Karma 40 - The letter

16.3K 218 6
                                    

9pm

Nakaupo ako dito sa sala ng condong tinutuluyan ko. Hawak-hawak ko ang sulat na nakuha ko kanina na iniwan ni Yssa para sa akin. Ilang oras na ang nakalipas nang makuha ko ito pero hindi ko pa magawang buksan at basahin man lang. Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko ngayon dahil sa mga maling desisiyon ko na hindi ko na maibabalik. Hindi ako ready na malaman ang lahat ng nasa puso at isip niya. Lahat ng paliwanag niya na hindi ko hinayaan na sabihin niya sa akin ng harapan bagkus ay pinagtabuyan ko siya. Hindi ko matatatanggap ang pagkakamaling nagawa ko at hirap kong unawain ang sarili dahil ni hindi ko man lang siya pinakinggan kahit saglit lang. Nagpatalo ako sa init ng ulo at sulsol ng tao na nasa paligid ko. Sobrang naging duwag ako.

Huminga muna ako ng malallim bago ko binuksan at binasa ang sulat niya para sa akin.

To my love Dave,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat na ito. Hindi nga ako sigurado kung babasahin mo ito pero nagsulat pa rin ako kasi gusto ko lang na makapagpaliwanag at linawin ang lahat sa iyo. Ayokong tumatak sa isip mo na ang sama kong tao dahil nagawa ko ang mga bagay na yun. Hindi din maatim ng aking sarili na habang buhay mo akong kamumuhian. Kung hindi man ako nakapagpaliwanag sa iyo nagpersonal, sana hayaan mo man lang akong ipagtanggol at linisin ang sarili ko. Ang sulat na ito ang tanging paraan ko para malaman mo ang totoo at masabi ko ang lahat ng katotohanan. Alam ko kasi na ayaw mo akong makausap at makita kaya hindi ko na ipipilit yun. Alam ko naman ang kapasidad ko sa pag-intindi na ayaw mo na sa akin kaya dito ko na lang sasabihin ang lahat.

Sorry Dave, sorry ha? Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat ng ginawa ko. Kung sana nakinig ako kay Milly, eh di sana hindi kita masasaktan at hindi rin ako masasaktan ng ganito. Inaamin ko na plinano ko lahat yung sa bar at pangyayari sa condo pero alam mo naman ang lahat na wala talagang nangyari sa atin noon. Napatanuyan ko na sa iyo nung binigay ko ang sarili ko sa iyo ng buong buo. Kahit hindi ako handa ay hinayaan kong maangkin mo ako at ibigay ko ang dangal na pinagkaiingatan ko ng matagal. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita. Handa kong gawin lahat para maging masaya ka.

Unang kita ko pa lang sayo noon sa isang magazine ay may kakaiba akong naramdaman. Sa ngiti at sa gwapo mong mukha feeling ko na ikaw talaga ang para sa akin kaya ginawa ko ang lahat para mapansin mo. Sabi nga ni Milly ay na love at first sight ako sa iyo kahit hindi pa kita nakikilala at nakikita ng personal. Naging instant fan mo nga ako.

Una, nagcollect lang ako ng mga magazine at article sa dyaryo na ikaw ang cover at iniinterview. Highschool pa lang ako noon nang una akong nahumaling sa iyo. Crush lang naman ang nararamdaman ko noon at nagwagwapuhan talaga ako sa iyo. So ang ginawa ko ay kinompile ko lahat ng pictures mo at nilagay ko sa isang scrapbook na may mga captions. Kontento lang naman ako sa panonood ng tv at paggupit at pagdikit ng mga pictures mo sa scrapbook na binili ko. Natutuwa ako sa mga achievements mo kasi at a young age ay naging successful ka sa mga ginagawa mo.

Nung 4th year ako, doon nagbago ang lahat. Nung namatay ang parents ko ay naging depressed at down ako kaya imbis na malungkot ako at humantong sa pagpapakamatay para makasama lang sila ay sinimulan kitang sundan-sundan. Aminin ko man sa hindi ay naging instant stalker mo ako. Nasasayahan ako sa ginagawa ko at nalilimutan ang lungkot na nararamdaman ko. Alam ko naman na mali ay tinuloy-tuloy ko pa rin kasi nakasali ka na sa sistema ko. Yung moment ko to mourn at mag-isip ng mga pangit na bagay ay napadpad sa iyo.

Kinaibigan ko yung secretary at mga empleyado mo kaya nalaman ko lahat ng schedules at where abouts mo. Pumupunta ako parati sa mga live tv interview mo. Nandoon din ako nung nakikipag lunch meeting ka sa mga investors mo sa isang restaurant. Nakapag-groufie pa nga tayo ng hindi mo nalalalaman eh. Alam ko din ang pinupuntahan mong bar at nakakapasok ako dun na hindi namamamlayan na minor ako. Kung iisipin nga sobra na masyado ang pinagagagawa ko pero nangigibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa iyo.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin