Karma 38 - 10 months after

15.9K 267 16
                                    

10 months after

(12nn. Wednesday)

Millicent Pov

Nadagdagan na naman ang buwan pero hanggang ngayon ay hindi ko mahanap si Yssa. Sampung buwan to be exact ang nakalipas nung umalis si Allyssa at hindi magpakita sa amin. Kahit call or even text na okay siya pero wala eh. Miss na miss ko na siya. Siguro kung nakapagtapos siya ng pag-aaral ay kasama ko siya sa trabaho. Nakapagtapos na ako at nagtatrabaho bilang Finance Executive sa company ng parents ko dahil nakiusap sila na maging hands on din ako sa business namin.

Nahihirapan kaming hanapin siya kasi ayaw niya talagang magpahanap. Kahit na nahire na namin ang pinakamagaling na private investigator sa buong mundo pero wala talagang lead kahit isa. Sobrang nag-aalala na ako kasi ngayon lang siya nalayo sa akin ng ganito katagal. Nalulungkot ako but I need to move on and to wait until she decides to comes back. God knows when.

Nadeactivate na niya ang lahat ng account niya sa lahat ng social networking site na meron siya. Wala na rin yung online pastry shop niya dahil hindi ko na masearch online. Nawawawalan na kami ng pag-asang makikita pa namin siya.

Hindi namin siya malocate kahit saan. Nagpatulong na sa iba pang kasosyo at kaibigan ang pamilya ko pero wala pa din. Sinadya niya talaga na hindi magpakita at magparamdam sa amin. Sinadya niyang hayaan ang sarili niya na maghirap at magdusa. Hinaharap niya ang bawat araw ng mag-isa at walang kasiguraduhan ang mga mangyayari.

Ilang beses akong ininis ni Dave dahil sa ilang b uwan kong pagpabalik-balik sa opisina niya ay hindi niya man lang akong harapin kahit sandali. hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa lalaking yun dahil wala siyang pakialam kung nasaan si Yssa. Walang pagreach out na nadinig ako or at least nagtanong siya kay Zach. Sinong hindi maiinis sa lalaking ganun. Isa pa yung Athena na yun. Masyadong epal at mapapel. Hindi ko makausap si Dave dahil parating nakabuntot daw sa kanya daig pang asawa. Kainis!

Buti nandiyan si Tita para tulungan ako sa paghahanap sa kanya pero wala talagang balita. Hindi talaga namin siya mahanap. Naalala ko na naman ang reaksyon ni Tita nang sinabi kong nawawala si Yssa. Nakita ko ang lungkot sa mata niya dahil sa pag-alis ng pinakamamahal niyang daughter-in-law.

-Flashback-

Papunta ako sa bahay nina Tita Lucia kasi nakarating na daw sila galing sa kanilang vacation sa ibang bansa. Wala pa akong pinagsasabihan tungkol sa pagkawala ni Yssa. Kahit sa school hindi rin ako nagsabi. Sinarili ko lang ang lahat hanggat hindi ko pa siya nakakausap pero dumaan ang dalawang linggo pero wala akong nakita na Yssa.

Pumunta rin ako sa dating apartment na titirahan niya pero wala din. Dumalaw din ako sa puntod ng parents niya pero wala rin siya doon kaya napagpasyahan kong kausapin at sabihin na kay Tita ang lahat.

Pagpasok ko sa bahay niya ay sinalubong niya ako ng may ngiti sa labi. Siguro hindi niya napapansin na may problema at nawawala si Yssa.

"Millicent! I'm glad you're hear. Pasok ka. How are you? Marami akong pasalubong sa inyo ni Allyssa,' nakangiting sabi niya sa akin habang pinaupo niya ako sa couch katabi niya. Napangiti ako ng mapait dahil sa sasabihin kong masamang balita sa kanya.

"Ok lang po ako. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, Tita. Nandito ako para ibigay sa inyo ito," may pagtataka sa mukha niyang kinuha ang binibigay ko. Pagkabigay ko ng sulat ni Yssa para sa kanya ay tinitigan niya ako na para bang nanghihingi ng sagot. Ngumiti ako ng malungkot bilang tugon bago nagsalita.

"Basahin niyo na lang po Tita." Agad niyang binuksan ang letter at binasa ang nakasaad dito.

Nakita kong napapiling na siya at umiiyak kaya niyakap ko na rin siya.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon