naman akong magawa para pigilan siya dahil yun ang kasiyahan niya na maibigay ang pangangailangan ng anak namin kaya eto, pagod ang dalawa nang nakauwi kami. Kakagaling ko lang sa kusina dahil hinugasan ko ang feeding bottle ni baby Yade. As much as possible ay ako ang gumagawa ng mga bagay gaya ng paglilinis ng gamit ng baby ko dahil gusto kong makampante ako na maayos talaga at walang kung anong germs ang makukuha ng anak ko. Alam ko naman na hindi maiiwasan na makakakuha siya ng mga sakit pero naniniwala ko na it is better na prevent na bago mangyari.

Pagkapasok ko ng kwarto namin ay ang tahimik. Kanina bago ako bumaba ay naghaharutan ang mag-ama. Tumatawa ang baby namin dahil pinaglalaruan siya ng kanyang Daddy. Nakita ko na natutulog na ang mag-ama ko sa may kama namin. Nakahiga sa dibdib ni Dave ang natutulog na anak namin. Pareho silang himbing sa pagtulog at napakaganda nilang tignan. Ang cute ng mag-ama ko. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Bago ako lumapit ay nilagay ko muna ang mga dala kong feeding bottle sa lalagyan ng mga gamit ni baby. Inayos ko din ang crib ni baby dahil ililipat na namin siya sa higaan niya para tuloy-tuloy ang tulog niya. Pinagpagan ko ang unan pati ang kumot para walang mga ants na kumagat at umaligid kay baby. Niligpit ko na din muna ang mga stuff toy niya para hindi siya matakpan sa mukha saka ko ginising ng dahan-dahan si Dave.

"Love, gising na," tinapik ko siya ng mahina sa balikat niya para magising siya. Gumalaw lang siya pero tulog pa rin.

"Love, need na mailipat si baby sa crib para makatulog na siya ng mahimbing," paggising ko ulit sa kanya. Gumalaw na siya kaya dahan-dahan kong kinuha sa dibdib niya sa baby kasi baka nakalimutan niya na nakahiga pala sa kanya.

Hinalikan ko sa pisngi ang baby ko bago ko nilipat sa crib niya. Nung okay na ay nilagyan ko na ng kulambo si baby para makaiwas sa nong insecto na umaaligid sa paligid. Tumabi na ako kay Dave na nakasandal sa headboard ng kama at humihikab. Agad ko siyang hinug dahil super masaya ako dahil napakaresponsable niyang ama.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now