karma 8 - LIes

15.1K 226 6
                                    

[8]


(Sunday 6:00 pm)

-Hospital –

Nagising ako dahil sa ingay at umiiyak na babae. Hirap kong imulat ang aking mga mata dahil na rin siguro sa pagod. Teka! Nasaan ako? Bakit parang puti ang nasa paligid ko. Patay na ba ako? Yan agad ang naisip ko dahil sa pagkabigla kasi hindi ito ang kwarto ko at lalong hindi yun puro puti. Tatayo sana ako kaso nahirapan akong bumangon at may babaeng tili ng tili sa side ko.

"OMG! OH MY GOSH! OH MY GOSH! Gising ka na! I'm so happy." Lumapit siya sa akin at hinug niya ako ng mahigpit to the point that I can't breath. Guys, kung iniisip niyo si Mommy ang kasama ko. Think harder kasi hindi po siya. Si Millicent lamang po ang may ganang tumili-tili ng malakas.

"Wait lang ha! I can't breath. Madudurog mo yata ako," pagpupumiglas ko sa yakap niya.

Lumayo naman siya at umupo na lang sa silyang katabi ng kama. "Sorry, nagalala kasi ako sayo at isa pa buhay na buhay ka." May hint ng pag-alala sa boses niya.

"Salamat ha! Buhay nga ako kaso mamamatay naman ako sa sobrang higpit ng yakap mo," pagbibiro ko sa kanya. Natawa na lang ako sa itsura niya kasi umiiyak talaga siya.

This is the first time that I saw her crying because of me and Millicent are the same. We don't cry in front of people and as much as possible we use our imaginary mask to face people that we are brave and no one can bully us or awayin kami.

"Eh! kasi naman super alala talaga ako sayo. Nung nalaman ko nga yung nangyari sayo agad akong pumunta dito kahit na madaling araw na yun." Lumapit siya sa akin at hinug niya akong muli. Hindi na nga niya mapigilan ang umiyak kaya eto napaiyak na rin ako.

"Ano bang nagyari? Bakit ako nandito?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya kahit nanghihina pa ako.

"Hindi mo ba naalala?" takang tanong niya sa akin. Umiling lang ako at tinitigan siya at pilit kong hinihintay ang sasabihin niya.

"Nahold-up ka at muntik ka na marape buti na lang may lalaking napadaan at tumulong sa iyo."

Napapikit ako at pilit na inaalala ang nangyari. Pagmulat ko ng aking mata ay sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung bakit nangyari sa akin yun. Pilit lang akong kinakalma ni Millicent.

"Ang dumi ko na noh! Kasi may humawak na sa katawan ko. Binaboy nila ako."

"Don't cry. Don't think about it anymore. I'm thankful that you are safe and nothing happen worst to you. Stop crying na ha." Pag-aalo niya sa akin.

"Akala ko talaga katapusan ko na. Dinaan ko na lang nga sa dasal habang pilit akong pumapalag sa kanila." Iyak lang ako ng iyak habang pilit na nagkukwento. "Natakot ako nung simulan nilang pu...pu...punitin ang damit ko at pinagha...ha...ha...halikan ako nung mga hayop na mga lalaking yun."

Nagsisigaw na ako at pilit na inaalis ang IV na nakaturok sa akin. "Stop na! Huwag mo ng ikwento. Huwag na natin pag-usapan ito." Naiiyak na sabi niya habang pilit akong pinapahiga sa kama.

"May gusto ka ba? Nagugutom? Bibili ako ng food for you. Magsabi ka lang ha."

Umiling lang ako kasi hindi pa naman ako nagugutom. Magsasalita pa sana si Millicent ng may kumatok at bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang lalaki na hindi ko kilala. Matangkad , singkit ang mata at nakabusiness suite pa siya gaya ng sinusuot ni Dave.

Lumapit si Millicent dun sa lalaki at pinaupo niya muna ito sa may sofa na nasa loob ng kwartong kinalalagyan ko. Pagkaupo niya ay bigla siyang nagsalita at tumingin sa akin.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now