Chapter 21: Crush

4K 121 6
                                    

Chapter 21: Crush

Isang Sabado sa bahay nina Miggy may pumindot ng buzzer. Agad lumabas si Anabelle pero sumunod si Vivian karga si Leanne. Nagulat si Vivian nang makakita siya ng isang magandang dalaga at sakto napalingon si Anabelle. "Madam, bisita ni Miggy" sabi niya.

"Ha? Ah e di papasukin mo" sagot ni Vivian. Pagdating sa pintuan inaabot ni Charlotte kamay niya. "Hello po, ako po si Charlotte. Is Miggy here?" tanong ng magandang dalaga. "Yes, he is in the garden taking care of his roses. Come inside" sabi ni Vivian.

Naupo si Vivian sa sofa, ganon din ginawa ni Charlotte na parang kinakabahan. "Anabelle tawagin mo si Miggy" sabi ni Vivian. "Miggy" sigaw ni Leanne kaya napangiti si Charlotte. "This is Miggy's sister, her name is Leanne" sabi ni Vivian.

"She is so cute, hello Leanne" lambing ni Charlotte. "Miggy" sigaw ng bata saka tumawa kaya napangiti si Vivian. "So how do you know Miggy?" tanong ni Vivian. "Ah we met in school po" sagot ni Charlotte. "School? You look much older" sabi ni Vivian. "Ah opo third year high school na po ako"

"Bale may pinsan ako sa school nila kasi" palusot ni Charlotte. "Madam ayaw pumasok, busy pa daw nagdidilig" sabi ni Anabelle. "Pwede ko po ba siya puntahan nalang?" tanong ni Charlotte. "Sure, Anabelle ituro mo yung daan papunta sa garden" sabi ni Vivian.

Sa may hardin nadatnan ni Charlotte na nagdidilig ng mga rosas si Miggy. "Wow, you have a rose garden" bigkas ng dalaga. "Hello ate" sagot ni Miggy na napangiti at napatitig ng husto sa magandang dalaga. "Wow, don't tell me ikaw nagtanim nito" sabi ni Charlotte.

"Ako ate pero ate shhhhh kasi gumamit ako ng powers" bulong ng bata. "Really?" tanong ni Charlotte. "Opo tapos kasi ayaw ni Iah yung namamatay agad, mga rose ko strong sila tapos amuyin mo sila ang tamis diba?" pasikat ng bata.

"Amoy na amoy..." bigkas ng dalaga pero napatigil nang may lumapit na puti na pusa. "Yan si Joey, pusa ko yan tapos yung friends niya nandon o" sabi ng bata kaya paglingon ng dalaga nagulat siya sa sobrang daming pusa sa isang gilid.

"Bakit ang dami?" bulong ng dalaga. "Mga friends ko yan, gusto mo ng pusa? Kasi yung isa nanganak ng madami e" sabi ni Miggy. "Ah..ang sama ng tingin ni Joey sa akin" sabi ni Charlotte. "Joey no, friend ko si ate" sabi ni Miggy kaya yung pusa biglang lumapit sa dalaga at naglambing. Natawa si Charlotte pagkat nakiliti siya sa pag ikot ikot ni Joey sa legs niya.

Samantala sa loob magkatabi sina Vivian at Anabelle sa may bintana at sinisilip yung dalawa sa hardin. "Ano ba nangyayari sa anak namin? Pangalawa na ito, una si Genevive, grade six siya ngayon. Pero may Iah pa siya na kaedad niya tapos ngayon high school" sabi ni Vivian pabulong.

"May itsura pa silang lahat madam lalo na si Althea" sabi ni Anabelle. "Ano bang nangyayari, sabi ni Charlotte may pinsan siya sa school nina Miggy, e ano naman pinunta niya kaya dito?" tanong ni Vivian. "Sana po tinanong niyo" sagot ni Anabelle. "Ay oo nga, tsk nakalimutan ko kasi kung ano ano na pumapasok sa isipan ko. Ang bata pa ni Miggy" sabi ni Vivian.

Sa hardin yumuko si Charlotte para amuyin ang isang rosas, "Wag kang kukuha" sabi ni Miggy kaya natawa yung dalaga. "Madamot ka din pala" sabi niya. "Hindi kasi hindi pa sila pwede, bibigyan naman kita e kasi maganda ka" biglang sabi ni Miggy kaya nagulat ang dalaga at nagtakip ng bibig.

"Ano sabi mo?" tanong ni Charlotte. "Hindi ako madamot" sabi ni Miggy. "Alam mo Miggy pareho tayo, nung bata ako sinasabi din nila magaling ako" sabi ni Charlotte. "Baka inuuto ka lang nila" sagot ni Miggy kaya napatingin ang dalaga at imbes na mainis ay natawa nalang siya.

"Pero ate sinabi sa akin na talaga daw. Meron daw yung lumalabas sa tummy ng mama nila na malakas na" sabi ni Miggy. "Totoo yan, pareho nga tayo e. We are the same, we were born powerful" sabi ni Charlotte.

MASKARAWhere stories live. Discover now