Chapter 34: Ang Kuya

3.6K 122 18
                                    

Chapter 34: Ang Kuya

"Leanne wag mo sasabihin kay mama at papa. Oo alam ko hindi ka pa nagsasalita pero pag marunong ka na magsalita wag mo isusumbong" sabi ni Miggy at titig lang yung kapatid niyang babae sa kanya.

"Shhh..wag ka masyado maingay ha" bulong ni Miggy saka binuklat mga palad niya, biglang umangat mula sa sahig si Leanne at lumutang sa ere. Tumawa yung batang babae, si Miggy ninerboys at lingon ng lingon.

"Diba sabi ko wag ka maingay? Sige ka hindi na kita ifly" sabi niya pero hindi matigil sa katitili yung batang babae na enjoy na enjoy ang paglutang sa ere. Sina Joey at Max nakatingala at kasama nila yung ibang pusa na nagtutulak ng kutson para may babagsakan si Leanne kung sakali.

"Leanne naman sabi ko wag noisy, sige ka pag pumasok dito si ate wala na" sabi ni Miggy pero ang kapatid niya tuwang tuwa at lalong umingay. "Miggy bakit maingay si Leanne?" tanong ni Anabelle.

"Hindi siya umiiyak, masaya siya ate" sagot ng bata. "Oo alam ko pero ano ginagawa mo sa kanya?" tanong ni Anabelle. "Kalaro, secret namin ito. Hindi ko sasabihin sa iyo kasi ako kuya niya" sagot ng batang lalake. "O sige, ingatan mo kapatid mo ha" sabi ni Anabelle.

"Opo" sagot ni Miggy sabay napalunok at agad niya sinalo si Leanne pagkat naramdaman niya na papasok na sa kwarto si Anabelle. "Ano ba ginagawa niyo?" tanong kasambahay. "Sinasayaw ko lang siya" palusot ni Miggy na pakendeng kendeng kunwari.

"Bakit ang dami pusa dito? Aanhin mo yung kutson?" tanong ni Anabelle nang biglang sumigaw si Leanne at nagtuturo sa taas. Tumingla si Anabelle pero wala naman siya nakita sa taas kaya tinignan niya si Leanne na inaatake si Miggy at pilit na tinuturo ang taas. "Leanne naman e, wait lang" sabi ni Miggy. "Ano tinuturo niya sa taas?" tanong ni Anabelle.

"Yung ilaw, sige na ate go out na kasi maglalaro na kami" sabi ni Miggy. "Aysus ang dami pusa, baka mamaya magka asthma kapatid mo" sabi ni Anabelle. "Hindi, sige na ate kasi. O galit na si Leanne o" sabi ni Miggy pagkat yung batang babae pinaghihila na buhok ng kuya niya.

Sinara ni Anabelle yung pintuan kaya agad pinalipad sa ere ni Miggy ang kapatid niya. Sigaw ng sigaw si Leanne, si Miggy napangiti habang pinagmamasdan kapatid niya. "Happy siya" sabi ni Miggy sa kanyang mga pusa.

Ilang minuto lumipas biglang nagcollapse si Miggy. Bumagsak si Leanne sa kutson at agad siya nilambing nina Joey at Max habang yung ibang pusa naman umasikaso kay Miggy.

Sumulpot sina Ivan at Adolf, kinarga agad ng matanda si Leanne habang si Ivan sinubukan gisingin si Miggy. "Napagod siya ng husto" sabi niya. Nagising bigla si Miggy, pinagtuturo siya ni Leanne kaya nilapit siya ni Adolf.

Yumakap agad si Leanne kaya umatras yung dalawang nilalang. "I think she understands" sabi ni Ivan. "Pagod si kuya, mamaya ulit ha" sabi ni Miggy. Nahiga sa kutson yung magkapatid kaya yung dalawang nilalang bumalik sa lungga nila.

"Leanne is not a witch" sabi ni Adolf. "Oo nga, that proves my theory kasi hindi naman bruha si Vivian o kaya si Lawrence" sabi ni Ivan. "Sigurado ka nararamdaman mo dati mong amo sa kanya?" tanong ni Adolf.

"Sigurado ako, hindi ako pwede magkamali" sabi ni Ivan. "How bad was she?" tanong ni Adolf. "Really bad, pinakamasama na ata sa lahat. Wala siyang konsensya" sabi ni Ivan kaya nag alala si Adolf. "Sana wag naman umabot don si Miggy" sabi ni Adolf.

"He is already showing some signs" bulong ni Ivan.

Kinabukasan sa mall, buhat ni Miggy si Leanne habang nagtitingin sila ng toys. "Miggy akin na, let me carry her" sabi ni Lawrence. "No papa I can do it" sabi ng batang lalake. "Are you sure?" tanong ni Lawrence. "Yes papa" sagot ni Miggy.

MASKARAWhere stories live. Discover now