Karma 44 - Questions and Answers (Part 1)

17.5K 251 6
                                    

Dave POV

Maingat akong lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa kanila. Nasa living room na silang lahat, naguusap-usap. Lumapit ako sa kanila at naupo ako sa isang single sofa chair sa bandang kaliwa nila Zach. Tingnan ko si Xander na seryosong nakatingjng sa akin. din ang tingin sa akin kaharap ko. sila Milly ay nakaupo sa mahabang sofa sa left side ko.

"Pwede ba tayong mag-usap Xander?" Mahinahon na tanong ko sa kanya.

Tumango siya bilang tugon pero hindi siya tumayo at gusto niya dito kami mag-usap. Nagagalit ako ngayon dahil sa nangyayari. Tahimik na tahimik kami at naghihintayan kung sino ang unang magsasalita. Ilang minuto pa ay hindi na ako nakatiis kaya ako na ang unanag nagsalita

"F*ck Xander! I need answers! Bigyan mo kami ng malinaw na paliwanag! Bakit na sa iyo ang asawa ko?" napasigaw na ako sa galit.

Nabigla ang lahat sa bigla kong pagsigaw. Akala nila ay sa mahinahon na paraan ko idadaan ang pakikipag-usap pero wala eh. Masyado na ang curious sa nangyayari. Hindi ko na kayang maghintay ng matagal para malaman ang lahat.

"Explain to us! I need to know everything. I need your answer to my f*cking questions. Xander." mahinahon na sabi ko ngayon ngunit tiimbagang na command ko sa kanya. I have huge respect for him because his my bestfriend. I just want to know all in all.

"Bakit ko naman sasabihin sa iyo ang lahat ng nalalaman ko? Wala akong reason para magpaliwanag sa iyo. Ang asawa mo lang ay may karapatan na sabihin sa iyo ang lahat-lahat. Sa tingin mo kailangan kong ipaliwanag sa iyo ang lahat to think na ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito sa kanya?" titig na titig siya sa akin habang sinasabi niya iyon. Napanting ang tainga ko sa sinabi niya sa akin. Anong karapatan niyang sabihin sa akin ang ganyang bagay. Ang gusto ko lang naman ay malaman ang lahat. Kung bakit nasa kanya ang asawa ko. Bakit nagkakaganito siya? Anong reason kung bakit nangyari ang ganito.

Nakuyom ko ang kamao ko at binalingan ko siya. "Kailangan mong ipaliwanag sa akin ang lahat at kung bakit siya na sayo all this time na hinahanap namin siya. Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit wala ka man lang sinabi sa akin o sa amin sa nangyayari sa asawa ko."

Tahimik lang siya tumingin sa akin at hindi nagsalita. Napipikon na talaga ako sa kanya. Wala akong maisip na rason kung bakit ganito ang ginagawa niya sa akin. Matalik ko siyang kaibigan tapos gaganituhin niya ako.

"Bakit mo yun ginawa? Bakit hindi mo sinabi sa akin kung nasaan siya? Bakit hindi ka man lang nagreach out na nasa iyo pala si Yssa. Sumagot ka Xander! I need your damn answers! Ano?Dahil ba may gusto ka sa asawa ko kaya pilit mo siyang nilayo sa akin. Kaya mo talaga ginawa ito dahil gusto mo siyang mapasaiyo!" galit na sumbat ko sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalit at sinagot ang mga paratang ko. "Hindi ko siya nilayo sa iyo. Siya mismo ang umalis dahil sa katarantaduhan mo. Sa pagpapabaya mo sa kanya. Ito lang ang masasabi ko. Mahal ko siya. Mas mahal ko siya kesa sa iyo kasi kung mahal mo siya hindi mo siya sasaktan. Kung mahal mo siya, makikinig ka sa kahit na anong paliwanag niya. At kung mahal mo siya hindi mo siya lolokohin ng harap-harapan!" sigaw at galit na galit na sabi at sumbat ni Xander sa akin.

Nagdilim ang paningin ko kaya tumayo ako at sinugod ko siya. "Tang-ina lang Xander! Kaibigan kita at bestfriend. Traydor kang lalaki ka. Isa ka sa pinagkakatiwalaan ko simula noon pa man. Gago ka Xander! Gago!" galit na sabi ko pagkatapos ko siyang kwelyuhan sa kanayang damit.

"Pre tama na yan. Huwag tayong mag-away. Walang matinong magagawa kung idadaan natin ang lahat sa init ng ulo. Nandito tayo para mag-usap at malaman ang totoo hindi para magaway-away," awat sa amin nina Zach at Blue.

"Umupo kayo ngayon din! Lahat kayo umupo at bumalik sa sarili niyong pwesto!" sigaw ni Milly na siyang nagpatigil sa tensiyon na nangyayari.

Sinunod namin siya. Naupo kami lahat pero hindi ko pa rin maalis ang nanlilisik kong mata kay Xander. How dare him say na mahal niya ang asawa ko. Tang-ina lang niya. Nakakalalaki kasi meron pala akong ahas na kaibigan. All this time siya pala ang tutuklaw sa akin.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingKde žijí příběhy. Začni objevovat