KARMA 46

17.6K 227 7
                                    

Dave POV

"Sinabihan ako ng doctor na kailangan magising ni Yssa within two weeks. Kung hindi siya magising ay tuluyan ng titigil sa pagtibok ang puso niya at mas worst ay mamatay siya."

"Mamamatay siya!"

"Mamamatay siya!"

"Mamamatay siya!"

Paulit-ulit na tumatak sa isip ko ang narinig ko kay Xander habang naglalakad ako palabas ng bahay. Nakaupo ako sa patio malapit sa may dagat. Ang tagal bago naalis sa utak ko ang sinabi niya kaya natulala ako sa pag-iisip. Yung tipong na-LSS ako pero imbis na kanta ay salitang ayaw kong marinig ang paulit-ulit na nagpa-play sa isip ko. Mas ayoko ang ganun dahil mawawalan ako ng pag-asa lalo na sa kalagayan ng asawa ko ngayon. Ilang minuto akong tulala at nakayuko lang. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Litong-lito ang isip ko at hindi ako makapag-isip ng maayos. Nawawala ang pinag-aralan ko sa mga rebelasyon at narinig ko kay Xander. Buti na lang binigay ko na si Baby Yade sa yaya niya kung hindi ay baka mahulog ko siya.

Tumayo ako pumasok sa bahay para pumunta sa kwarto ng mahal ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo bago ako naupo sa upuan na nasa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.

"Love, gigising ka diba? Alam ko gigising ka kasi ayaw mong iwan mag-isa ang baby natin. At hindi mo rin ako iiwan diba?" tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya at inilapit ko sa pisngi ko. Nilabas ko na ang emosyon kong kanina ko pa kinikimkim.

"Sorry wife. Patawarin mo ako sa lahat lahat. Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganito. Pinabayaan kita at hindi ka pinakinggan. Ang laki kong gago. Ang gago-gago ko dahil hindi kita pinaniwalaan man lang. Nabulag ako ng galit at pagkamuhi. Nagsisisi ako ng husto sa kasalanan at sa pagpapabaya ko. Kung sana naniwala ako at hinintay paliwanag mo sana nabantayan kita at naalagaan habang buntis ka. Sana hindi ka nakahiga diyan at nag-aagaw buhay. Sana nabili ko yung pinaglilihian mo kagaya ng ibang asawa na napapagod at napupuyat para lang maibigay ang mga pagkain na gusto mo. Nasamahan sana kita sa pagpapacheck-up mo every month. Sana nahawakan ko ang bilog mong tiyan at naramdaman ko sana na sumipa si Baby Yade."

Iyak lang ako nang iyak habang kinakausap ko siya. Wala akong pakialam kong may makakita sa akin at sabihin nilang bakla ako dahil umiiyak ako. Hindi kabawasan sa lalaki ang pag-iyak lalo na kung ang sanhi naman nito ay ang asawa mo. Hindi bali nang maging mahina ako basta wag lang akong mawawalan ng pag-asa na gagaling siya.

"Alam ko naririnig mo ako ngayon, Yssa, Alam mo ba na naging miserable ako nung nalaman kong umalis ka. Naging kampante ako na hindi mo ako iiwan at hindi ka aalis sa bahay pero nagkamali ako. Hindi inisip na sa katangahan ko at sa padalos dalos na emosyon ko eh hahantong ka sa ganito. Napabayaan kita pero alam ko na hindi mo pa kami iiwan. Hahanap ako ng magaling na doktor at ipapagamot kita. Uubusin ko ang lahat ng pera na meron ko para gumising at gumaling ka lang, love."

Hinalikan ko siya sa kamay at sa noo. "Love, babalik ako. Babalikan kita pinapangako ko yan. May gagawin lang ako sandali. Hintayin mo ako ha. I love you," hinalikan ko ulit siya sa noo at agad na lumabas ng kwarto niya.

Nagpaalam ako kina Xander na uuwi muna ako ng Manila dahil may kailangan akong gawin na importante. Ayaw pa ngang pumayag nila pero hindi ako nagpapigil. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapadali ang paggaling ng asawa ko. Hindi ako maghihintay magising siya o hayaan siyang mamatay. Pumunta din ako sa kwarto ng anak ko at binuhat siya habang tulog.

"Take care of your Mom, bud! Babalik si Daddy. I need to make a move para makasama pa natin siya ng matagal," hinalikan ko siya sa pisngi at binalik ulit sa crib niya.

Nung gabi din yun ay lumuwas ako ng Maynila. Pagkadating ko agad akong umuwi sa bahay nila Mommy. Pagpasok ko ay agad na nakita ko si Mommy sa sala at natingin lang sa akin. Agad niya akong nilapitan at niyakap. Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko at agad kong niyakap si Mommy ng mahigpit.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now