Karma 43 - The search is over?

16.5K 253 10
                                    

10am

Dave POV

Maaga kaming nagpatuloy sa paghahanap sa kay Yssa dito sa Bicol. Napakahirap sa isang tao na ang tanging lead lang namin ay ang lugar kung nasaan siya. Walang specific na information para magturo sa amin at mapadali ang maing paghahanap. Isa pang reason kung bakit mahirap maghanap ay hindi kami pamilyar sa lugar. Hinihiling ko na sana ay mahanap na namin ang asawa ko. Hindi ko na kaya na lumipas pa ulit ang araw na hindi ko siya makita.

Nagsimula ang paghahanap namin sa buong Naga City. Meron kaming hawak na litrato ni Yssa. Lahat kami ay naghiwa-hiwalay muna para mapadali at hindi kami madelay sa paghahanap kung sasama kami lahay sa isang lugar. Kasama mo si Blue na nakipagcoordinate sa pulis station dito. Need na namin ng mas malawak na tulong dahil kung kami lang dito ay aabutin kami ng siyam-siyam. Ang ibang kasama namin ay naghanap sa mga posibleng puntahan ng asawa ko.

Nagkita-kita kami sa lugar kung saan namin pinark ang sasakyan. Mahirap kasi walang parking space. Kanina pa kami naghahanap at gutom na gutom na kaya naisipan muna namin na kumain ng lunch ng maaga para dire-diretso na ang paghahanap. Balak namin na dumayo na sa karatig bayan para makapaghanap pa. Madami-dami kaming inorder kaya walang usap-usap na naganap kanina, Kailang din namin na matapos kaagad kumain para mapagpatuloy ang gagawin namin.

Hinihintay na lang namin na bumalik sila. Sila na ang pipili ng kakaining namin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko, simula pagkagising ko ay hindi ko pa natitignan ang phone ko. Agad ko lang na kinuha at nilagay sa bulsa ko kaya habang nakaupo at hinihintay sila Blue na umuoorder ng pagkain ay kinuha ko ang phone sa bulsa at tinignan kung may text or tawag na dumating.

Halos lahat ng text ay galing kay Mommy at sa private investigator na hinire ko. Meron din text na galing sa iba kong kaibigan at business associates. May text at missed call din galing sa secretary ko. Huli kong binasa yung text na unfamiliar ang number sa akin. I am very cautious when it comes to entertaining call or text from an unfamiliar number. Delikado kasi pag-ganyan. Hindi ko na sana babasahin kasi hindi ko kilala ung number kaso marami pala yung sinend niya sa akin kaya bigla akong nacurious at kinabahan kaya binasa ko yung isa sa mga message. Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. Halos limang magkakasunod-sunod na text kaya agad kong binuksan ang isa.

From. 0909-*******

124**** street. Caramoan, Camarines Sur. Isang tao ang mahalaga sa iyo ang makikita mo diyan. Pumunta ka agad kung ayaw mong mahuli ang lahat.

Napatulala ako sa hawak kong cellphone. Visible sa screen ko ang text na nabasa ko. Hindi ko magawang i-exit or burahin man lang. Hindi ko maintindihan ang text sa na yun. Bigla akong kinabahan at napatayo. Hindi ko narinig ang tawag sa akin ni Zach at ang sigaw ni Milly. Dali -dali akong pumunta sa van at pinaandar yun. Kahit gutom na gutom na ako ay parang nawala ako sa wisyo at ang tanging gusto ko lang ay mapuntahan ang lugar na sinasabi sa text. Sinimulan ko na magmaneho pero napatigil ako dahil humarang sila Zach at Blue sa gitna ng kalsada. Napalabas ako sa sasakyan at napamura sa kanila.

"F*ck! Bakit ba kayo humarang? Paano kung nasagasaan ko kayo," galit na sigaw ko sa kanila. Hindi ba sila nag-iisip at balak talaga nilang iharang ang sarili nila. Paano kung nadisgrasya sila dahil sa akin.

"F*ck you rin Dave. Kanina ka pa namin kinakakausap pero hindi mo kami pinapansin tapos iiwanan mo kami dito. Kanina pa kami nagsisisigaw na tinatawag ka pero parang wala kang nariirnig. Tangina naman pare! Ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa ang may ganang mang-iwan. Ano bang nangyayari sa iyo?" galit na sigaw din ni Blue.

"Hindi niyo ko naiintindihan." pasigaw ko sa kanila habang napasabunot sa buhok.

"Hindi ka talaga namin maiintindihan kung hindi mo sa amin sasabihin kung bakit bigla-bigla kang aalis at iiwan kami dito na wala man lang pasabi.," mataray na sabi ni Milly sa akin. Alam ko mas lalo na naman nadagdagan ang galit niya sa akin dahil sa nangyari ngayon.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now