Karma 35 - All alone

14.7K 234 9
                                    

-Condo-

(Tuesday - 8am)

Yssa pov

Nagising sa maliwang na sinag ng araw na pumapasok sa aming kwarto. Wala ako sa sariling bumangon sa malamig na sahig na tinutulugan ko. Hindi ko namalayan na nawalan ako ng malay dahil sa kakaiyak kagabi. Para akong isang zombie na walang pag-iisip at gagalaw lang dahil kailangan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, mugtong mugto ang mata ko dahil sa pag-iyak. Namumuo na naman ang luha sa mata ko habang inaalala ang masamang pangyayari kagabi.

Kahit na hirap ako sa pagbangon ay naligo na ako at nag-ayos kasi napagdesisyunan ko ng umalis at magpakalayo-layo na lang kami ng baby ko. Siya na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin para mabuhay at harapin ang kinabukasan. Wala naman na rason para manatili pa kami dito. Hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko dahil malinaw na lahat sa akin. Kung susuko ako ngayon, mas mapoprotektahan ko ang baby ko. Kahit mahirap ay kakayanin ko alang-alang lang sa kanya. Wala na rin naman akong lugar na mapupuntahan, pinaramdam na ng asawa ko sa akin kagabi na hindi niya na ako kailangan. Hindi niya man lang nga ako hinayaan na magpaliwanag, pano pa itong kalagayan ko? Klaro din sa akin na baka hindi na kami babalikan at tanggapin ni Dave. Kahit pa sabihin ko na magkaka-anak kami, baka hindi niya din ako paniwalaan. Okay lang na ako ang saktan niya huwag lang ang baby ko kasi hindi ko kakayanin na ayawan siya ng tatay niya dahil lang sa ginawa ko.

Ito na ang pinakamalungkot na sandali sa akin kasi feeling ko, sa pangalawang pagkakataon nawalan na naman ako ng pamilya. Mas malungkot pa ito nung namatay ang parents ko pero kailangan kong magmove on at ituloy ang bukas para sa amin ni baby, kahit mahirap. Kakayanin ko ito para sa kanya. Ayokong maranasan niya na maghirap siya, handa akong protektahan siya sa mga gustong manakit sa kanya.

Nagimpake na ako ng gamit. Inilagay ko lahat sa maliit na maleta na dala ko lahat ng akin. Dinala ko lang talaga ang mga damit at gamit na ako ang bumili. Iniwan ko ang lahat na mga bigay at biniling gamit ni Dave at ni Mommy. Isang maleta lang ang dala ko kasi yun din naman ang dala ko nung una akong tumira sa condo ni Dave. Ayokong may marinig sa iba na manggagamit at manloloko ako. Ayokong husgahan nila ako dahil naging desperada ako. Mali ba na magmahal? Alam ko na mali yung way ng pagmamahal ko pero sana naman ay pinakinggan man lang ako. Ang sakit kasi eh. Yung akala mong magmamahal at magtatanggol sa iyo, siya din pala ang mananakit sa iyo ng matindi.

Marahan kong pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mata ko. Hindi ko na naman mapigilan ang umiyak. Nung lahat na ng gamit ang nailagay ay sinara ko na ang maleta ko. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala.

Kinuha ko ang folder na naglalaman ng annulment papers sa lamesita dito sa sala. Tinignan ko muna yun ng matagal at biglang umagos muli ang mga luha na akala ko naubos na. Natulala pa ako ng ilang minuto bago ko kinuha ang ballpen sa bag ko. Kahit masakit ay walang alinlangan ko nang pinirmahan ang mga papel na hawak ko.

Wala naman nang rason para ipagpatuloy ko pa ito kasi ayaw na niyang maging asawa ako kaya yun ang bibigay ko sa kanya. Kahit masakit sa loob ko ang pakikipaghiwalay ay wala na akong magagawa. Kahit na ipagpilitan ko ang sarili at lumaban ako, wala na rin eh. Siya na ang unang bumitaw sa mga pangako niya sa akin. Siya na ang umayaw. Alam kong talo na ako simula pa lang kasi nagsinungaling ako. Kasalanan ko naman talaga ang lahat pero hindi ko pa rin matanggap ang kinahinatnan ng pagsasama namin.

