Karma 32 - documents

10.6K 143 2
                                    

6am

Saturday

Condo

Hindi pa rin ako makapaniwala sa iniisip ko hanggang ngayon. Ako buntis? Hindi pa naman sure talaga kaya itatago ko lang muna sa sarili ko ito. Ayokong bigyan ng false hope si Dave at sina Mommy and Daddy about my condition. I-coconfirm ko muna ang lahat bago ako magsabi kasi ayoko silang malungkot kapag hindi naman talaga ako buntis. If ever naman na magkakababy na kami ni Dave, alam ko naman na aalagaan niya kami at tatangapin niya ang baby namin. Nakapagpa-appointment na rin naman ako sa OB na Tita ni Milly bukas. Sasamahan niya ako sa check-up para daw may moral support ako sa malalaman ko. I am very Sa ngayon kami pa lang dalawa ang nakakaalam ng possible na condition ko. I am very happy na may supportive na bestfriend ako na handang tumulong sa akin kahit masama or maganda ang gawin ko.

Bigla akong napaisip ngayon, normal naman to sa lahat ng babae di ba? At isa pa nagkaroon ako kanina ng menstration kaya impossible na buntis. May spot ng konti kanina sa underwear ko kaya alam ko na meron ako Kaya I have doubt kung buntis nga talaga ako.

Nalulungkot pa naman ako ngayon kasi aalis si Dave ng 2 days. Relieve din ako kasi may time ako na makapagpacheck up para icoconfirm ko kung tama ang hinala namin ni Milly.

Kakatapos ko pa lang na magluto ng breakfast. Maaga akong nagising kasi may business trip si Dave ng 2 days sa Singapore kaya inasikaso ko muna ang mga dadalhin niya. Inaaya niya nga akong sumama kaso marami akong gagawin at aasikasuhin na requirements kaya di ako pwede. Gustuhin ko man pero need ko talaga iprioritize ang paghahanap ng company na pwedeng magOJT-han.

Pumunta na ako sa kwarto namin para gisingin si Dave kasi 9 am ang alis niya at hindi siya pwede malate sa flight niya. Kasama niya sa business trip na ito ang isang executive ng company na siyang proponent ng possible project na ito. Hindi kasama ang secretary niya dahil madami siyang pinapagawa at pinapaasikaso.

Lumapit ako sa kama at umupo. Nakatagilid siya ng higa kaya madali ko siyang ihug.

"Love," bulong ko sa tainga niya.

"Hmm," mahinang ungol niya sa paggising ko sa kanya.

"Love, gising na. Baka malate ka sa flight mo. Ready na yung dadalhin mo pati na rin breakfast kaya bumangon ka na," tinatapik ko ng mahina ang braso niya. Hinahalik-halikan ko din siya sa pisngi para magising talaga. Grabe naman ang antok nito. Hindi naman siya mahirap gisingin kapag umaga eh. Ano kayang nangyari? Maaga naman kaming natulog kagabi.

"Hmmm," ungol niyang muli. Nung gumalaw na siya ay umalis na ako sa pagkakadagan at hug sa kanya para pumunta na sana sa closet para kunin yung isusuot niya ng hilahin niya ako kaya napahiga ako sa kama.

"Uy, Dave" napatili ako sa paghila niya at pagyakap niya ng mahigpit sa akin.

"Good morning wife," nakangiti niyang bati sa akin at hinalikan ako sa labi. Mas hinigpitan niya din ang pagyakap niya kaya nahirapan akong maka-alis sa kanya.

Pinalo ko siya ng mahina habang natatawa sa kalokohan niya."Good morning din Love. Ikaw ha! Ang naughty mo. Kita mo nang busy ako sa pag-aasikaso sa mga dadalhin mo." natatawa kong sabi sa kanya.

Yinakap ko ulit siya ng mahigpit. Mamimiss ko ng sobra si Dave kahit na 2 days lang naman siyang mawawala. Hindi na ako sanay na magkalayo at mapalayo ako sa kanya. Naging habit ko na ata na parati ko siyang gustong makita at makasama kahit nasa work siya.

"Love, wag ka na lang kaya umalis. Dito ka na lang. Mamimiss kita ng sobra eh," nakangiti at pacute kong sabi sa kanya habang nakasandal sa chest niya.

"Wife, I need to go. Importante itong business trip na ito. Kailangan na kailangan ako doon. You know naman na I have responsibilities sa company as their CEO. Kapag hindi ako tumuloy malaking pera ang mawawala, kawawa ang mga employees natin. Sumama ka na lang kasi sa akin para diretso bakasyon na tayo. Nung isang araw pa kita pinipilit, ayaw mo naman."

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now