Chapter 4: Ang Ate

4.3K 120 10
                                    

Chapter 4: Ang Ate

"Miggy dalawang oras lang ha at maging mabait ka sa bahay nina Althea" sabi ni Anabelle habang hinahatid yung bata sa gate ng kapitbahay. Bumukas agad yung gate, isang magandang batang babae ang ngumiti habang sobrang itim na at mabalahibong pusa niya ang nag meow ng malambing.

Sumagot si Joey saka pumasok sa gate at agad tumabi sa itim na pusa. "Miggy behave ha" sabi ni Anabelle. Sinara ni Althea yung gate saka sila tumakbo papunta sa likod ng bahay kung saan nauna na yung mga pusa.

Nagdive agad si Althea sa pool habang si Miggy paspas nagtanggal ng shirt saka sumunod. "Uy wag sa middle malalim diyan" sabi ni Althea pero ang batang lalake lumangoy ng lumangoy at tinawid yung buong pool. "Wow Miggy magaling ka na" sigaw ng batang babae.

"Madali lang naman e" sagot ng batang lalake. "Totoo ba mag grade one ka na?" tanong ni Althea. "Oo daw, natatakot ako kasi wala na ako classmate" sabi ni Miggy. "Matalino ka kasi e, pero dibale pareho naman tayo school" sabi ni Althea.

"Mahirap ba ate ang elementary?" tanong ni Miggy. "Hmmm hindi pero madami subject na pero kaya mo yan kasi matalino ka" sagot ng batang babae. "Sana pati mga classmate ko mag grade one narin" sabi ni Miggy. "E hindi sila matalino e" sagot ni Althea.

"Ikaw ate ano na grade mo?" tanong ni Miggy. "Mag grade three na, baka mamaya mag classmate na tayo" sabi ng batang babae kaya natawa si Miggy. "Ikaw kasi hindi ka nagstudy e lagi ka nagpapaganda" sabi ng batang lalake. "E nakakatamad e, sabi nga ni mama at papa gayahin dapat kita" sagot ni Althea.

Napanood ng batang babae si Miggy sumisid, kinabahan na siya pagkat ang tagal na niya sa ilalim. "Miggy! Miggy!" sigaw niya. "Bakit ate?" tanong ng batang lalake na nakatayo na sa tabi ng mga pusa. "Huh..." bigkas ng batang babae na tulala at gulat na gulat.

Lumabas ang isang kasambahay, "Ano nangyari?" tanong niya. "Wala yaya.." sagot ni Althea habang si Miggy lumuhod at pinaghahaplos yung dalawang pusa. Pagpasok ng kasambahay, "Miggy kanina nandito ka lang sa water, pano ka pumunta diyan?" tanong ni Althea.

Lumapit si Miggy, "Hindi ko alam" bulong niya. "Ano? E nakita kita nagswim ka sa water tapos pumunta ka underwater tapos nawala ka tapos nandyan ka na" sabi ni Althea. Kibit balikat si Miggy kaya lumabas ng tubig ang batang babae.

"Huy pano mo ginawa yon?" bulong niya. "Hindi ko alam ate" sagot ng batang lalake kaya hinila siya ni Althea sa isang gilid. "Turo mo din para alam ko" bulong niya. "Hindi ko talaga alam" sagot ni Miggy kaya tinitigan siya ng magandang batang babae ng matagal. "Hindi ka nagsisinungaling" sabi ni Althea.

"Ang maremember ko lang kasi nahirapan ako mag breath tapos pag open ko eyes ko nakatayo na ako sa tabi nina Joey at Max" sabi ng batang lalake. "Ang galing non, hala baka may nakakita" sabi ng batang babae saka lumingon sa paligid.

"Ate may ginawa ako bad" sabi ni Miggy. "Alam ko nagsumbong si Max sa akin" sabi ng batang babae. "Pano niya alam?" tanong ni Miggy. "Nagsumbong si Joey sa kanya" sagot ni Althea. "Sana umiya si bad boy" sabi ni Miggy. "Narinig ko sabi ni papa na magspend daw papa ni bad boy ng malaki money" sabi ni Althea.

"Ows? E sabi ko lang naman sa friends ko na igasgas, hindi naman nila kaya sirain yung car" sabi ni Miggy. "Malaki money daw para maayos yung paint sabi ni papa" kwento ng batang babae.

"Ano pa sinabi ni tito?" tanong ni Miggy. "Eeek baka pag nag fight tayo isend mo din mga mouse dito ha" sabi ng batang babae kaya natawa si Miggy ng malakas. "Hindi kasi ate kita pero magkakaroon na pala ako ng kapatid" sabi ni Miggy.

"Alam ko, sinabi sa akin ni Max" sabi ni Althea. "Lahat nalang sinasabi, baka mamaya hindi na tayo talk kasi alam mo na lahat" tampo ni Miggy. "Sana nag curse ka nalang kay bad boy" sabi ni Althea.

MASKARAWhere stories live. Discover now