Chapter 24: Elder Geron

3.8K 124 5
                                    

Chapter 24: Elder Geron

Isang araw sa labas ng bahay nina Charlotte may isang binata ang lumabas ng kotse kaya si Miggy dumikit sa dalaga. "Hi, these are for you" sabi ng gwapong binata saka nag abot ng boquet of flowers at isang box ng chocolate. "Salamat" sagot ni Charlotte.

"Sino ka?" tanong ni Miggy kaya napatingin yung binata sa batang lalake. "Wilfred, hello what is your name?" sagot ng binata. "You are supposed to say my name is Wilfred then you pause and then you ask my name then you are supposed to offer your hand para mag hand shake" biglang banat ni Miggy kaya nagulat si Charlotte.

"Oh sorry, my name is Wilfred" sabi ng binata saka inabot kamay niya. "Narinig ko na kanina, hindi naman ako bingi. Uulitin pa" hirit ni Miggy kaya napakamot yung lalake saka tinignan si Charlotte. Ang dalaga nagpipigil ng tawa saka tinignan si Miggy na sobrang sama ang titig sa gwapong binata.

"I didn't know you had a brother" sabi ni Wilfred. "I am not her brother, I am her boyfriend" sabi ni Miggy kaya nanlaki mga mata ni Charlotte habang si Wilfred biglang natawa. "Ouch" bigkas ng binata saka hinaplos balakang niya. "Miggy no" sigaw ni Charlotte kaya napangisi si Miggy saka inagaw yung karton ng chocolates.

"Ah wait" bigkas ni Wilfred. "Thank you kuya, diba sa akin ito?" lambing ni Miggy. "Ah oo, sige kainin mo na" sagot ng binata kaya nagulat si Charlotte. "Sige kuya pwede ka na umalis. Bye" sabi ni Miggy. "Sige aalis na ako" sabi ni Wilfred na agad tumalikod at bumalik sa kotse niya.

"Oh my God, Miggy what did you do?" bulong ni Charlotte. "Wala, ate masarap tong chocolate o" sabi ng bata. "Did you just control him?" tanong ng dalaga. Di umimik ang bata kaya ang dalaga napatingin sa kanya. "Miggy tell me the truth" sabi niya. "Hindi mo naman siya gusto e, feel ko yon" sabi ng bata kaya natawa ng husto si Charlotte.

"Hindi mo nga alam sasabihin mo e, tapos parang gusto mo na siya umalis" hirit ni Miggy. "Can you read my mind now?" tanong ni Charlotte. "Hindi pero feel ko lang ate. Parang ayaw mo siya nandito siya" sabi ni Miggy.

"Hahaha ikaw talaga, bakit mo sinabi na boyfriend kita ha? Ikaw ha" sabi ni Charlotte. "Ate ano ayaw mo sa kanya? He is tall, his handsome, pero I feel ate ayaw mo siya" sabi ng bata. "Hay naku Miggy you are too young to understand" sabi ng dalaga.

"Why? Why don't you teach me now para pag tanda ko alam ko na?" sabi ng bata. "Wag pa, bata ka pa. Enjoyin mo muna kabataan mo" sabi ng dalaga. "Ate itong house niyo ang laki" sabi ng bata. "Bahay ng lolo ko ito, yung bahay namin sa likod yung maliit" sabi ng dalaga.

"Ano ba kasi ginagawa nina mommy at daddy dito?" tanong ni Miggy. "Bakit ayaw mo na dito?" tanong ng dalaga. "Gusto ko kasi nandito ka" sagot ng bata. "Hahaha hoy Miggy ano ba? Ang bata bata mo pa" sabi ni Charlotte. "Bawal mag lie ate, nagsasabi ako ng truth" sagot ni Miggy kaya napatigil yung dalaga.

"Ay matagal pa naman sila ata, tara itakas natin yung car" bulong ni Charlotte. "Marunong ka magdrive?" tanong ni Miggy. "Medyo" sagot ng dalaga. "May license ka ate?" tanong ni Miggy. "Wala pa, come on" sabi ni Charlotte. "Isusumbong kita sa lolo ko kasi hindi ka pwede mag drive pag wala ka license" sabi ng bata kaya tinignan siya ng dalaga.

"Sige na nga ate" sabi ni Miggy kaya nagmadali sila sa garahe. "Ate baka maririnig" sabi ng bata. "Hindi, tahimik tong car tapos...wait the gate" sabi ni Charlotte. "Ako na ate" sabi ni Miggy. Humarap lang yung bata, namangha yung dalaga pagkat dahan dahan bumukas yung gate nila.

Sa loob ng kotse sinuot agad ni Miggy yung seatbelt. "Grabe ka hindi naman mabilis" sabi ng dalaga. "Kahit na ate, suot mo din belt mo" sabi ng bata. Paglabas ng kotse sa garahe pareho napangiti yung dalawa. "Papagalitan ako alam ko pero ayos lang" bulong ng dalaga.

MASKARAWhere stories live. Discover now