Chapter 25: Mga Hinala

3.8K 125 11
                                    

Chapter 25: Mga Hinala

Nagtipon tipon sa isang basement ang mga bruha, tumayo sa gitna si Maribel at humarap sa ibang mga elder. "May malaki tayo problema. Una ayon sa espiya natin sa clan nina Charlotte wala sila pagkilos. Hindi nagsumbong ang bata kaya wala sila alam"

"Therefore, may ibang nakaharap si Geron. Up to now he has not recovered" sabi niya. "Kung hindi clan nina Charlotte e di sino?" tanong ng isang matanda. "Yan ang hindi ko masabi pero may hinala ako kaya lang we have to summon his favorite entity" sabi ni Maribel.

"Naku pag yan nagising magwawala yan" sagot ng isang lalakeng matanda. "To prove my theory, so ano gusto niyo gawin natin?" tanong ni Maribel. "Tama si Maribel, hindi natin mabasa isipan ni Geron pagkat wala pa ito sa katawan niya. And even if was there remember he is one of us therefore mahihirapan din lang tayo basahin isipan niya"

"I have to agree with Maribel, we have to summon his entity" sabi ng matandang babae. "Then who is going to challenge the spirits? Who are we going to sacrifice?" tanong ng matandang lalake.

"I will challenge the spirits! We shall sacrifice the prisoners. Yan naman silbi nila sa totoo kaya ihanda ang sampong preso" sabi ni Maribel. "It does not have to go that far, in case you have forgotten we can simply send out a call to the entity" sabi ng isang dalaga.

"Tama siya, we forgot about that" sabi ng matandang lalake. "Hmmm...alright then set the symbols on the ground" sabi ni Maribel saka tinanggal balabad niya. "Bakit ka naghahanda?" tanong ng isang dalaga.

"Iha, tumama ka sa ideya mo pero obviously you have never done an entity call. Once you try to call out an entity, it will appear then disappear if someone owns it. If someone does not own it then you have to prepare to fight it" sagot ni Maribel.

"Sorry po" sagot ng dalaga. Naging abala yung mga bruha sa pagsulat ng mga simbolo sa lupa. Si Maribel tumayo sa gitna saka bumulong ng dasal. "Sultan ang tawag niya sa alaga niya" sabi ng isang matandang babae.

"Sultan! Ipinatawag kitang humarap sa akin ngayon din" sigaw ni Maribel at agad agad nag ilaw yung mag simbolo na sinulat nila sa lupa. Napaupo ang lahat pagkat nagkaroon ng isang matinding yanig. Nabalot ang buong paligid ng usok pero lumipas ang ilang segundo lahat napatingin kay Maribel.

"It is not working" sabi ng isang dalaga. "Diyos ko...patay na siya" sabi ng isang matandang babae. "We shall try again" sigaw ni Maribel kaya umulit siya ng tatlong beses pero walang nilalang ang nagpakita.

"Patay na si Sultan" sigaw niya kaya kinilabutan yung mga matatanda. "How about his other entities?" tanong ng isang matandang babae. "Ano pa silbi? E paborito niya yung Sultan, we all know he starts with that entity right away" sabi ni Maribel.

"Kung hindi sina Charlotte e di sino ang nakalaban niya?" tanong ng isang dalaga. "Malakas ang nakalaban niya pagkat maski isipan ni Geron nahuli niya. Kung hindi niya nahuli e ligaw ito sa ngayon, ibig sabihin nabasa niya galaw ni Geron at alam niya gumagamit ito ng pekeng katawan" sabi ng isang matandang lalake.

"Charlotte is too young to know how to detect a fake body. Even if she knew about it hindi niya kaya manghuli ng isipan. Sino ba kasi nakaharap mo Geron?" tanong ni Maribel. "Isa lang ibig sabihin neto, may iba pang naghahabol ay Charlotte" sabi ng isang matanda. Huminga ng malalim si Maribel saka tinignan yung mga kasama niya.

"Kailangan natin mauna, we need to get her before they do but now we know they sent out strong witches to get her. Elders! It is our task now to get her" sabi ni Maribel.

Samantala sa school playground nakaupo sina Miggy at Iah sa swing habang kumakain ng meryenda. "Masarap?" tanong ni Iah. "Oo ang sarap sarap, salamat ha" sagot ng batang lalake. "Konti lang nabili namin e" sabi ni Iah.

MASKARAWhere stories live. Discover now