Karma 9 - Karma will never bring me down

14.2K 204 1
                                    

[9]


Wednesday

-Millicent House- (9:00 pm)-


Ilang araw na rin ang nakaraan ng lumabas ako ng hospital at magstay dito sa hous ni Milly. Medyo hilom na rin ang mga bruises ko sa mukha at ilang part ng body ko. Binabangungot pa rin ako ng nangyari sa akin. Gabi-gabi akong hindi makatulog at pilit na sumisigaw. Kailangan ko munang mawala ang trauma na nararanasan ko bago ako bumalik sa bahay namin ni Dave dahil ayokong marinig niya akong takot at umiiyak. Ayokong kawaan at pandirihan niya ako. Hindi ko kakayanin kapag siya ang nasa isip ko. Mahal na mahal ko lang talaga siya.

Wednesday na bukas at kailangan ko ng pumasok sa school. Dalawang araw na rin akong absent at kailangan ko ng asikasuhin ang thesis ko kasi malapit na akong grumadweyt. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral dahil pinangako konsa mga magulang ko na magtatapos ako at aabutin ko ang pangarap ko. Alam ko na nandito lang sila at ginagabayan nila akonsa ano mang desisyon na gagawin ko.

Nakausap ko na rin si Mommy about sa pagi-indian ko kuno sa birthday party ni Daddy. Tinawagan ko siya nung Monday. At first, she's really sad, disappointed at nagtatampo sa ginawa ko. Bakit daw kasi ako nagpromise na pupunta pero hindi naman ako dumating. Excited pa naman daw siyang ipakilala ako formally sa lahat ng friends at relatives niya pero hindi ako dumating. Umasa daw siya pero pinaliwanag ko na sa kanya ang lahat–lahat. The same reason that I told to Dave.

Eventually, she understands everything and miss niya daw ako at gusto niya magkita kami kaso humindi ako kasi sa itsura ko ngayon malalaman niya ang totoong nangyari. Ayoko na silang gambalain at pagalalahanin. Nakakahiya naman sa kanila kung ang sarili kong problema ay ipapa-ako ko pa sa kanila

Inayos ko na ang aking gamit para sa pagpasok ko bukas. I am glad na maaga namin itong ginawa kaya hindi kami nahirapan. Binasa ko lang ng konti at nagmemorize na din ako ng sagot kung sakaling madaming itanong ang adviser namin. Nilagay ko ang lahat ng printed draft ng thesis ko sa folder para mapacheck ko sa adviser naming ni Milly. By pair kasi kaya kaming dalawa ang magkapartner. Maghahalf bath sana ako ng may kumatok at pumasok si bestfriend.

"Yssa, Halika na. The food is ready. Magdinner na tayo kasi gutom na gutom na ako." Si Milly habang umupo sa kama ko.

"Wait lang! Magfefreshen-up muna ako. Mauna ka ng kumain," lumapit ako sa closet at kumuha ng damit.

"Mamaya ka na maligo o ano pa man yan. Gutom na ako kaya kakain na tayo. Malungkot kumain ng mag-isa." Nagpout pa siya at pilit akong hinihila palabas ng kwarto kaya wala na akong nagawa kundi magpahila.

"Oo na. Huwag mo na akong hilahin." Natatawang sabi ko na lang.

Bumaba na kami at pumunta sa dining area at kumain kami ng dinner. Halos, fastfood ang kinakain namin dalawa. Ito kasing bestfriend ko hindi marunong magluto kaya spaghetti, pizza, chicken at fries ang dinner namin. Ewan ko ba sa babaeng ito, maganda ang kusina at kumpleto sa gamit pero ang tamad magluto. Marunong naman siya at mas masarap pa magluto kaysa sa akin.

Sarap na sarap na ako sa pakikipagbuno sa pagkain ng magsalita siya.

"Best, tinawagan ako ni Tita Lucia kanina. Kinakamusta ka at tinatanong kung what happened at hindi ka nakadalo sa party," seryosong sabi niya.

"What did you tell her?" Tumigil ako sa pagkain at tinignan ko siya.

"The same sa alibi na sinabi mo na may emergency na nangyari dito sa bahay at kinailangan ko ng tulong kasi mag-isa lang ako."

"Anong sabi ni Mommy? Nagalit ba siya?" takang tanong ko pero alam ko naman na ang sagot sa tanong ko. I just want to know if ano ang reaction ni Mommy if kay Milly siya nagtanong.

"Hindi naman. Naiintindihan niya rin naman pero kailan mo ba sasabihin ang totoong nangyari sayo. Halos kasinungalingan lang ang nai-ambag mo sa pamilya ng asawa mo."

"Hindi ko alam. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin at ayokong kaawan nila ako. Hindi bali na magsinungaling ako kaysa kaawan ako dahil sa nangyari."

"I understand you but you can never live with lies. Be brave to tell them what happened and the truth. I know they will understand you especially Tita." Pag-aalo niya sa akin.

"Well, I think about it but for now, let's stick to what we said. I just need a right time to confess it to them," seryoso kong sabi sa kanya.

"Paano kung ang lahat ng efforts mo ay hindi magtagumpay? Do you think you can bear all the pain? I'm just giving my opinion here. I am just stating a fact that there will be a time that your efforts might be wasted. Don't be mad at me."

"I respect your opinion pero huwag ka namang magsalita ng ganyan. I will succeed and he will love me back na umabot sa point na hindi na niya ako pakakawalan." Determinado ko pa rin na sagot sa kanya. I am just being positive. I just want to be loved back.

"Basta Yssa, hinay-hinay lang ha? Matakot ka sa karma!" May pagbabanta na sabi niya sa akin. Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin and I thank her for that but this is my battle. I believe that I will win this for sure.

"Karma?" Tumawa ko ng mahina. "Best, kahit karma hindi rin ako mapipigilan?"

"I'm just saying..."

Hindi ko na siya pinatapos kasi ayokong matakot ako at marealize na tama ang sinasabi niya. Ayokong maniwala sa karma kasi walang ganun. Tayo ang gumagawa ng sarili nating desisyon at karma. Tayo ang may hawak ng kinabukasan at buhay natin. May kanya kanya naman tayong paniniwala and I am ok with that as long as we respect each others belief. Hindi ako naniniwala diyan dahil sarili lang natin ang nakakakilala kung sino at ano ang kaya nating gawin. It is just a word that brings scared to us. Kung matakot at maniwala ka, eh di talo ka. Hindi nga ako naniniwala sa hula, sa karma pa kaya?

"Sige na maghahalf bath pa ako. Goodnight." Lumapit ako sa kanya at nagbeso bago pumunta sa kwarto.

Karma, Karma, Karma. I don't believe it. Walang karma pero merong failure. Ayokong mafail lalo na't magiging masaya ako sa huli.


KARMA...



WILL NEVER BRING ME DOWN..


[EDITED]


==========================================================================

A/N:

AY! Ang tigas ng ulo ni Yssa. Ganyan talaga pagtinamaan ng sobrang pagmamahal. Ganyan rin ba kayo magmahal? Comment... Comment...

Pasensya kung may mga errors at maiksi lang. Vote, comment guys... tnx.tnx.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now