Karma 34 - The Truth

14.4K 204 6
                                    

 6pm

Many months had passed and our relationship is getting stronger. That's what I feel and that's what he assures me everyday. He treat me like a queen and his only love. Masaya ako dahil mararanasan ko na rin ang may buong pamilya. Mayroong mother, father and baby na masasabi kong akin. Galing sa amin. A family that I never experience anymore after my parents died from a tragic accident when I was 7 years old.


Ano ba yan! Ayoko ng alalahanin ang nakaraan kasi naman baka maiyak lang ako, kasi namimiss ko na naman sila. Ay! Ayoko ng magkwento basta masaya ako ngayon. At masaya ako sa surprise na siguradong ikakatuwa at ikasasaya ng asawa ko. Surprise na siguradong masasayahan ang lahat ng taong malalapit sa amin dahil sa new blessing na ibinigay sa amin. Excited na nga ako para sabihin sa kanya kaso mukhang nalate ata ng uwi si Dave. Hindi naman na siya tumawag at naginform na hindi siya makakauwi agad. Nakatulog na nga ako sa sofa sa paghihintay dahil na rin sa pagod ng mga ginawa ko kanina.

Nakaready na ang food sa mesa. Marami akong niluto para sa handa ko sa celebration ng good news. Nilabas ko na din ang personalized cake at cupcake na binake ko. Gusto ko sana na imbitahan sina Milly at sina mommy kaso napagisipan ko na huwag muna. Gusto ko kami muna ni Dave ang magcelebrate ng blessing na ito. Nanam-namin muna namin ang masayang moment at milestone na ito bilang mag-asawa. Kahit imbitahan ko din sina Mommy ay nasa Japan para sa bakasyon nila ni Daddy kaya hindi rin sila makakapunta. Halos buwan-buwan nga sila kung magtravel.

Kaya paguwi na lang nila next week namin sasabihin ni Dave pag ayos na ang lahat.

Sa ngayon hinihintay ko si Dave na dumating kasi nasa office pa siya at may biglaang meeting. Dumiresto siya sa office niya after ng kanyang business trip. Tumawag siya ulit sa akin ng bandang 2:30 pm para ipaalam ang meeting na yun. Mabilis lang naman daw ang meeting na yun kaya by 3pm ay pauwi na siya. Hindi naman ako nagreklamo kasi para naman sa company iyon at isa pa, makakapag-antay naman kami ni baby.

Nakupo lang ako dito sa sala at napapangiti dahil sa balitang natanggap ko kanina. Hindi ko akalain na ang cravings ko sa mga malamig at sweet na pagkain ay indikasyon pala na buntis na ako. Kung hindi pa ako tinanong at napansin ni Milly last week ay wala akong magiging idea ng kondisyon ko. Kahit na hindi ko inaasahan ang blessing na ito ay happy pa rin ako dahil bunga ito ng pagmamahalan naming mag-asawa. Sana wala nang problemang dumating sa amin at maging masaya lang kami parati kasama ang newest bundle of joy namin, our baby.

Time check 7:00pm

Napatingin ako sa relo ko kasi wala pa din si Dave hangang ngayon. Ang sabi niya naman sa akin kanina pauwi na daw siya kaso wala pa rin. Kanina pang 3 pm siya nagtext sa akin pero 7pm na. Ano kayang nagyari? Bakit wala pa siya? Sana walang nangyaring masama sa kanya. Masyadong matagal na yata ang meeting niya na yun para abutin siya ng ganitong oras. Sabi niya mabilis lang talaga. Hindi na ako mapakali sa paghihintay sa kanya. Palagi kong chinecheck kong may kakatok or may magbubukas ng pinto. Bumalik na lang ako dito sa kusina para sana tawagan ang asawa ko.

Kinuha ko ang phone ko at akmang tatawagan na sana siya kaso may narinig na akong mga yabag at kaluskos sa labas ng unit namin. Madali kasi malaman kung may taong dadaan or bibisita sa unit namindahil sa automatic sensor na pina-install ng asawa ko. Lumiwanag ang mukha ko na kanina pa nakabusangot dahil sa tagal ng paghihintay na dumating ng asawa ko. Excited na akong sabihin sa kanya ang surprise ko kaya agad akong pumunta sa may pinto pero salubungin siya. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Dave at Athena. Teka, bakit siya nandito? Bakit sila magkasamang dalawa? Iyan agad ang mga tanong na pumasok sa isipan ko. Anong nangyayari dito? Bakit parang ang clueless ko naman ngayon.

Pumasok na si Dave sa loob at parang hindi niya ako napansin or pinansin. Nasa harapan niya lang naman ako pero dire-diretso lang siya pumasok sa loob. Hindi niya ako binati or hinalikan man lang. Very unusual na gesture ang pinakita ni Dave sa akin. Sa mga buwan na pagsasama namin ay hindi niya ako binabalewala kapag dumadating siya. Masama ang kutob ko ngayon. Parang may iba kong pakiramdam lalo na at nandito si Athena.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now