Karma 45 - Question and Answers (part 2)

17.6K 265 7
                                    

Dave pov

Nakatingin pa rin ako sa baby na hawak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang batang hawak-hawak ko ngayon ay ang anak namin ni Yssa. Ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa. Lalo ko lang napatunayan na napakagago kong dahil napakawalang kwentang asawa kasi hindi ko lang naisip na magkakaanak kaming dalawa. Ang tanga tanga ko talaga.

Ang dami ko pang tanong pero hindi ko maisatinig ito. Gusto ko lang tignan ang anak ko. Ang batang galing sa akin. Ang dugo at laman ko. Hindi ko mapigilan ang mapaluhang muli dahil sa pagsisisi. Napapaluha ako ngayon dahil sa kasiyahan at pagsisisi dahil hindi ko man lang naalagaan ang asawa ko habang buntis siya.

"Paano? Bat hindi niya sinabi sa akin to?" tanong ko sa mahinang boses pero sapat na marinig nilang lahat lalo na ni Xander. Litong-lito ako sa nangyayari.

"Yun nga. Pagbalik ko ng Bicol ay pinuntahan ko siya kaagad. Noong una ayoko talagang sabihin ang totoong relasyon naming dalawa kaso nung nakita ko ang umbok sa tiyan niya at ang pagod na mukha niya sa pagtitinda sa palengke ay napagdesisiyunan ko na magpakita na sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko dahil hindi ko maatim na naghihirap siya habang kaya ko naman iprovide lahat ng pangagailangan niya."

Flashback

Nakatayo lang ako sa gilid ng pinagtitindahan ni Yssa ng cookies at cupcakes na gawa niya. Kita sa mukha niya ang puyat at pagod. Parang stress na stress siya at napapabayaan niya na ang sarili niya. Ang putla ng buong mukha niya at namayat siya ng husto. Titig na titig lang ako sa kanya habang may mga customer na bumibili ng mga paninda niya.

Hindi pa ako handa na magpakita sa kanya kaya tinititigan ko lang ang bawat galaw niya. Halos 30 minutes na akong nakatayo at pinagmamasdan siya. Kita ko na pagod na pagod at pawis na pawis na siya pero tuloy pa rin siya sa pagtitinda. Hindi niya alintana ang sitwasyon at ang mga tao sa paligid niya .

Kaya napagpasyahan ko na magpakita at lumapit na sa kanya. Sa una ay hindi niya ako napapansin kasi busy siya sa pagtitinda. Nung nakita niya ako ay para siyang nataranta at niligpit niya agad ang kanyang mga paninda pero nahawakan ko agad ang kamay niya kaya nakita ko ang umbok sa tummy niya ng malapitan. Medyo malaki na ito pero hindi halata dahil malaki ang suot niyang t-shirt. Agad niya akong tinanong.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap? Sinong mga kasama mo?" may lungkot akong nakita sa mukha niya habang sunod-sunod niya akong tinatanong. Nung nalapitan ko siya ay mas nakita ko ang itsura niya na pagod na pagod at nakumpirma ko na buntis nga talaga siya.

"Hinanap kasi kita," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bat mo naman ako hinahanap? Hindi naman kita kaano-ano. Kung pumunta ka dito dahil sinabi at inutos ni Dave ay umuwi ka na lang," malungkot na sabi niya sa akin.

"Hindi kita hinanap dahil sinabi ni Dave," marahang sagot ko sa kanya.

"Ahh. Ok." kita ko na lalong lumungkot ang itsura niya ng sandali dahil siguro sa disappointment pero agad niya binawi din at tipid na ngumiti sa akin.

"Bat mo ako pala ako hinahanap? Anong Kailangan mo sa akin? Wala naman akong utang sa iyo diba??" tumawa siya ng malakas pero hindi umabot sa mata niya ang tawa niya.

"Baliw! Hindi naman kita hinanap dahil may utang ka. May sasabihin lang naman ako sa iyo na importante," seryoso kong sabi sa kanya.

"Ay kung ganoon doon na lang tayo sa apartment ko mag-usap. Pwede ba? Wait lang ayusin ko lang tong mga paninda ko," Nagwait sign siya sa akin kaya tinulungan ko na siyang magligpit at ako na rin ang nagbuhat ng mga dala-dala niya.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingOnde histórias criam vida. Descubra agora