Epilogue

7.2K 172 88
                                    


Epilogue

Sa loob ng Araneta Coliseum naganap ang isang malaking paligsahan ng mga bata. "Champions please stay on this side" sabi ng isang matangkad na babae kaya si Miggy hinaplos tatlong gold medal na suot niya saka tinignan si Raffy na may tatlong gold medal din.

"Uy don daw tayo mga champion" sabi ni Miggy kaya sumama si Raffy sa kanya. Naupo yung dalawang bata sa isang bangko kung saan nandon din yung mga mas matandang champions.

"Ilan na gold medal mo?" tanong ni Miggy. "Madami na, ikaw ilan na?" sagot ni Raffy. "Hindi daw maganda mag lie, eto tatlo palang kasi yung iba naman kasi exhibition lang kaya not counted" sagot ni Miggy.

"Tignan mo yun o" bulong ni Raffy kaya napatingin si Miggy sa malayo. "Tinalo ko yon e" sabi niya. "Masama tingin niya sa iyo. Umiyak nung natalo siya" sabi ni Raffy. "Talaga? Hindi ko nakita kasi happy ako nanalo ako gold" sabi ni Miggy.

"Mayabang yon e, buti ikaw nag champion" sabi ni Raffy. "Kilala mo siya?" tanong ni Miggy. "Hindi, ayaw ko makipag kaibigan sa mayabang" sabi ni Raffy. "Ako mayabang ba ako?" tanong ni Miggy. "Hindi" sagot ni Raffy.

"Lagi mo ba kasama dragon mo?" tanong ni Miggy. "Anong dragon?" tanong ni Raffy. "Yang dragon mo, may dragon ka e" sabi ni Miggy kaya tumawa si Raffy. "Wala ako dragon, toy ba yon?" tanong ni Raffy kaya napatigil si Miggy at nagisip. "Joke lang" kabig niya kaya natawa si Raffy.

Sa malayo inayos ng isang dalaga ang preno ng wheelchair ni Nicanor. Napatingin yung matanda sa kanan niya at nakita ang isang pamilyar na mukha. "Iha iwan mo muna ako" sabi ni Nicanor. "But sir, I have to be with you always" sagot ng dalaga. "Please go, I will call you when I need you" sabi ng matanda kaya umalis yung dalaga.

May tumayo sa tabi niyang matanda, "Ano ba itatawag ko sa iyo? Verardo o Victor?" tanong ni Nicanor. "Kaibigan, alam mo naman ang rason bakit ako nagpalit ng pangalan" sabi ni Victor. "Long time no see my friend, siguro nandito ka din dahil sa dalawang bata na yon sa stage" sabi ni Nicanor.

"Are you talking about my grandson?" tanong ni Victor. "Who is your grandson?" tanong ni Nicanor. "Raphael" sagot ni Victor. "Oh is he the son of Felipe?" tanong ni Nicanor. "Yes he is" sagot ni Victor.

"Ah Felipe and Pedro, the most feared combo. Teka, hindi ba tinanggalan ng magic body si Felipe?" sabi ni Nicanor. "Wag mo na ipaalala at galit ako sa ginawa nila sa kanya" sabi ni Victor.

"He made the ultimate sacrifice...wait if they removed his magic body then how the hell did Raphael..." bigkas ni Nicanor kaya natawa si Victor. "Lineage my friend, minamaliit mo ako masyado. Porke dragon elder ang isang lolo niyang si Franco...whatever he lost from the magic side...they never took away his birth right from my side" sabi ni Victor.

"Apologies my friend, so those two young children at witches. Do you know the story on how Miggy became such?" tanong ni Nicanor. "Hahahahaha let me guess ang sasabihin mo may sumanib sa kanya?" tanong ni Victor.

"Oo, si Agamatea kaya lang wala na. I do not sense he anymore" sabi ni Nicanor. "Well you didn't do your research. Raphael is direct descendant of mine...Juan Miguel on the other hand is a distant descendant of Hilario" sabi ni Victor.

"What?" bigkas ni Nicanor. "True, malayo ang distansya but if you trace back the lineage of Juan Miguel then you will find out that he is like the great great great grandson of Hilario. Siguro more malayo layo pa. Hindi ko masabi gano kalayo pagkat alam naman natin sina Hilario sobrang tagal nang nabuhay"

"Agamatea was aiming for my grandson but the dragons protected Raphael. Thus Agamatea found another child. Alam mo if Agamatea chose a normal child then that child would be dead. The spirit and essense of a witch can only be transferred to another witch" sabi ni Victor.

MASKARAWhere stories live. Discover now