Chapter 35: Stella

3.5K 124 8
                                    

Chapter 35: Stella

"Miggy keep still" sabi ni Vivian habang inaayos necktie ng bata. "Mama its so hot, I don't like this. I cannot breathe" inarte ng bata. "Ay naku Miggy ha you have to look good" sabi ng nanay niya.

"Why mama? Hindi naman ako manliligaw" sabi ni Miggy. "Naku po Miggy please wag ka muna manliligaw. You are too young" sabi ni Vivian. "Mama I am just joking. Mama I will win" sabi ng bata. "Sana anak, pero hindi ka naman nag study" sabi ni Vivian.

"Nagstudy ako mama, pero mama pano kung bagong word ibigay tapos mahirap pronounce baka hindi ko madissect yung spelling" sabi ni Miggy. "Anak just do your best. Okay? We know you are super intelligent" sabi ni Vivian.

"Mama maayos na kanina tie ko tapos inalis mo ulit. Inayos mo tapos inalis mo ulit. Mama you are the one afraid e" sabi ng bata kaya natawa si Vivian. May cute na batang babae ang dumaan, naka pigtails ang tali ng buhok, mataray ang mga mata at may yakap siyang manika na terno sa suot niyang pula.

Nagkatitigan sila ni Miggy, ang batang lalake ngumiti pero yung babae umirap saka dumilat. Nakita ni Vivian yung nangyari, "Do you know her anak?" tanong niya. "No mama, but she is pretty" landi ng bata. "Naku, hay anak" bigkas ni Vivian.

Magkakatabi ang mga lolo at lola ni Miggy kasama parents niya. Katatapos sumagot ng tama ang bata kaya napatayo silang lahat sa tuwa. Umakyat sa stage yung batang babae na cute, habang naglalakad inirapan niya si Miggy kaya ang batang lalake dumistansya.

"Next, we have Stella. Are you ready dear?" tanong ng host. "Always ready" sagot ng batang babae with matching taas noo. Naspell niya ng tama yung mahirap na salita kaya madami ang nagpalakpakan.

"So final ten, pahirap ng pahirap yung words" sabi ni Vivian. "May tiwala ako sa anak natin, I know he will win" sabi ni Lawrence. "Pero that cute girl, I think she is trying to intimidate Miggy" sabi ni Vivian. "That girl is the defending champion" sabi ni Manuela.

"Ka edad niya si Miggy" sabi ni Marifel. "Oh wow, parang mayabang" sabi ni Vivian. "Alam mo iha part of the game yan. Intimidation is part of any game, kahit sa korte" sabi ni Venancio.

Ilang minuto lumipas magkatabi sina Miggy at Stella sa stage. "So we have our last two contestants. Will Stella be the first ever back to back champion or will Miggy be the youngest champion ever?" sabi ng host kaya napatingin si Stella kay Miggy.

"But we are the same grade" sabi ng batang babae. "Accelerated ako" sigaw ni Miggy kaya nagpalakpakan ang lahat ng mga tao pagkat ang taray ng pagkairap ni Miggy sa batang babae. Napalunok si Stella, bigla nalang siya kumuha ng isang buhok ni Miggy.

"Oh my goodness, there is tension. Kids this days are very competitive. Okay so let us give them five minutes to rest. Mas maganda ata magkalayo sila" biro ng host kaya nagtawanan ang lahat.

Sampung minuto lumipas unang sumalang sa stage si Miggy habang si Stella nasa back stage at nakasuot ng headset para hindi niya marinig yung mga ibibigay na salita kay Miggy. Dinikit ng batang babae isang hibla ng buhok ni Miggy sa manika niya saka siya nagbulong ng orasyon.

Sa stage si Miggy nakatayo ng tuwid, biglang uminit pakiramdam niya kaya napalingon siya ilang beses. "Miggy are you okay?" tanong ng host. "I am okay" sagot ng batang lalake pero bigla siyang pinagpapawisan.

"Are you sure?" tanong ng host. "Yes" sagot ng bata. "Okay here is your word" sabi ng host. Namilipit sa sakit si Miggy, sa backstage sumilip si Stella at napangiti na parang demonyo.

Wala marinig si Stella pero nakita niya nagtayuan yung mga tao at nagpapalakpakan kaya nagdabog siya saka pinagsisipa yung isang upuan. "Why?" hiyaw niya kaya lahat ng staff napatingin sa kanya.

MASKARADonde viven las historias. Descúbrelo ahora