Chapter 14: Opening

3.5K 108 13
                                    

           

Chapter 14: Opening

Isang araw sa isang malawak na parking lot, "Mama can you really walk with big tummy?" tanong ni Miggy. "Oo naman, come on mabilis lang tayo. Alam mo anak kahit buntis kailangan parin ng exercise" sabi ni Vivian.

"But tita said you must rest now kasi malapit na lalabas si baby" sabi ng bata. "Naku anak mabilis lang ito, may bibilhin lang tayo" sabi ni Vivian saka hinawakan kamay ng anak niya. Tumatawid na sila nang may sobrang bilis na kotse ang dumaan. Napasigaw si Vivian, nahila niya si Miggy pero yung bata nakaramdam ng matinding galit dahil sa sigaw ng ina niya.

Hinarap ni Miggy kamay niya doon sa lumayo nang kotse, pinatigas niya kamao niya kaya bigla nalang tumiklop na parang lata ng soda yung koste ng salarin. "Oh my God" bigkas ni Vivian. Madaming tao ang nagkumpulan at di makapaniwala doon sa nangyari sa kotse.

"Do not look" sabi ni Vivian saka tinakpan mga mata ng anak niya. "Why mama?" tanong ni Miggy. "Just walk with me" sabi ni Vivian. Pagkatawid nila hinaplos ni Vivian puso niya pero si Miggy dinikit tenga niya sa tiyan ng nanay niya. "Are you okay there?" tanong niya kaya napatingin si Vivian.

"She is okay mama, are you okay mama?" tanong ni Miggy. "Yes, nagulat lang ako. Muntikan na tayo mabangga" sabi ng matanda. "Kasi bad person yon mama e, come on mama lets go inside na" sabi ni Miggy kaya napalingon si Vivian saka napaisip pagkat wala naman nabangga yung kotse pero basta nalang siya nayupi.

Sa di kalayuan may isang babae na nakakita ng lahat. Sinundan niya ng tingin si Miggy, nakita na niya sila pumasok sa mall kaya sumunod siya. Sa loob ng mall, "Sister this is a mall, there are so many people here but there are many toys. There is many food and clothes but when you come out don't let mama and papa buy you toys always ha"

"Dapat mataas muna grades mo, dapat higher than mine" sabi ni Miggy kaya natawa si Vivian. "She will become a princess when she comes out" sabi niya. "I know mama, I will protect her mama" sabi ng bata kaya hinaplos ni Vivian ulo ng anak niya.

Napalingon si Miggy, nagulat yung babae na sumusunod sa kanila pagkat tinitigan siya ng masama ng bata. Napatigil yung babae, napalingon narin si Vivian kaya agad naglakad palayo yung babae.

"What is it anak?" tanong ni Vivian. "Nothing mama" sagot ni Miggy. "What toy do you want?" tanong ni Vivian kaya napatingin yung bata. "We are going to buy a toy?" tanong ni Miggy. "If you want" sagot ng nanay niya.

"Mama I want a big bear for my sister" sabi ni Miggy. "But when she comes out she still cannot play anak" sabi ni Vivian. "Hmmm but I want it now so that when she grows she can play with it" sabi ng bata.

"We can buy her that when she is a little bit older" sabi ni Vivian. "Smaller bear" sabi ni Miggy kaya natawa si Vivian. "Hindi ako mananalo sa iyo ano?" sabi niya. "Hindi mommy" pacute ni Miggy.

Pagkatapos namili ng mga damit sa restaurant sila pumasok. "Mommy you bought so many clothes" sabi ni Miggy. "To inspire me to get my body back into shape after I give birth anak" sabi ni Vivian.

"Ahhh...e mama why is the other doctor who gave birth e...malaki na siya parang buntis parin" sabi ni Miggy kaya ang tindi ng tawa ni Vivian. "Shhh anak don't say that" sabi ni Vivian. "Mama she was like you then she got pregnant but after that hindi na siya pumayat mama. Parang buntis lagi" hirit ni Miggy kaya nagtakip ng bibig si Vivian sa tindi ng tawa.

"Yan ang gusto iwasan ni mama. Mama will get in shape" sabi ni Vivian. I know you can mama kasi you had me tapos you became pretty so when you bring my sister out I know you will be pretty again" sabi ni Miggy.

"Awwww thank you anak, will you help mama exercise?" tanong ni Vivian. "Yes mama, we can because my sister will have so many baby sitters" sabi ni Miggy kaya tuloy ang tawa ni Vivian.

MASKARAWhere stories live. Discover now