Chapter 41: Genie

3.5K 112 5
                                    

Chapter 41: Genie

"Miggy kumusta na yung spirit?" tanong ni Stella. "Ay oo nga, buried siya sa garden e. Gusto mo tignan ko?" tanong ni Miggy. "Wait lang, papunta na kami ni Eric diyan. Wait lang namin si auntie magdrive" sabi ni Stella.

"O sige, nandito si mama ko at siya magcook" sabi ni Miggy. "Wait lang, wag mo kami uunahan" sabi ng batang babae. "Oo hindi ko siya titignan" sabi ni Miggy. "Mag swear ka muna" sabi ni Stella. "Swear" sabi ni Miggy. "As your leader I command you to wait" sabi ni Stella.

"As your boyfriend, okay" sagot ni Miggy. "Yuck! Kadiri ka Miggy" sigaw ng batang babae. "Sige na at mag water pa ako ng roses ko tapos pakainin ko pa friends ko" sabi ng batang lalake. "O sige, see you later" sabi ni Stella.

Isang oras lumipas tawang tawa si Vivian pagkat dumiretso si Eric sa kusina. "Totoo ba na hindi ka tumataba?" tanong ni Vivian. "Opo" sagot ni Eric. "Would you like me to give you a check up? I am a doctor" lambing ng matanda.

"Sige nga po tita kasi kain siya ng kain ng kain tapos payatot parin siya" sabi ni Stella. "Okay come with me Eric, don't worry it is just a simple check up. You two go and play at susunod nalang siya" sabi ni Vivian.

Agad lumabas sa hardin yung dalawang bata, lumingon si Stella habang binubungkal ni Miggy yung lupa. Nalabas niya yung bote, nagliwanag ito at umalog ng matindi. "Galit parin siya kasi nakakulong siya" sabi ni Miggy. "Alam ba ng friends mo?" tanong ni Stella.

"Oo sinabi ko sa kanila pero ang sabi nila wag ko daw ilabas kasi daw baka gumanti" sagot ng batang lalake. "Malakas siya ano?" sabi ni Stella. "Oo daw e, sana maging friend natin siya para itanong natin sino nag utos sa kanya" sabi ni Miggy. "Bakit?" tanong ni Stella. "Para tayo ang gaganti para kay ninong. Kasi namatay yung family niya, kawawa naman" sabi ni Miggy.

"Oo nga, kawawa siya. Mabait naman pala siya" sabi ni Stella. "Bakit may ganon? Ginagamit yung magic nila para sa bad?" tanong ni Miggy. "Parang tayo" bulong ni Stella. "Hindi naman tayo bad, gumagawa naman tayo good e. E yung bad witch na gumawa kay ninong e binayaran ng kalaban ni ninong" sabi ni Miggy.

"Madami daw ganon, malaki nakukuha nila money pag kukulam sila" sabi ni Stella. "Dapat stop natin sila, sana unahin natin yung gumawa neto kay ninong" sabi ni Miggy. "E pano mo sila makikilala?" tanong ni Stella.

"Eto, gusto ko siya kausapin" sabi ng batang lalake. "Kaya mo?" tanong ni Stella. "Hindi ko alam, sabi nina Ivan wag daw kasi really bad spirit daw siya" sabi ni Miggy.

"Ah alam ko na, may binigay na book si ate sa akin. Wait lang" sabi ni Miggy. "Sinong ate?" tanong ni Stella. "Nagseselos ka ba?" pacute ni Miggy kaya hinabol siya ni Stella papasok ng bahay.

Sa loob ng kwarto ni Miggy binasa ng dalawang bata yung libro. "Taming spirits" sabi ni Stella. "Oo alam ko na yan pero di ko alam bakit ayaw kay Genie" sabi ni Miggy. "Genie?" tanong ng batang babae. "Oo yung spirit na nakakulong" sabi ng batang lalake kaya natawa si Stella.

"How to kill spirits" bigkas ni Miggy kaya napatingin si Stella. "Ano book yan?" tanong ni Stella. "Parang diary ng lola, sinusulat niya lahat ng natry niya" paliwanag ni Miggy. "Papatayin mo si Genie?" tanong ni Stella kaya hinila siya ng kaibigan niya.

"Kunwari lang, tatakutin lang diba parang mga papa at mama pag may ayaw sila na gawin mo e tatakutin ka" bulong ni Miggy. "Ay oo ganyan sina mama at papa ko" sabi ni Stella. "O e di try din natin takutin, kunwari papatayin natin siya pero gagawin natin talaga" sabi ng batang lalake.

"Ha? E diba tatakutin mo lang?" sabi ni Stella. "Oo pero pag hard headed siya e dapat gawin natin pero di natin itutuloy. Para matakot siya tapos magbehave na siya" sabi ni Miggy. "Hmmm...baka lokohin niya tayo. Baka magkunwari din siya" sabi ni Stella kaya napaisip si Miggy.

MASKARAWhere stories live. Discover now