Napabuntong hininga na lang ako."Sana kung marunong lang siyang makinig ay maiintindihan niya ang paliwanag ko. Sana kung hinayaan niya akong magsalita, hindi sana aabot sa ganito," mahinang usal ko sa sarili. Wala na akong magagawa. Puro na lang ako sana pero tapos na, nangyari na. Nandito na ako sa sitwasyon na ito. Ipinagdadasal ko na lang na malagpasan ko lahat ng ito.

Inilapag ko sa may coffee table ang annulment papers pati ang checkeng binigay niya. Hindi ko yun kailangan. Kaya kong buhayin ang sarili ko at ang magiging baby ko. Kahit na magpakahirap at mamatay ako sa katatrabaho ay hindi ako hihingi ng pera kahit piso sa kanya.

Gusto kong patunayan na hindi pera ang habol ko sa kanya kundi pagmamahal niya lang. Nag-iwan rin ako ng sorry letter para kay Dave, Mommy and Daddy, at kay Millicent. Ayokong i-abot ng personal sa kanila kasi baka magbago ang isip ko sa pag-alis. Ayoko din na pigilan nila ako. Ayos lang sa akin na akong maghirap at mamroblema, huwag lang ang mga nagmamahal sa akin. Magpapakalayo na ako sa lugar na ito. Hindi ko alam kong babalik pa ako kasi ang sakit ng mga pinagdaanan ko sa lugar na ito. Siguro ay pupunta ako dun sa lugar na hindi ako mahahanap at walang makakakilala sa akin.

Bago ako tuluyang umalis, tinignan ko sa huling pagkakataon ang lugar na naging saksi sa pagmamahal ko kay Dave kahit sa konting panahon lang. Napangiti ako ng mapait.

Ito na ang simula ng pagbabagong buhay ko na ako lang. Walang Millicent, Dave o si Mommy. Walang pag-aaral, shopping o kahit na partying. Parang back to zero ako ngayon at kami lang dalawa ng magiging baby ko ang magkasama simula ngayon hanggang sa huli.

***

11am

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan nakahimlay ang pinakamamahal kong mga magulang. Dito ako pumunta kasi gusto ko silang makausap sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung kalian ko sila ulit madadalaw o madadalaw ko pa ba sila.

Umupo ako at hinawakan ang lapida ng magulang ko. Napapaiyak ako tuwing naiisip ko sila. Sila kasi ang strength ko kaya ako patuloy na nabubuhay. They treat me as a princess kasi ako lang ang only child nila. Kaya mahirap sa akin nung nawala sil kasi hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang mabuhay na hindi sila kasama.

"Mama, Papa, Sorry kong ngayon ko lang kayo ulit na dalaw, ha? Busy lang ako sa pag-aaral ko. Miss na miss ko na po kayong dalawa. Alam ko po na ginagabayan niyo ako palagi pero bakit ganito. Naghangad man lang ako na maging masaya pero luha at pasakit lang ang nararanasan ko ngayon. Masama ba akong tao para parusahan ako ng ganito? Hindi naman ako nagnakaw o pumatay pero bakit ang sakit ng pinagdadaanan ko. Sana nandito kayo at nagabayan niyo ko noh? Sana hindi na lang kayo namatay. Sana hindi niyo na lang ako iniwan ng nag-iisa sa buhay. Sana masaya tayo hanggang ngayon na magkakasama. Sana namatay na rin ako kasama niyo para mas naging masaya ako sa kabilang buhay dahil magkakasama tayo." Hindi ko na napigilan na humagulgol at umiyak sa harap ng parents ko. Sila lang ngayon ang masasandalan ko at makakausap.

"Ma, Pa, magkaka-apo na kayo. Buntis po ako pero hindi alam ng tatay niya. Iniwan na kami ng asawa ko. Masakit pero kailangan kong maging matatag para sa baby ko. Siya na lang ang natitirang ala-ala at pagmamahal ko sa asawa ko," umiiyak na pagkukwento ko.

"Hindi ko alam kong saan ako pupunta ngayon. Sa ngayon ay sapat pa ang perang naipon ko pero hindi ko alam ang mangyayari sa mga susunod na araw at kapag lumaki na ang tiyan ko. Hanggad ko lang po na gabayan niyo po kami ng baby ko, na kahit mag-isa lang ako ay maalagaan at mataguyod ko siya nga mabuti at mabait na bata. Promise po ipapakilala ko siya sa inyo sa oras na maging maayos na ako. Bye Mama. Bye Papa. I love you po." Hinalikan ko ang lapida nila sa huling pagkakataon bago tuluyang umalis at tinahak ang daan patungo sa lugar na walang nakakakilala sa akin.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon