Karma 36 - Missing Yssa

77 1 0
                                    

Millicent Pov

Papunta ako ngayon sa bahay nina Yssa. Mamasko lang naman ako ng maaga sa mag-asawa and gusto ko rin makausap ng masinsinan si Yssa about sa pag-apply namin sa isang company para sa OJT. Tinawagan na ko ng company at sinabi na may interview kami bukas. Sa akin na lang pinasabi ang balita dahil magkasama lang naman daw kami. Tatanungin ko na din siya tungkol sa pagpunta niya at pagpacheck-up sa Tita kong OB. Hindi ko siya nasamahan dahil may importanteng pinapa-asikaso sila Mommy about sa business namin. Alam ko na dumating na kahapon pa si Dave galing sa business trip niya kaya mga tanghali na lang ako pupunta sa bahay nila. Alam niyo naman pag mag-asawa at matagal na hindi nagkita miss na miss nila ang isa't-isa. Bibigyan ko muna sila ng quality time para hindi ako masabihan na istorbo.

Tinatawagan ko siya kagabi pero cannot be reach ang cellphone niya. Ilang beses ko na siyang tinatawagan kaso wala. Nagtry din akong tawagan si Dave kaso out of reach din ang phone niya. Ayaw lang talaga magpaistorbo sa kanilang paglalabing-labing kaya cguro inoff ang phone nila. Kaya nagdecide ako napuntahan na lang siya ngayon. Excited na ko sa ibabalita niya kung buntis ba talaga siya or false alarm lang. Hindi ko kasi matatanong si Tita about dyan dahil nasa ibang bansa na naman siya for her conference at bakasyon for a year. Ayoko naman na makaistorbo sa kanya saka confidential ang mga ganyang information. Sa doctor and pasyente lang yan na privacy unless needed talaga ipaalam sa kabigan or kapamilya. If buntis talaga siya, for sure spoiled ang baby na yan kay Tita Ninang Milly niya.

Nasa tapat na ako ng unit nina Yssa. Umakyat na ako diretso sa unit nila. Hindi na ako nagpasabi kasi hindi naman sila macontact na dalawa. Surprise visit na lang ang pagdating ko. Kinatok ko ang pinto pero walang nagbubukas. Katok ako ng katok pero wala pa rin. Nagdoorbell na rin ako kaso wala pa din. Siguro halos sampung minuto na ako nakatayo at kakatok pero wala pa rin. Hinawakan at pinihit ko ang doorknob para alamin kung nakalock yun pero nabigla ako ng bukas yun. Ang alam ko hindi nag-iiwan ng pinto na hindi naka-lock si Yssa. Maingat yun at ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang manakawan. Sa aming dalawa, siya ang mabusisi pagdating sa safety ng bahay kaya nakapagtataka naman na hindi sila naglock unless excited sila sa sexy time nila kaya nakalimutan. Nagtataka at kinikilig na naiisip ko.

Pumasok na ako sa loob ng unit. Second time ko pa lang na makapasok dito dahil sa bahay ko lang kami palagi nakatambay. Nakakahiya din naman kay Dave kung manggulo ako dito. Hindi pa naman kami gaano close gaya sa iba niyang friends. Kinapalan ko na ang mukha ko at umupo ako sa may sofa. Pagkaupo ko ay kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan si Yssa. Baka nasa kwarto pa sila, ayokong makita kung ano ginagawa nila. Haha. Nabigla ako ng may narinig akong familiar na ringtone sa loob ng unit. Hindi ako nagkakamali na ringtone niya yun kaya hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog.

Nakita ko ang phone niya sa sahig sa ilalim ng coffee table. Kukunin ko na sana kaso nakuha ng atensyon ko ang mga papel at isang folder na nasa table. Kinuha ko ang folder at binuksan yun. Nabigla ako ng nakita ko ang isang check na may nakasulat na 1 million at nakapangalan kay Yssa. Bukod dun napukaw ang atensyon ko sa isang 10 pages paper na may pirma ni Yssa at ni Dave.

"Bakit may mga documents dito sa sala?Ang kalat naman ng bahay ng mag-asawang yun." nagtatakang tanong sa sarili ko habang kinukuha at itatabi sana sa safe na lugar yung mga papel.

Gumana na naman ang pagkadetective at marites ko kaya umupo ulit ako at isa-isang binasa ang nakasulat sa mga papel na hawak ko. Binasa kong mabuti ang laman nun at paulit-ulit hanggang sa maintindihan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nag-file si Dave ng annulment. Nabigla talaga ako at ang inisip ko kaagad kung nasaan si Yssa. Ano kayang nangyayari? Bakit may annulment paper dito? At bakit nagfile si Dave? Anong rason niya bakit niya gustong hiwalayan si Yssa? Ang saya-saya na nilang dalawa bakit naman ganito. Hindi ko mapigilan ang malungkot at mag-alala sa kaibigan ko. Hindi niya naman deserve to eh. Kahit gaano pa ang kasalanan niya ay mabait na babae naman yun. Sweet at caring kaya bakit gusto ni Dave na maghiwalay sila.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now