Chapter 28: Inner Circle

3.1K 83 6
                                    

Chapter 28: Inner Circle

Isang Sabado kinakabahan si Vivian, "Hon, I am really worried. Napaka unusual naman na yayain ni Charlotte anak natin lumabas. Ang laki ng age gap nila" sabi niya. "Gwapo e, ano magagawa mo. Mana sa akin" biro ni Lawrence.

"Nakuha mo pa magbiro talaga" sabi ni Vivian at nagulat sila nang pukpukin ni Leanne ama niya ng lauran na manika. "Aray ko" reklamo ni Lawrence, binitawan ni Leanne yung manika saka naglambing at yumakap sa ama niya.

"Hon, I am really worried" sabi ni Vivian. "Yes I know it is unusual but I trust Charlotte. Wag ka naman kasi mag iisip ng ganyan kasama agad. Charlotte is intelligent, alam mo naman anak natin he wants to keep on learning" sabi ni Lawrence.

"Yes pero I am still worried kasi syempre iba yung galaw at pag iisip ng kaedad ni Charlotte. Baka mamaya mapagaya si Miggy. Tignan mo lately ang pilyo pilyo niya masyado" sabi ni Vivian. "Hanggang biro lang naman, he just teases but he still is a kid. He still plays with his pets, his toys and most of the time he plays with Leanne"

"Siguro naghahanap ng outlet lang kasi dati kalaro niya lagi si Althea. Si Althea busy na lagi dahil sa sobrang daming music lesson at kung ano ano pa. Ang balita ko it was even Miggy who encouraged her" sabi ni Lawrence.

"This will be good for our son, maka socialize sa madami. Ano napansin mo dati? Para siyang matanda kasi lagi niya kasama mag lolo at lola niya. He started to normalize when he started playing with Althea. Oo mas matanda si Charlotte pero she is in between, well I mean not as young as Althea and not as old as lolos and lolas" sabi ni Lawrence.

"I guess you are right, mabait naman si Charlotte" sabi ni Vivian. "Just relax, our son is in good hands" sabi ni Lawrence.

Samantala sa harapan ng isang bahay nakatayo sina Miggy at Charlotte. "Ate this is a big house" sabi ng bata. "Yes sa kaibigan ko ito, do not worry she is like us. Isa siya sa mga bestfriend ko, magkakapatid silang witch kasi mama at papa nila witches. Pati lolo at lola nila din" sabi ni Charlotte.

"Wow, malakas siya ate?" tanong ni Miggy. "Hmmm oo pero tumiwalag sila sa clan kasi hindi na gusto ng lolo at lola niya nagiging direction ng clan. So lay low sila" sabi ng dalaga. "Ate hindi ko naintindihan sinabi mo" sabi ng bata. "Ah basta come on" sabi ni Charlotte.

Pagbukas ng pintuan, may kulot at cute na babae ang agad kumurot sa pisngi ni Miggy. "Ang cute! You must be Miggy, hello cute boy" sabi ng dalaga. Nagtago si Miggy sa likod ni Charlotte, "Ikaw naman tinakot moa gad e" sabi niya.

"Sorry naman, hello Miggy don't be afraid. Sorry na ha kasi ang cute mo" sabi ng dalaga. "Miggy say hello to Michelle" sabi ni Charlotte. Nagpakita na ang bata saka inabot kamay niya pero nanigas siya pagkat may isa pang babae ang nagpakita at kamukhang kamuha ito ni Michelle.

Nagtawanan yung tatlong dalaga, ang bata muling nagtago sa likuran ni Charlotte saka sinilip yung magkamukhang babae. "Twins sila Miggy, yan naman si Misha" sabi ni Charlotte. "Hi" sabay na bigkas ng twins kaya lalong nagtago si Miggy.

"Hahaha pasok kayo, first time niya siguro makakita ng twins" sabi ni Michelle. Sa loob ng bahay todo dikit si Miggy kay Charlotte habang pinagmamasdan yung twins sa tapat niya. "Miggy twins sila, hindi mo ba alam ang twins?" tanong ni Charlotte.

"Magic ba yan ate?" tanong ni Miggy. "No Miggy, nung nanganak mommy nila dalawa agad sila lumabas" sabi ni Charlotte. "Ahhh...parang cat kasi madami?" tanong ng bata kaya laugh trip ang mga dalaga. "No Miggy, minsan talaga pag tao nanganak may chance din na dalawa, tatlo, meron nga apat pa e" sabi ni Charlotte.

"E ate bakit sila magkamukha?" tanong ng bata. "They are called Siamese twins, pero meron naman twins na hindi magkamukha" sagot ng dalaga. Tumayo si Miggy at nilapitan yung twins, hinapolos niya mukha ni Michelle, sinunod niya si Misha saka siya tumawa.

MASKARAWhere stories live. Discover now