Karma 12 - Sweet moments with my husband

15.6K 219 1
                                    

[12]


-Condo- Monday (5:30 am)

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng mag-usap kami ng masinsinan ni Dave about sa marriage namin. At eto ngayon, sa isang kwarto na lang kami natutulog specifically sa kwarto ng asawa ko.

Maaga akong nagising kasi may pasok pa kaming dalawa and kailangan ko pang magluto ng breakfast, ayusin ang susuotin niya na damit sa office pero paano ko yung gagawin kung itong katabi ko ay tulog na tulog pa at nakayap pa sa bewang ko ng mahigpit.

Tinitigan ko na lang siya habang tulog. Buti na lang nakaharap ang higa ko sa kanya. Nakatagilid akong nakahiga at nakatagilid din siya kaya magkaharap kaming matulog. Ang gwapo at hot niya talaga lalo na nakasuot lang siya ng black sando at nakaboxer short kung matulog.

Ang tangos ng ilong niya. Ang pula ng mga labi niya at ang kinis ng mukha at kutis niya  ay parang babae. Naalala ko tuloy nung nagdinner kaming dalawa last week kasi super galit si Mommy sa pag-indian namin sa hinanda niyang  sa mansion. Nasa gitna kami ng pagkain ng tumawag si Mommy kay Dave.



-FLASHBACK-

"Hello"

[Dave, hijo. Nasaan na kayo ni Ysa? Kanina pa ready ang food. Kayo na lang ang hinihintay namin.]

"Mom, We are not going there!"

[Why? Hindi mo sinundo si Yssa ,ano? Ikaw bata ka.]

Natatawa ako sa reaction ni Dave pati na rin si Mommy kahit hindi ko siya nakikita ay bakas sa boses niya ang pangigigil sa unico iho niya. Niloudspeaker kasi ni Dave ang phone niya kaya naririnig ko ang conversation nila. HIndi lang ako nagsasalita.

"We are not going there because we are having our own dinner. Just the two of us."

[Really!!Why you didn't tell at first para hindi nakita kinukulit pa. Hay! Sana nainform mo man lang ako ahead. Anak! Sinosolo mo na si Yssa. Tampo na ko niyan. Namimiss ko pa naman ang beautiful kong anak.]

Sumingit na ako sa usapan nila kasi miss ko na rin si Mommy.

"I miss you too, Mommy!"

[OMG! Si Yssa ba yan?]

"Yeah,!" sagot naman ng bugnutin but handsome husband ko.

[I miss you too. O, sige na nga at baka nakakaistorbo pa ako sa inyo. Hay! Kinikilig tuloy ako sa inyo . Well kami na lang ng Daddy niyo ang magdidinner. Basta gusto ko na ng apo ha!] pangugulit ni mommy.

"Yeah, Yeah! Bye Mom." Pagpapaalam ni Dave pero bago niya tuluyan ibababa ang phone ay nagsalita ulit ako.

"Bye, Mommy. See you!"

-END OF FLASHBACK-


Titig na titig pa rin ako sa mukha niya nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahang minulat ang kanyang mga mata. "Good morning, my wife" then he kiss me on the lips for a second. Smack lang yun kasi kahiya kaya magkiss ng hindi pa nagtotoothbrush baka kasi mabaho ang hininga ko pero si Dave amoy bagong toothbrush kahit kagigising pa lang niya. Yieehh, Ang sarap!

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now