Chapter 19: Target

3.4K 121 5
                                    

Chapter 19: Target

Isang umaga nag aabang si Miggy sa may entrance ng kanilang school. "Miggy go inside, you are not allowed to stay out here" sabi ng isang guro. "Teacher inaantay ko lang si Iah" sagot ng bata. "Oh what do you have there? Is that a rose?" tanong ng guro kaya pilit na tinatago ni Miggy yung rosas sa likuran niya.

Napangiti yung guro, hinaplos ulo ng bata kaya si Miggy napatingin sa kanya. "Teacher kasi pag nakakakuha siya ng rose happy siya the whole day" sabi ng bata. "Awww..you are so sweet Miggy. Sige I will wait here with you okay?" lambing ng guro.

Nung makita na ni Miggy yung dilaw na school bus sa malayo napatalon ito kaya napangiti ng husto yung guro. "Yan na teacher" sabi niya. "Ows? How do you know that is they school service?" tanong ng guro. "Yan lang yung may sticker ng eagle sa front teacher" sabi ni Miggy.

Pagtigil ng school service sa harapan unang bumaba si Iah at kasunod niya ay isang matangkad na grade six student. "Miggy" sigaw ng batang babae kaya lumapit si Miggy at inabot yung rosas. Ang laki ng ngiti sa mukha ni Iah pero biglang inagaw nung grade six student yung rosas. "Wow thank you" sabi niya.

"Edward!" sigaw ng guro, si Iah agad naluha kaya nanlaki ang mga mata ni Miggy. "Edward! Why did you do that?" sigaw ng guro. "Joke lang...aray!" sigaw ni Edward nang bigla nalang may mga tinik mula sa katawang rosas na naglabasan.

Bumaon agad yung mga tinik sa kamay ni Edward, si Miggy niyakap si Iah na umiiyak na kaya lalo siyang nagalit. "Aray ko" sigaw ni Edward na namilipit sa sakit pagkat pinalaki ni Miggy yung mga tinik at lalo siyang bumaon sa kamay ng grade six student.

Sa loob ng school bus isang high school student ang nakakita ng nangyari, napatingin siya kay Miggy at agad niya nakita yung kakaibang panlilisik sa mga mata ng batang lalake. Hindi siya makapaniwala pero nang tignan niya si Edward kitang kita niya yung mga padami ng padaming tinik na naglalabasan tangkay ng rosas.

"What is happening to you?" tanong ng guro na umagaw sa rosas, mga tinik nagtago kaya yung high school student sa loob ng school bus muling napatingin kay Miggy na yakap yakap si Iah. "Manong sandali bababa ako" sabi niya pero umandar na yung school service.

"Manong sandali lang po" sabi nung high school student. "Alam mo naman hindi pwede, ako ang mapapagalitan" sagot ng driver kaya habang papalayo titig na titig yung high school student kay Miggy.

Sa isang sulok ng campus pinunasan ni Miggy mga luha ni Iah. "Wag ka na iiyak, bigyan nalang ulit kita bukas kasi nag grow na yung garden ko e" sabi ni Miggy. "Garden?" tanong ng batang babae. "Oo, madami na ako roses. Nagtanim ako para sa iyo" sabi ng batang lalake.

"Talaga? Madami ka roses?" tanong ni Iah. "Oo, kaya wag ka nang iiyak ha. Bukas bibigyan kita ulit. Tapos hindi siya mamatay agad kasi special roses sila" sabi ni Miggy. "Bukas ha pero ang bad ni kuya Edward" sabi ni Iah.

"Oo bad siya, buti nga sa kanya" bulong ni Miggy. "Ikaw gumawa non sa kanya?" tanong ni Iah kaya nagkatitigan sila. "Pinaiyak ka niya e. Basta pag may mananakit sa iyo sasaktan ko din" bulong ni Miggy kaya napangiti si Iah at biglang niyakap kaibigan niya.

Samantala sa isang paaralan pagkababa ng school service, "Oy Mark bakit ganyan itsura mo?" tanong ng isang dalaga. "Nasan yung iba? Tawagan mo sila kailangan natin mag meeting ng recess" sabi ni Mark.

"Bakit?" tanong ni Charlotte. "May nakita ako kanina bata palang pero magaling na sa mahika" sagot ni Mark. "Ows? Gano kabata?" tanong ni Charlotte. "Kaibigan ni Iah yung kapitbahay namin na bata e. Siguro magka edad sila" sabi ni Mark.

"When you say strong what do you mean?" tanong ni Charlotte kaya nagkwento si Mark. "Baka naman yung teacher, impossible na bata yon. How can a child master that kind of ability?" tanong ni Charlotte.

MASKARAWhere stories live. Discover now