Karma 48 - Calm

18.1K 237 2
                                    

Yssa POV

2 days later

Naririnig ko ang ingay sa paligid. Kwentuhan ng mga taong naririto sa lugar kung saan ako naroroon. Iyak ng sanggol at tawanan ng mga boses na animo'y hindi na bago sa pandinig ko.

Pilit kong ibinubukaat iminumulat ang aking mata ko pero hirap na hirap akong buksan ito. Tila ba ang tagal kong hindi naibuka ang mata ko dahil kahit anong gawin kong pilit na imulat ay hirap na hirap ako ng husto. Gustong gusto ko ng gumising at malaman kung sino ang mga kasama ko dito. Gusto ko na din makita kung sino ang taong nakahawak sa kamay ko. Antok na antok pa ako pero may nagsasabi sa akin na dapat na akong magising dahil iyon ang nararapat.

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko pero agad kong ipinikit. Liwanag... Matinding liwanag ang sumalubong sa mga mata ko. Iminulat kong muli ng dahan-dahan ang mga mata ko at medyo hindi na gaanong kaliwanag gaya ng nabungaran ko kanina. Hindi ko pa maaninag ang paligid dahil sa matinding liwanag na nagdudumina sa mata ko.

Nasaan ako? Tanong ko sa isip. Patay na ba ako? Sunod na sunod na tanong ko sa sarili.

Ipinikit ko uli ang mata ko at binuksan ulit para makadjust at masanay sa liwanag na siyang bumubungad sa akin. Unti- Unti ko ng nakikita ang paligid ko.

Puting lugar ang nakita ko. Puting kisame. Puting ilaw. Iginala ko ang mata ko sa ibang dako. Nawala na yung ingay na naririnig ko kanina pati ang sanggol na umiiyak wala na rin. Ang tanging nakita ko ay ang isang lalaki na nakayuko at tulog habang hawak-hawak ang kamay ko. Hindi ko siya makilala dahil nakayuko siya . Nanatiling nakatingin ako sa dulo niya.

Pilit kong iniisip kung sino ito. Ang alam ko si kuya Xander ang kasama ko bago ako manganak. Bigla akong nalungkot ng maisip ko na hindi talaga ako mapapatawad ni Dave kahit na muntikan na akong mamatay. He loathe me a lot na kahit na mamatay ako ay hindi siya mag-aalala sa akin.

Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa naisip ko.Mas nalulungkot ako dahil wala na talagang pakialam si Dave sa akin. Hindi na niya ako mapapatawad at masaya na siya sa piling ni Athena. Siguro kasal na sila ngayon at namumuhay ng mapayapa.

Biglang gumalaw lalaking natutulog at hawak ang kamay ko. Si kuya Xander ata ang lalaking ito. Hindi ko lang mapansin kaagad dahil sa medyo malabo pa ang paningin ko. Siguro na rinig niya ang panaka-nakang paghikbi ko. Kaya pinipigilan ko ang umiyak pero hindi ko talaga kaya kasi ang sakit pa rin na isipin na sarili mong asawa ay walang pakialam sa ito.

Humiga ako sa kabilang side na nakatalalikod sa kanya para hindi na siya mag-alala pa. Naramdaman ko na humikab siya at gumalaw at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Yssa, love, wife," napastiff ako nung narinig ko ang boses niya. Parang impossible na si Dave yung nagbabantay sa akin kasi alam ko na sobran ng galit niya sa akin. At isa pa bakit naman ako tatawagin ng ganun ng kapatid ko pero si Dave lang ang tumatawag sa akin na wife and love.Nalilito na ako sa mga iniiisp ko.

Hinyaan ko lang siyang magsalita at hindi muna ako gumalaw. " Please, wake up Love. Ang tagal mo ng tulog oh. Miss na kita ng marami pati na rin si Baby Yade miss ka na niya."

Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa mga sinabi niya. My love. Nandito ka at inaalagaaan mo ako. Sabi ng utak ko.

"Alam mo ba wife, ang lakas dumede ni Baby Yade at hindi rin siya iyakin. 3 months na siya ngayon pero parang five months na siya dahil ang laki niya," tumawa siya ng natural. Oh, how I missed that laugh of him.

"Kaya gising ka na. Sorry. Sorry. Hindi ako magsasawang sabihin sayo yan ng paulit-ulit. Pagpasensyahan mo na ang asawa mo kasi hindi kita pinakinggan at kinausap bagkus ay iniwan kita sa bahay ng nag-iisa. I needed time to think pero hindi ko inisip na nasaktan ka rin at nasaktan kita sa pagsama ko kay Athena noon pero walang nangyari sa amin na dalawa." Hinalikan niya ang kamay ko na hawak hawak niya.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon