Karma 49

15.8K 194 2
                                    

Dave's pov

1 week later

Nakalabas na ng hospital si Yssa at pauwi na kami sa mansyon dahil doon muna kami titira pansamantala para may kasama sila ng baby namin tuwing aalis ako for my schedule meeting. Another reason din ay gustong makasama nila Mommy ang daughter-in-law niya ng matagal kaya pumayag na ako. Nandoon na rin si Baby Yade kasama sina Mommy at Daddy. Hindi na rin sumama sa pagsundo sina Blue dahil sa bahay na rin sila dederetso. Kami lang ni Xander ang kasama ni Yssa pauwi.

Kaso naiinis ako sa asawa kong ito dahil kanina pa ako kinukulit dun sa dapat na ikukuwento ng mga kabarkada ko kaso pinigilan ko lang. Actually kahapon niya pa ako kinukulit kaso nakakahiya yung ginawa ko at ayaw ko ng alalahanin pa yun. Ayoko rin na pagtawanan niya ako at maturn-off siya sa akin.

"Sige na man na love, kwento muna kasi sa akin. Sobrang curious na ako sa mga pinag-uusapan nila. Ano ba kasi yun? Bakot ganun na lang sila kung makatawa at magkwentuhan about dun," nakahilig siya sa balikat ko habang kinukulit ako. Magkatabi kami sa backseat habang si Xander ay tawang- tawa habang nagdadrive.

"Stop it, Wife. Wala lang yun. Tapos na at isa pa ay huwag mo nang alamin," seryoso ko na sabi sa kanya.

"Eh, hindi mo na ko love niyan kasi ayaw mo talagang ikwento sa akin ang nangyari. Curious lang naman ako kung bakit ganoon ang reaction nila at palaging natatawa si Blue kapag nagkukwento," nakapout pa na sabi niya. Napailing na lang ako kasi ang cute maglambing ng asawa ko.

"Love kaya kita kaya hindi mo na dapat malaman yun." Palusot ko. "Hindi mo din ako madadaan sa pagpout mo. Final answer ko ay no. Tapos na yun wife. Huwag mo na pong alamin." Ayoko lang kasi na ikwento dahil... Ay basta!

"Kuya, ayaw niya ikuwento. Alam ko na alam mo ang tinutukoy nila. Ikaw na lang magkwento sa akin,please." pagbaling ni Yssa sa kapatid niya na nagdidrive.

Tinitigan ko ng masama sa rearview mirror si Xander na nagpipigil ng tawa. Nakampante ako ng tumango siya pero hindi ko inaasahan na magsasalita pa siya. Akala ko ay hindi niya talaga iku-kwento sa asawa ko pero parang nagkamali pala ako.

"Ganito kasi yun sis..." pinutol ko na agad siya bago niya pa maikwento. Ang epal talaga ngn lalaking ito. Talagang sasabihin niya pa talaga sa kapatid niya kung ano ang nangyari sa OR. Akala ko ako ang bestfriend niya, bakit nilalaglag niya ako bigla at balak pang ikuwento ang nangyari.

"Sige, pre, tuloy mo. Tandaan mo, model ng company ang nililigawan mo at isa pa ay kinakapatid ko yun. Ituloy mo nang mawalan ka ng pag-asa sa kanya. At isa pa hindi kita tutulungan Kay Amanda sa panliligaw," I said it while grinning at him.

"Tss," yan lang nasabi niya at tahimik na nagmaneho na lang papunta sa mansyon namin.

Nakita ko na napapout pa lalo ang asawa ko. Akala niya madadaan niya sa pagpapacute ang kapatid niya. Huh! Ako ang susi sa magiging lovelife niya kaya need niyang maging mabait at magtake ng sides ko. Napapangiti na lang ako sa naiisip ko.

Akala ko hindi na iimik si Xander pero nagkamali ako. "Blackmailer," rinig kong bulong niya sa unahan.

****

Nasa pintuan palang kami ng mansyon ay agad na sinalubong ng yakap ni Mommy si Yssa. Sinuklian din ng asawa ko nang mahigpit na yakap ang Mommy. Alalang-alala si Mommy nung nawala siya hanggang sa operasyon. Kaya masaya siya na naging okay ang kalagayan niya at makakasama na namin siya ulit.

"Welcome back Yssa and Welcome home. I miss you my baby girl. Happy ako na okay at nakabalik ka na dito sa amin," nakangiting sabi ni Mommy.

Tuwang tuwa si Yssa ng makita ang parents namin. I am happy to see my wife again in our house. I am so happynto live with him then rest of my life.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now