Karma 23 - The sweetest first dinner

11.5K 189 5
                                    


6pm

Exactly six pm ng dumating ako sa resto na pagmamay-ari ng family ni Blue. Isa ito sa mga high class restaurant in the Metro. More on fine dinning ang services nila and halos ang mahal ng mga pagkaing sineserve nila. Marami ditong mga bigating mga tao na kung saan uso ang mga sosyalera at mga businessman. Nakakahiya ngang pumasok sa lugar na ito. Buti na lang at maganda naman ang suot kong damit at nakapagayos ako kaya hindi nakakahiya kung may makakakita sa akin. Ayoko pa naman masabihan ako na mukhang katulong ng mga kumakain dito kahit pa parang walang pakialamanan ang mga tao.

Kita sa mga suot nga mga taong kumakain dito na may sinabi sila sa buhay. Halos lahat ng lalaki ay nakacoat and tie. Ang mga babae naman ay magaganda ang suot at may mga alahas na nakakaagaw ng pansin. Pagbaba pa lang sa sasakyan ay may sasalubong ng valet na siyang bahala sa pagpark ng mga sasakyan ng customers. Sa bungad pa lang ng lugar na ito ay puno na ng chandelier na malaki. Sa mansyon lang ako nakakakita ng ganito at hindi sa isang restaurant na tulad nito. Pagkapasok ko pa lang sa pinto ay mas madami pang chandelier na nakapalibot. Maganda ang mga ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa loob ng restaurant na ito. Grabe! Ang ganda at paghanga ko sa nakikita ko kasi sa picture o pelikula lang ako nakakakita nito. Hindi ko maisip na makakapasok at makakakain ako dito. Ang sosyal lang.

Bago ako umalis kina Milly ay tinawagan ko muna si Dave para sabihin na papunta na ako dito at hintayin ko lang daw siya sa loob. Sabihin ko lang din ang name niya kasi may reservation na kami dito.

Pinaupo ako ng waiter sa isang table for two sa gitna ng restaurant. Puno ng tao ang lugar may mga pamilya, meron ding magkasintahan having their dinner. Naupo lang ako at hinintay si Dave na dumating.

He said that he'll be here any minute now. Habang hinhintay ko si Dave ay naisip ko na naman ang pagbabalik ni Athena. Hindi ko lubos maisip na bakit naisipan niya pa na bumalik. Kung kailan na masaya na kami ay saka pa siya babalik at mangugulo. Bothered lang ako kasi siya yung minahal at inalok ng kasal habang ako ay pinakasalan lang dahil sa responsibilidad at sa maling akalang may nangyari sa amin. Natatakot din ako kasi ang nararamdaman ni Dave sa akin ay falling in love pa lang kumpara sa ex-girlfriend niya na minahal niya talaga ng ilang taon.

At isa pa anong panama ko sa 3 years relationship nila kumpara sa 2 months na mag-asawa kami na nagsimula sa mali at pinagpilitan lang. Hay! Grabe! Dapat hindi ako nagcocompare kasi past na siya pero hindi ko pa rin maalis ang hesitations at pangamba ko hanggat hindi ko naririnig sa mismong bibig ni Dave yung 3 words eight letters na yun. Gusto ko din kasi ng assurance na talagang mahal niya ako at hindi ipagpapalit kahit kanino man.

Hindi ko naman pwedeng ilihim o ilihis siya at itago sa kanya na dumating na si Athena ang ex niya. Sikat kaya yun kaya kahit man na paglihiman ko siya ay malalaman niya pa rin. Nasa telebsiyon at intenet na ang pagbalik sa Pilipinas ng isang sikat na model na si Athena Lee. For sure by now, he knows it already. Isa lang ang dapat kong gawin ay ang bantayan siya at hindi sila hayaang magkita.

Asawa ko na si Dave at ayokong maghiwalay kami dahil lang sa kanyang ex na nang iwan sa kanya sa ere. Ako ang pinakasalan pwes ako ang may karapatan. Walang e-epal na kung sino. Nawala ang pangamba ko ng nakita ko si Dave na palapit sa akin. Ang gwapo niya pa rin kahit na maghapon siya sa work niya. Suot niya pa rin ang kanyang damit sa office with matching coat and tie.

Nung nakalapit siya ay tumayo ako para yakapin siya ng mahigpit. Namiss ko siya kasi hindi ko siya nakita ng maghapon.

"Wife, so excited to see me?" natatawang tanong niya habang inalalayan niya akong umupo ulit at umupo na rin siya sa harap ko.

"Of course. Namiss kaya kita. Ikaw lang kaya ang nakakapabalik ng energy ko." Tuwang tuwa kong sabi sa kanya.

"You're so cute, wife!" Tumawa lang siya kaya mas lalo siyang gumwapo.Napaka-attractive niya talaga. Ang swerte ko naman. Kaya eto, kinikilig ang ate niyo.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingМесто, где живут истории. Откройте их для себя