Chapter 10: Kapangyarihan

3.7K 117 15
                                    

Chapter 10: Kapangyarihan

"Matagal pa start school, summer pa e" sabi ni Miggy. "Yang suot mo para saan yan?" tanong ni Ivan habang inaayos ng bata yung karate belt niya. "Nag aaral ako ng karate pero hindi para makipag away. Ang sabi ni master e dapat pang self defense lang"

"Tapos sabi ni isang master para sa discipline. E hindi naman ako magulo" sabi ng bata kaya natawa si Ivan. "Gusto mo ba yang ginagawa mo?" tanong ni Ivan. "Oo, madami ako friends doon pero natatakot ako mag sparring" sabi ng bata.

Sa pagpasok ng gamit sa cabinet nalaglag sa sahig yung wand kaya napatayo si Ivan. Pinulot ng bata yung wand saka pabirong tinutok ito sa kaibigan niya. "Ano ginagawa mo?" tanong ng nilalang.

"Hahahaha wag ka scared kasi di ko naman alam pano gamitin ito" sabi ni Ivan saka inabot sa nilalang yung wand. "Saan mo nakuha ito?" tanong ni Ivan. "Diba sinabi ko na sa iyo story ng bad people. Kinuha ko dun sa isang lolo" sabi ng bata.

Pinagmasdan ni Ivan yung wand, "Hmmm mula sa paaralan ng mga tigre may ari nito" sabi niya. "Ano? Sa zoo?" tanong ng bata kaya natawa yung nilalang. "Bakit mo ito kinuha?" tanong ni Ivan.

"Kasi gusto ko magkaroon ng ganyan. Alam ko masama magnakaw pero hindi ko naman ninakaw yan. Nahulog niya e kaya akin na. Sinabi ko naman sa kanya na akin na tapos hindi naman siya nagalit" kwento ng bata.

"Dapat ginagamit mo ito" sabi ni Ivan kaya lumapit si Miggy. "E hindi ko naman pano gamitin yan e" sabi niya. "Alam mo wala naman kapangyarihan ito, ang kapangyarihan nasa iyo" sabi ni Ivan.

"Itong piraso ng kahoy na iyo ginagamit laman para maging sakto o sapat yung kapangyarihan mo. Gamit din ito para mas asintado ang pagpataw mo ng kapangyarihan" dagdag niya. "Hindi ko maintindihan" sabi ni Miggy kaya biglang nawala si Ivan.

Ilang segundo lumipas sumulpot ulit siya sa kwarto ng bata. "Naalala mo nung isang araw?" tanong ng nilalang saka nilatag yung ilang butil ng bird seed sa sahig. "Ngayon ulitin mo pero gamitin mo ito" sabi ni Ivan.

"Pano?" tanong ni Miggy. "Basta pag hawak mo yan parang nagiging parte na yan ng katawan mo. Tandaan mo ang kapangyarihan ay nanggagaling sa iyo mismo" sabi ni Ivan. Tinignan ni Miggy yung butil, tinutok niya yung wand, gumulong yung butil kaya natuwa yung bata.

Isang minuto pinagulong gulong ni Miggy yung butil kaya yung nilalang napailing. "E ganyan lang pala gusto mo gawin e" bulong niya kaya tinignan siya ni Miggy. "Ay papaliparin ko ba?" tanong ng bata.

"Ewan ko sa iyo, bahala ka" sagot ni Ivan sa inis kaya tinignan ni Miggy yung butil saka napasigaw siya nang umangat konti ito. "Nagawa ko! Tumaas siya" sabi ng bata. "Oo nga ang taas taas" sabi ni Ivan kaya nagsimangot yung bata. "Bata pa ako, sana katulad ka ng master ko sa karate"

"Kahit konti lang nagagawa ko sinasabi niya na good ako" sabi ni Miggy. "Hindi ito karate, sinasayang mo kapangyarihan mo. Hindi ako natutuwa sa nagawa mo" sabi ni Ivan kaya super simangot ang bata saka hinampas ng wand yung nilalang.

Nagfocus siya sa butil, umangat ulit ito mula sa sahig. "Kasi yung gulong parang pinupush ko lang siya. Pero itong lipad kasi e parang kailangan may...hmmm...air...dapat may air na magpush pero..." sabi ng bata saka biglang lumipad pataas yung butil.

"Oh...very good" sabi ni Ivan. "Hindi e, kasi yung gulong kaya ko control yung wind. Parang blow lang pero yung pag fly e hindi ko kaya control yung...hmmm" sabi ng bata na tila nalilito.

"Sandali, ang ibig mo sabihin nung pinapagalaw mo yung mga butil e ginamitan mo ng hangin?" tanong ni Ivan. "Oo kasi diba pag blow mo e gagalaw siya. Ganyan o" sabi ng bata saka hinipan yung butil at gumulong ito.

MASKARAWhere stories live. Discover now