Karma 18 - His Surprise birthday (part 1)

12K 168 0
                                    


Manila

3pm

Ang saya ng vacation namin sa Boracay last weekend. Ang ganda ng first time experience ko dun kasi yun yung unang bakasyon ko outside the metro. Bihira lang kasi ako makapagbakasyon noon dahil sa busy ako sa pag-aaral at pagtatrabaho. Mas masaya ako dahil kasama ko si Dave at sumunod din si Milly. Nakita namin si Kuya Zach at nakilala ko pa ang kaibigan ni Dave na coincidentally may connection pala sila sa amin. Si kuya Zach ang nagsilbing common denominator namin kaya ang bilis lang din namin sila maging close at makapalagayan ng loob.

Nung last day ng stay namin ay nag-island hopping kami then sumakay sa banana boat. Ang saya nun, grabe! Ang solid lang ng mga activities sa white sand beach sa Pilipinas. Ang dami naming ginawa at sobrang worth it ang experience. Hindi lugi ang perang ginagastos sa tuwing may mga magbabakasyon doon. Ang una naming ginawa pagkatapos mag-island hopping ay nag-jetski kami. Hindi ako marunong magpatakbo nun kaya sumakay na lang ako at hinayaan si Dave na patakbuhin yun. Pagkatapos nun ay nagsnorkling kami. Ang kukulit nga ng mga kasama namin. Para silang mga batang nakawala sa gabay ng magulang. Ang ganda ng mga coral reefs at ilang sea creatures. Kitang-kita sila sa napakalinis na dagat. Inabot kami ng hapon sa mga water activities kaya napagpasyahan namin na maligo muna at magkita na lang sa may resto sa baba ng hotel. Kumain kami ng dinner habang nanonood ng mga nagfi-fire dance. Nagpabraid din ako ng hair at nagpalagay kami ni Mily ng henna tatoo sa shoulder blades namin. Butterfly sa akin at stars na mliliit naman sa bestfriend ko.

Ang galing nga pero ang ikinawindang ko lalo ay kamuntikan na naman na may mangyari sa amin ni Dave. Hindi ako makapaniwala na muntik ng malaman ni Dave na wala talagang nangyari sa amin. Nadala na naman kami sa emosyon namin. Alam ko sa sarili ko na gusto ko nga gawin namin yun para mafeel niya lalo na mahal ko talaga siya at kaya kong gawin lahat para sa kanya.

Buti na lang ay dumating sina Milly kaya napiiltan na naman si Dave na tumigil. Hindi ko alam ang mararamdaman ko if magpapasalamat ako sa kanila or maiinis dahil hindi na naman natutuloy ang labing-labing namin nga asawa ko. Ramdam ko sa halik ni Dave kung gaano niya na kagusto na gawin namin yun at dun sa ano niya. Hay! Parang may tent. hahaaha. Ang laki! Parang gustong kumawala. Namumula at nahihiya ako pagnaa-alala ko yun.

"Hoy Yssa! Bakit ka namumula diyan? Daig mo pa ang kamatis sa sobrang pula. Ano bang iniisip mo?" Takang tanong ni Milly sa akin habang hinila ang upuan at umupo sa harapan ko.

Nandito kami sa isang coffee shop malapit sa school. Tinawagan ko kasi si Milly para humingi ng tulong para sa pagprepare sa birthday ni Dave. Malapit na kasi ang birthday niya and he's turning 25 years old this September 30.

Two weeks from now na yun. Medyo kukulangin sa oras pero kakayanin dahil gusto ko kasi siyang i-surprise. Sayang nga lang dahil hindi makakadalo sina Mommy at Daddy kasi nasa vacation sila. One month silang maglilibot sa buong mundo at kaaalis lang nila nung isang araw. Gusto sana ni Mommy yung plan ko pero nakaschedule na yung trip nila kaya wala na siyang nagawa. Nagbilin na lang siya na if may kailangan pa ako ay ready lang ang secretary ni Daddy na tumulong.

Bukod kay Milly ay nagvolunteer rin tumulong sila kuya Zach at Xander. Kaya hindi kami mahihirapan para magprepare.

"Wala noh! May naalala lang ako." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Sus! Alam ko naman kung ano yang naisip mo. BTW, What's your plan Yssa? Paano mo isusurprise ang iyong dear husband para sa nalalapit niyang birthday?"

"Ok na yung venue. Si Blue ang nagvolunteer na dun na lang daw sa isa sa mga bar niya gagawin. Dun sa Blue360, kita mo naman pangalan palang hindi mo aakalain sa kanya at siya ang owner. hahaha. Then yung ibang kailangan ay tayo na ang mag-aasikaso kagaya ng food at kung ano ano pa. Ok lang ba yun sayo?" Paliwanag ko sa kanya.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now