Chapter 17: Manifestation

3.6K 113 8
                                    

Chapter 17: Manifestation

Dinig na dinig pagsisigaw ni Miggy sa buong gubat, umabante si Adolf pero pinigilan siya ni Ivan. "Kailangan ko siya tulungan, amo ko siya!" sigaw ng matanda. "He will be fine" sagot ni Ivan.

"Kailangan ko siya tulungan! Obligasyon ko yon pagkat amo ko siya" pilit ng matanda. "Hindi mo siya kailangan tulungan!" sigaw ni Ivan kaya nagkatitigan sila. "Siraulo ka! Sinadya mo ito para lumabas kapangyarihan niya?" tanong ni Adolf.

"Mas maganda na ganito mangyari kesa madami pang tao ang madamay" sabi ni Ivan. "Tao parin naman yung mga bruha na yan" sagot ni Adolf. "Wag kang mag alala mahihinang bruha mga yan. Namatay na yung mga malalakas nila. Sila nalang yung natitira, takot sila kaya dito lang sila nagtatago" sagot ni Adolf.

"Iniiba mo usapan!" sigaw ni Adolf. "Wag kang makikialam kasi alam ko ginagawa ko!" sigaw ni Ivan saka nila narinig yung sobrang lakas na sigaw ni Miggy. Umabante ulit si Adolf pero dahan dahan siya napaatras nang may maramdaman silang kakaiba.

Sigawan naman ngayon ng mga bruha ang naririnig kaya lalong napaatras yung dalawang nilalang. Hiyaw ni Miggy na sobrang lakas ang narinig sa buong gubat kaya paspas na sumugod yung mga nilalang. Pagpasok nila sa lungga nagkalat na yung mga katawan ng mga bruha habang si Miggy nasa isang sulok at umiiyak.

"Miggy" bigkas ni Ivan kaya ang bata tumayo at tumakbo patungo sa nilalang. "Look at them, they are all dead" sabi ni Ivan. "What the hell are you doing?" tanong ni Adolf. "Miggy do not close your eyes, look at them. Patay na sila" sabi ni Ivan kaya ang bata humagolgol saka yumakap sa kaibigan niya.

Binuhat ni Ivan ang bata saka sila lumabas ng lungga. Si Adolf napailing saka tinignan ng masama si Ivan. Nagtungo sila sa isang bakanteng lupa, napatigil si Adolf kaya tinignan siya ni Ivan. "Nararamdaman mo pala" sabi niya. "Sobrang dami" sagot ni Adolf.

"Show it to him" sabi ni Ivan kaya hinarap ni Adolf kamay niya at naihangin yung lupa. Naglabasan yung mga kalansay na maliliit kaya napatingin si Miggy. Sobrang daming mga kalansay ng mga bata at sanggol ang nagkalat sa buong lupain kaya si Adolf nanghina bigla.

"Yan yung mga pinag eksperimentuhan nila. Tandang tanda ko pa tong lugar na ito pagkat inatake namin ng dati kong amo. Naalala ko pinatumba ko yung mga elder nila sa utos ng amo ko noon. Malalakas tong grupo ng mga bruha noon, kaya una silang tinarget ng amo ko"

"Nung mapatay na elders nila nagkawatak watak na sila. Wala nang naiwan na malakas sa kanila. Natakot yung amo ko dahil sa pinag aaral ng mga ito. They were trying something different with the children but they never succeeded" sabi ni Ivan.

"Pero sapat na yon para matakot yung amo ko kaya inatake namin sila. So Miggy do not worry, the witches you killed are bad people" sabi ni Ivan. "Miggy do you now understand why you have to control your powers? You should not use them just for fun or for cheating. You can really kill people" sabi ni Adolf.

"Bad sila?" tanong ni Miggy. "Yes, tignan mo yung mga bones. Sa mga bata yan. They kill children. Kaya dapat wag mo ginagamit powers mo kasi pag nahanap ka nila baka patayin ka din nila. Ano nangyari kanina Miggy?" tanong ni Ivan.

"Di ko alam ano gagawin nila, ang dami nila tapos may knife sila" kwento ng bata na naluluha ulit. "Then what happened?" tanong ni Adolf. "Umiyak ako tapos yung tears ko naging cold siya tapos parang ice tapos yung eyes ko parang ang hot hot niya tapos yung buong body ko naging very hot"

"Tapos ang sakit kasi parang mag explode body ko. Tapos yung isang came close tapos she fell and lay down then all of them shouted and got scared and then all of them nag look sa back, nagturn yung head tapos nahiga na sila" kwento ng bata.

MASKARAWhere stories live. Discover now