Chapter 18: First Battle

3.6K 116 5
                                    

           

Chapter 18: First Battle

Tuwang tuwa si Miggy pagkat kaklase niya si Iah sa grade two at magkatabi pa sila agad sa sitting arrangement ng klase. "Saan ka na summer?" tanong ni Iah. "Sa Ilocos, may bahay kami doon tapos sa Baguio kami" sagot ni Miggy. "Nag Baguio din kami. Sayang hindi tayo nagkita" sagot ni Iah.

"Miggy marunong ka na lumipad?" tanong ni Iah kaya ang batang lalake napalingon. "Uy secret lang natin yon diba? Baka may makarinig" sabi niya. "Wala naman makakarinig, pero marunong ka na lumipad?" tanong ni Iah.

"Hindi, hindi naman ata totoo yung sasakyan sa broom e" sagot ng batang lalake. "Sayang, sana nakakalipad ka para isama mo ako" sabi ni Iah. "May kaya ako gawin pero hindi ko alam kung maisasama kita" sabi ni Miggy. "Ano yon?" tanong ni Iah.

Lumabas sila sa campus grounds, lumingon si Miggy at nung wala siyang makitang ibang tao bigla siya nawala. Napanganga si Iah, lingon siya ng lingon hanggang makarinig siya ng sitsit. Pagtingala niya nakita niya si Miggy nakaupo sa bubong kaya napatalon siya sa tuwa.

"Sama mo ako" sabi ni Iah. Bumalik sa tabi ng batang babae si Miggy saka napakamot sa ulo niya. "E hindi ko alam kung kaya kita isama e" sagot niya. "Ang daya daya mo naman, akala ko friends tayo" tampo ni Iah. "Try natin, hold mo kamay ko" sabi ni Miggy.

Pumikit silang dalawa, pagmulat nila wala nangyari kaya natawa si Iah. "Natatakot kasi ako e, baka half lang body mo maisama" sabi ni Miggy. "Naniniwala ako sa iyo, alam ko magaling ka tapos alam ko hindi mo ako sasaktan kasi kaibigan kita e" pacute ni Iah.

Isa pang subok, sumulpot yung dalawa sa bubong kaya si Iah muntik magsisigaw. Kumapit siya kay Miggy sa takot, "Wag kang magulo baka mahulog tayo. Sit tayo" sabi ni Miggy.

"Eeehh ang taas, kita buong school" sabi ni Iah. "Hindi pa mainit, pwede pa maupo dito tapos malakas wind" sabi ni Miggy. "Ang galing galing mo, sana aralin mo pano lumipad" sabi ni Iah.

"Hala nakalimutan natin baon natin" sabi ni Miggy. "Okay lang, hindi ako gutom. Dito lang tayo muna hanggang bell" sabi ni Iah. "Naubos mo na chocolates na binigay ko?" tanong ni Miggy. "Hindi pa, madami pa sa bahay tapos meron pa sa bag ko" sagot ng batang babae.

"Bakit hindi mo pa ubos?" tanong ni Miggy. "E hindi naman ako matakaw e pero hindi ko binibigyan ate ko" sabi ni Iah. "Ano grade na ate mo?" tanong ni Miggy. "High school na, yung pagkatapos ng grade six" sabi ni Iah.

"Ahhh..." sagot ni Miggy. "Naiinis ako sa kanya e, kasi tinutukso niya ako na boyfriend daw kita" sabi ni Iah. "Yuck" sigaw ni Miggy kaya nagtawanan sila. "Lagi niya ako tinutkso basta pag pinapasikat ko mga candy na bigay mo" kwento ni Iah.

"Bakit pag nagbigay candy boyfriend na?" tanong ni Miggy. "Ewan ko, madami kasi nanliligaw kay ate ko. Madami siya din chocolates at flowers" sabi ni Iah. "Ganito?" tanong ni Miggy kaya nanlaki ang mga mata ng batang babae nang inaabutan siya ng gumamela ng kaibigan niya.

"Hahaha galing sa likod ng school yan e" sabi ni Iah. "Oo nga" sagot ni Miggy. "Hindi ganyan, yung roses tapos yung white na may orange, magaganda sila. Hinihingi ko nga flowers ni ate lagi tapos nilalagay ko sa room ko" sabi ni Iah.

"Mahilig ka sa flowers?" tanong ni Miggy. "Oo, kasi ang bango nila tapos ang ganda tignan" sagot ni Iah. "E kung madaming ganito gusto mo?" tanong ni Miggy kaya tumawa si Iah. "Nililigawan mo ako?" tanong niya.

"Ha? Hindi ah, yuck" sigaw ni Miggy kaya laugh trip sila. "Maganda color nito pero ang pangit kasi hindi siya makastand. Gusto ko ilagay sa vase kasi may maganda ako vase sa room ko" sabi ni Iah.

"Sana pag lumaki si Leanna parang ikaw siya na maganda din" sabi ni Miggy. "E mas maganda si ate Althea e" sagot ni Iah. "Hindi, mas maganda ka pero wag mo sabihin na sinabi ko kasi magagalit siya" bulong ni Miggy kaya bungisngis si Iah.

MASKARAWhere stories live. Discover now