Karma 26 - Okay! I get it!

10.9K 192 8
                                    

Yssa POV

Papalapit pa lang ako sa villa namin ni Dave ay rinig ko ang sigaw ng isang babae na umiiyak at galit na galit. Hindi ko lang naman pinanasin yun kasi ang alam ko si Dave lang ang nasa villa namin. Naisip ko din na baka sa ibang villa yung may sumisigaw. Hindi ko na lang pinansin kasi ayoko namang madamay pa sa ano mang away na nangyayari. Nagtext na siya sa akin na nakauwi na siya an hour ago kaya napagdesisyunan ko na rin na magpaalam kay Milly. Nagbonding din kasi kami sa villa niya. Nanood lang kami ng romance movies sa netflix at kwentuhan.

Nagpaalam kasi siya na magbobonding lang sila ng mga kaibigan niya sa isang bar dito sa CWC. Kaya nagpaalam din ako kay Dave na doon muna ako tatambay sa villa nina Milly para makapagbonding kami at magkwentuhan. Ayoko pa kasing matulog kasi alam mo na kakatulog ko pa lang kanina.

Hindi ko na din kinumpronta si Dave sa nangyari kagabi. Inisip ko na lang na nagmamalasakit din siya kay Athena kasi naging girlfriend niya rin nman ito ng ilang taon. Hindi lang mawala sa isip ko yung ngiti ng babaeng yun habang buhat-buhat siya ng asawa ko. Nakampante din ako kasi agad naman sila Dave bumalik sa bar kagabi kaya wala nang rason pa para magtanong at ungkatin pa ang nangyari.

Nasa may pinto na ako ng marinig ko ang boses ng babaeng tinatanong si Dave. Wait! Sino namang babae ang nangahas na pumunta sa room namin at nakikipag-usap pa sa asawa ko sa ganitong oras? Tanong ko sa isip ko.

Hindi muna ako pumasok at pinakinggan ang tanong nung babae. Familiar sa akin ang boses pero ayaw ko munang mag-conclude at mag-isip ng kung ano-ano.

"Tell me Dave! Mahal mo pa rin ba ako?" rinig kong tanong ng babae. Rinig ko din na medyo lasing ang babae dahil sa kanyang pagsasalita.

Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Alam ko na agad kung sino ang babaeng kasama ni Dave sa kwarto namin. Ang babaeng pinakaiiwasan ko na makalapit sa asawa ko. Ang babaeng dahilan kung bakit hindi pa rin ako magawang mahalin ni Dave. Ang reason ng mga agam-agam at takot ko. Masyado pang maaga para makapag-usap sila. Hindi ko pa nga naririnig ang 3 words na hinihintay ko mula kay Dave ay nagkaroon na sila ng moment para makapag-usap.

Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Paano kung magkaayos na sila? Paano kung piliin siya ni Dave over me? Pilit kong winawaglit lahat ng thoughts sa isip ko kasi ako na ang mas matimbang sa buhay ni Dave. But at the back of my mind, I know na umaasa lang ako at naghihintay sa mangyayari at sa desisyon ni Dave. Kung tutuusin ay parehas lang kami ng sitwasyon ni Athena eh. Pareho kaming umaasa na mapasa-amin si Dave. Ang kaibahan lang ay parang mas matimbang yung sa kanya base sa taon ng pagsasama nilang dalawa.

Ilang minuto ng katahimikan ang narinig ko sa loob ng kwarto. Nagdecide na akong pumasok at makialam bago pa sumagot si Dave pero nung papasok na ako ay natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin niya sa kanya.

"Yes, Athena. I still love you!" seryosong sabi ni Dave.

Hindi ko alam ang irereact sa narinig ko ngayon. All this time pala si Athena pa rin ang gusto niya. Balewala pala sa kanya ang nangyari sa amin. Ang pagsasama namin. Ang gabi- gabing pag-iisa namin ay wala lang pala sa kanya. Siguro habang ginagawa namin yun ay iniisip niya na si Athena ang kaniig niya.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at gulong gulo ako na binuksan ang pinto at nagsalita.

"Dave, anong nangyayari dito? Totoo ba yun?" pigil ang luhang tanong ko.

Parehas ko silang tinignan. Si Athena ay nakayap kay Dave. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na sugurin siya. Naiinis ako na bakit ganito ang nangyayari? Masaya na kaming dalawa. Bakit kasi bumalik pa siya. Bakit naman ganito, Lord? Akala ko okay na kami. Bakit may ganitong eksena pa. Ang sakit lang po.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now