Chapter 22: Little Bro

3.8K 117 7
                                    

Chapter 22: Little Bro

Sa lobby ng isang five star hotel, "Lawrence?" bigkas ng isang matandang lalake. "Sir Jaime?" bigkas ni Lawrence. "Hello sir Jaime" bati naman ni Vivian habang buhat si Leanne. "Oh sabi ko na nga ba kayo magkakatuluyan e" sagot ni Jaime na lumapit at kinamayan si Lawrence.

"Still looking good sir" sabi ni Lawrence. "Such a cute baby girl" sabi ng matanda. "Bunso namin, this is Leanne" sabi ni Vivian. "And this is my son Miggy" sabi ni Lawrence pero yung batang lalake nakasimangot at nagtatago sa likod ng ama niya.

"Oh why does he look sad?" tanong ni Miguel. "Kasi nakita niya yung toy shop at gusto niya agad pumunta don" sagot ni Lawrence. "Awww reminds me so much of my grand daughter when she was that small. Wait, kasama ko siya...nasan ba siya?" sabi ni Jaime saka lumingon.

"Oh there she is, Charlotte come over here" sabi ni Jaime. "Oh Miggy look its Charlotte" sabi ni Vivian. "How do you know my grand daughter?" tanong ni Jaime. "Magkaibigan sila ni Miggy sir" sagot ni Vivian.

Paglapit ni Charlotte, "Hello po tita" bati agad ng dalaga. "Hello dear, looking very pretty ha" sagod ni Vivian. "Apo mga estudyante ko sila dati sa Med school" sabi ni Jaime. "Si tita lang nameet ko, hello po tito" bati ng dalaga saka kinamayan si Lawrence.

"Oh Miggy why the sad face?" tanong ni Charlotte. "Ayaw nila pumunta sa toy store, hindi naman ako magpapabili e. Gusto ko lang magtingin" bulong ng bata. "Iha samahan mo nga, its okay kasi sila nalang kasama ko" sabi ni Jaime. "Are you sure lolo?" tanong ni Charlotte.

"Oo naman apo, they are my favorite students before. Sige na samahan mo na si Miggy but be sure to come back for lunch" sabi ni Jaime. "Come on Miggy" sabi ni Charlotte saka inabot kamay niya kaya agad humawak yung batang lalake.

Paglabas nila ng hotel tinignan ni Miggy yung magandang dalaga. "Ate date ba tawag dito?" tanong niya. "Hahahaha sira ka talaga" sagot ni Charlotte. "E kasi holding hands tayo e" banat ni Miggy. "E kasi bata ka pa e" sagot ni Charlotte.

"Hindi ba pwede ate?" tanong ni Miggy. "Hahaha Miggy tumigil ka nga" sabi ng dalaga. "Wag ka magagalit ate kasi nagtatanong lang ako" sabi ni Miggy. "I am not mad Miggy, you are very funny" sabi ni Charlotte.

"Ate I feel something funny" sabi ng bata. "Ano yon?" tanong ni Charlotte. "Hindi ko alam ate parang dito sa head ko parang ahmm yung pag natatakot ka" sabi ng bata. "Ha? Gusto mo na bumalik? Nahihilo ka ba?" tanong ni Charlotte.

"No, gusto ko pumunta sa toy store pero ate may nafeel ako sa head ko na parang may bad mangyayari. Parang natatakot ako" sabi ng bata. Napalingon sa buong paligid ang dalaga pero wala naman siyang kakaibang nakita.

"Ngayon lang ba nangyari yan?" tanong ni Charlotte. "Oo ate pero..hmmm masakit" sabi ni Miggy saka hinaplos ulo niya. "What is wrong? Balik nalang ata tayo sa hotel, baka mas alam ni lolo ito o kaya mama at papa mo" sabi ng dalaga.

Biglang nagturo si Miggy sa malayo, nakita ni Charlotte yung isang lalake na nakatingin sa kanila. "Don't point Miggy, it is rude" sabi ng dalaga. "Bad siya ate" sigaw ng bata.

"Nakita na tayo!" sigaw nung lalake kaya nagulat si Charlotte nang mabilis na lumapit ito at mula sa kabilang kalsada may isang babae na papatawid ng mabilis. "Oh no" bulong ni Charlotte pagkat napansin niya yung mga tattoo sa kamay nung dalawa.

"Faster Miggy lets go" sabi ng dalaga kaya binilisan nila lakad nila. Lingon ng lingon si Miggy, nakita niya na yung dalawang mabilis na nakasunod sa kanila. "Ate sino sila?" tanong ng bata. "Tsk, mga kalaban Miggy. I am so sorry" sabi ni Charlotte.

Napatigil yung dalawa pagkat sumulpot basta basta mga kalaban sa harapan nila. "Wag ka na lalaban" sabi nung babae. "Please wag, may kasama akong bata" sabi ni Charlotte. "Kaya nga, kung ayaw mo siya masaktan sumama ka sa amin ng maayos Charlotte. Its been a long time" sabi nung lalake.

MASKARAWhere stories live. Discover now