Karma 13 - Boracay Escapade

13K 189 1
                                    

(Saturday. 9am)

Nandito na kami ngayon sa loob ng eroplano at naghihintay na lang na magtake-off. Any minute now ay hello Boracay na kami.

"Hay!" Hikab ko yan. Inaantok pa kasi ako. Ang aga ko kasing gumising kasi super excited na akong pumunta ng Bora for the first time. Kinuwento ko nga kay Milly ang magiging adventure namin and she said na baka daw sumunod siya sa Bora kasi wala naman daw siyang gagawin at kasama dito sa Manila. Namili nga kaming dalawa ng swimsuit para lang talaga sa trip na ito.

Nakuha ko yata ang atensyon ni Dave dahil sa paghikab ko. Katabi ko siya sa upuan pero busy siya sa pagrereview ng presentation niya sa client later.

"Wife," tawag niya sa akin.

"Hmmm. Yes?" Tumingin ako sa kanya kahit na any minute now ay pipikit na ang mata ko dahil sa antok.

"Sleepy?"

Tumango lang ako at pinikit na ang mata ko. Sinandal ko ang ulo ko sa head rest ng upuan pero naramdaman ko na lang na inilapit niya ako sa kanya at sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya habang naka-akbay siya sa akin. Hindi na ako dumilat at niyakap ko na rin siya at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako ng may humahalik sa pisngi ko.

"Wake up, sleepy head." While his raining tiny kisses on my face.

"Yssa! We're here na. Nakalapag na ang eroplano. Gising na kasi kanina ka pa natutulog."

Pagkasabi niya na nakalapag na ang plane ay agad akong nabuhayan at umupo ng maayos. Excited na kasi akong magbeach at sulitin ang summer. Feeling ko mainit pa din sa Bora kahit rainy season na.

Bumaba na kami ng airplane. Pagkababa namin ay sumakay kami sa service para ihatid kami sa may sakayan ng bangka na magtatawid sa amin papunta sa isla ng Boracay. Ilang minuto lang naman ang travel by sea. Hindi ko nga namalayan na nasa may pangpang na pala ang bangka kasi naenjoy ko ang ganda ng paligid at kulay ng tubig.

(Boracay, 12pm)

Very refreshing para sa akin ang makita ang ganda ng dagat. Malayo sa maingay at mausok na syudad. Pumunta na kami sa hotel na pinareserve ni Mommy. Ang laki nga ng kwarto namin at take note kita sa bintana ang dagat kasi halos glass ang pader ng kwarto.

Lumabas ako ng terrace at dinama ang simoy ng hangin. Grabe fresh na fresh at walang pollution. Ito talaga ang advantage ng nakatira sa beach. Malayo sa polusyon o ano mang klaseng problema. Pinikit ko ang mata ko habang dina-dama muli ang paghaplos ng hangin sa aking mukha.

Naramdaman ko na lang ang isang kamay na yumayakap sa waist ko. Lilingon na sana ako pero pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko habang nakaback hug sa akin.

"Wife," malambing natawag niya sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Are you tired?"

Bumitaw muna ako sa pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa leeg ko at siya naman sa waist ko.

"No!. I'm not tired. Ang saya ngang magtravel eh. At isa pa first time ko pong pumunta dito. Isa pa kasama ko kaya ang gwapo kong husband."

"I'm happy that you are enjoying." Hinalikan niya ako sa labi ng mabilis.

"Are you hungry?" Tumango lang ako bilang sagot at niyakap siya ng matagal.

"C'mon lets eat! The food is here already. I know that you are hungry."

Pumasok na kami sa loob ng kwarto at nagsimulang kumain. Lunch na rin naman at isa pa kanina pa ako nagugutom. Hindi kaya ako nakapag-breakfast ng maayos dahil sa excitement ko. Habang kumakain kami ay bigla siyang nagsalita.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon