Karma 41- Day 1 of searching Yssa

16.5K 230 6
                                    

Dave POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Xander ay agad kong tinawagan ang iba naming kaibigan. Una kong tinawagan si Blue para siya na ang lahat na ang kumontak sa mga kaibigan namin.

"Hello Blue!"

[Yo Dave! Finally nagparamdam ka na. Namiss kita brother!]

"Yeah, enough of the drama. Gather all now. We need to plan agad para mahanap natin si Yssa."

[Oh, so you are back in your senses now.] may paghimig nang yabang na sabi niya pero hindi ko na lang pinanasin.

"Yeah! Got hit by the reality that I was a mess and a coward," pag-amin ko sa kanya.

[That's good to know that you finally have the courage to fight and accept the reality, so ano ba dapat namin gawin?] tanong niya sa akin.

"Can you gather all? Punta kayo dito ngayon sa condo ko nung college pa tayo. We need to plan. I need your help para mahanap ko ang asawa ko. Can you all go here now? I will wait for you all," mahinahong sabi ko sa kanya.

[Alright! I can bring them all there exceot Xander because he's not in the Metro as we speak.]

"I know. I already called him for help but he's not available. Thank you Bro!"

[No worries, we are all here to help and support each other always. Brotherhood pa rin naman tayo kahit nagkaproblema ka. Ikaw lang ang lumayo hindi kami.]

"I know. I apologized for that." hingi ko ng paumanhin.

[Alright! See you in a while. Wait for us.]

"Thanks."

Pagkatapos ng kaunting pag-uusap namin sa telepono ni Blue ay agad konng tinawagan ang private investigator na hinire ko noon. Inalam ko kung paano niya lahat nakuha ang impormasyon sa asawa ko. Sinabi niya na napakatransparent ni Yssa sa mga bagay bagay. Hindi daw marunong magtago ng impormasyon kaya madali niya lang makahanap ng mga butas. Hinire ko ulit siya para sa asawa ko. Hindi para magimbistiga kundi hanapin siya. Sana lang ay matulungan niya ako agad na makita ang asawa ko.

Agad kong nilinis ang sala ng condo ko dahil sa mga kaibigan kong paparating. Tinapon ko lahat ng bagay na nabasag at agad kong winalisan. Inabot akong halos trenta minutos sa paglilinis pero hindi ako nakaramdam ng konting pagod dahil sa mga naiisip ko at lito pa rin ako hanggan ngayon.

Naitago ko na ang lahat ng kalat ng biglang magdorbell ang pintuan ng condo ko. Agad kong binuksan iyon at bumungad sa akin ang mga kaibigan kong may mga dala pang pagkain at inumin. Tila ba party ang gagawin namin ngayon. Hinayaan ko lang na nakabukas at pinto at agad na tumabi kaya nagsipasukan na silang lahat. Maiingay at nagtatawanan pa sila Blue kaya napailing na lang ako. Nabaling ang tingin ko ulit sa pintuan ng may mga tao pa pala na naiwan doon. Nasa may labas pa si Zach kasama ang girlfriend niya na bestfriend ng asawa ko na si Milly. Masama ang tingin sa akin ni Millicent.

"Pasok na kayo, Zach." pagtawag ko sa atensiyon nilang dalawa. Ngumiti lang si Zach bilang tugon habang papasok sila ng girlfriend niya. Saktong pagdaan sa tapat ko ni Millicent ay narinig ko ang sinabi niya sabay irap.

"Magdusa ka ngayon! Kung hindi dahil kay Yssa ay hindi ako pupunta dito at tutulong."

Hindi na lang ako nagsalit at agad na sinara ang pintuan at mabilis na pumunta sa sala kung saan nagsisimula na silang kumain at mag-inom. Lumapit ako kay Zach na nakaupo sa single sofa habang ang girlfriend niya ay kausap nila Blue.

"How are you bro?" pangangagamusta niya sa akin.

"Not good," sagot ko sa kanyan. Tinapik niya lang ang balikat ko at pumunta na sa gawi nina Blue na nagkakasiyahan na. Kinuha ko na ang atensiyon nila.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