Chapter 2: Paranoia

4.4K 123 10
                                    

           

Chapter 2: Paranoia

Sa loob ng isang opisina nakaharap sina Lawrence at Vivian sa isang doktora. "Ano ba kayo will you two relax, my nephew is normal" sabi ni Victoria. "Sis, natatakot kami baka masiraan siya ng bait" sabi ni Vivian.

"Hahahaha it runs in the blood. O kayong dalawang doctor kayo, ayaw niyo ba na nagpapakita ng signs of being a genius si Miggy?" tanong ni Victoria. "Gusto kaya lang baka masobrahan at maging outcast siya. Ayaw namin siya magka problema" sabi ni Vivian.

"Alam niyo masyado siya spoiled kasi. May lolo siyang doctor, may lolo siyang judge, may lola siyang doctor tapos may lola siyang professor. What do you expect tapos iniiwan niyo pa sa kanila ang bata?"

"But trust me he is normal, he is not showing signs of being a savant. Matalino lang, hindi pa natin alam kung genius nga. Oo mahilig magbasa kasi naman yung mga lolo at lola, pero he is quite choosy" sabi ni Victoria.

"What do you mean?" tanong ni Lawrence. "Binigyan ko siya ng toy car, hindi man lang hinawakan. Ang kinuha niya yung doll" sabi ni Victoria kaya nanlaki ang mga mata ni Lawrence. "Hahahaha relax, hinubaran niya yung doll tapos he started pointing out the body parts" kwento ni Victoria.

"Sis naman, tell us the truth" sabi ni Vivian. "Hahaha grabe kayo, tulad ng sinabi ko masyado siya naspoil ng mga lolo at lola niya. Kaya ang gusto ng bata anatomy, tapos nung nagbasa kami ng picture book e wala siya pakialam sa characters, mas gusto niya malaman yung surroundings like trees, flowers, mountains and seas"

"Alam niyo ang kulang niya exposure to other children" sabi ni Victoria. "He is only three years old" sabi ni Lawrence. "Kaya nga, naeexpose siya sa mga matatanda. He need to be exposed to other kids lalo na mga kaedad niya" sabi ni Victoria.

"Do you think that is what he needs?" tanong ni Vivian. "Yes, magbakasyon nga kayo" sabi ni Victoria. "Pero sis kailangan namin mag ipon ng mag ipon para sa future niya" sabi ni Vivian. "My God! Ano pinag iipunan niyo? Para makabili siya ng sariling planeta niya?"

"Magbakasyon kayo, uwi kayo sa province natin. Iwanan muna ang mga lolo at lola pero for sure sasama sila. Take a break, ipasyal niyo siya" sabi ni Victoria. "I think we can do that" sabi ni Lawrence. "Don't think, do it" sabi ni Victoria.

Pagkauwi sa bahay nagulat yung mag asawa pagkat nakasuot ng karate uniform si Miggy. "Oh my..." bigkas ni Lawrence. "Now before you react, si Miggy ang may gusto so I enrolled him. I am sorry I did not tell you" sabi ni Venancio.

"Daddy naman, he might get hurt" sabi ni Vivian. Niyuko ni Miggy ulo niya, tumalikod kaya ang lolo niya nagsimangot. "Tignan niyo ginawa niyo" sabi niya saka tumakbo yung bata papasok ng bahay.

Hinabol ni Lawrence anak niya habang si Vivian napahaplos sa noo niya. "Daddy he is only three years old" sabi niya. "So? Ano ba kasi ang akala mo mangyayari? Do you think maglalaban laban sila? Of course not. Nakausap ko na may ari at sabi niya for his age they will be just teaching them the basic stances"

"Para sa disiplina ito anak and in the future we can be assured that he knows how to defend himself. Ano ba sa tingin mo mangyayari?" tanong ni Venancio at narinig nila tili at hiyaw ni Miggy.

Palabas si Lawrence karga anak niya, "Okay lets go" sabi niya. "Go? Are you kidding me?" tanong ni Vivian. "Please this is what Miggy wants at tandaan mo sinabi ni Victoria. He needs to be with kids of his age" sabi ni Lawrence.

Isang oras lumipas sa loob ng isang gym nakita nina Vivian at Lawrence yung pagliwanag ng mukha ni Miggy nang makita yung ibang mga bata. May isang binata na nakasuot ng karate uniform ang lumapit, "Samuel is that you?" tanong ni Lawrence.

MASKARAWhere stories live. Discover now