Chapter 13: Young Elder

3.8K 117 6
                                    

Chapter 13: Young Elder

"Sige na kasi, para maging friend natin siya bago mag Chrstimas vacation" pilit ni Althea kaya si Miggy pinagmasdan si Genevive mula sa malayo. "Sige na Miggy boy" pilit ng batang babae kaya nagtungo si Miggy sa bench area kung nasan si Genevive.

Paglapit ng bata tinignan siya ng mga grade five students. "Ate Gen" sabi ni Miggy. "Pinsan mo?" tanong ng isang babae. "Hindi ah" sagot ni Genevive. "Manliligaw mo?" biro nung isa. "Bata pa ako!" sigaw ni Miggy kaya tumayo si Genevive saka hinila kamay ng bata.

"Ano?" tanong niya. "Ate naman wag naman tayo mag aaway. Gusto ko lang maipagkaibigan" sabi ng bata. "Ano? Hoy iniiwasan na nga kita e para hindi ako magsinungaling sa elder ko. Iniiwasan na kita para wala ako alam sa iyo. Kasi anytime pwede basahin utak ko" sabi ni Genevive.

"Ate gusto lang namin magpaturo sa iyo sana" sabi ni Miggy. "Ha? Magpaturo? Sa akin?" tanong ni Genevive. "Oo, kami ni ate Althea. Grade three siya tapos ikaw yung parang master namin" sabi ng bata.

"Tumigil ka nga, at wag na wag dapat pinag uusap yan dito" sabi ni Genevive. "Ang damot damot mo naman. Dapat wag kang madamot" sabi ni Miggy kaya tinignan siya ni Genevive. "Baka mamaya ipapadala mo nanaman yung..." sabi niya.

"Damot, sana hindi ka bigyan ni Santa ng gifts" sabi ni Miggy sabay pagalit na umalis pero hinabol siya ni Genevive. "May itatanong muna ako sa iyo" sabi niya. "Ano yon?" tanong ng bata. "Kaano ano mo yung summon entity?" tanong niya.

"Hahaha ang bastos ate. Sabi ni mama at lola wag daw sinasabi yang word na yan" sabi ni Miggy. "Ha? Ano ba sinabi ko?" tanong ni Genevive. "Yung word na para sa birdy" sabi ng bata. "Hahahaha ang sabi ko entity, iba yon" sabi ni Genevive saka lumapit na si Althea.

"Ikaw si Althea?" tanong niya. "Oo ate, pumayag ka na?" tanong ni Althea. "Sagutin muna niya yung tanong ko" sagot ni Genevive. "Ano ba kasi yung word na yon?" tanong ni Miggy. "Yung magical being, yung may itim na usok" sabi ni Genevive.

"Ah si Ivan?" tanong ni Miggy. "Sino yon?" tanong ni Althea. "Hindi ko pa siya napapakilala kay ate Althea e. Pero friend ko si Ivan, mabait yon" sabi ni Miggy. "Mabait? Friend mo? Pano mo naging friend? Imposible naman" sabi ni Genevive.

"Friend ko nga, sinave ko siya. Galing siya sa Baguio e. Tapos sinama ko siya dito" sabi ni Miggy kaya nanlaki ang mga mata ni Genevive. "Hindi ka nagsisinungaling" sabi niya. "Masama ang magsinungaling ate" sagot ni Miggy.

"Sige na ate, turuan mo naman kami" sabi ni Althea. "Wala talaga kayo elder? Parents niyo kapareho niyo ba?" tanong ni Genevive. "Hindi po, kami lang ni ate. Sabi ko baka kasi nung baby kami e baka may comet tapos kami lang nabigyan ng powers" sabi ni Miggy kaya natawa si Genevive.

"Hindi ganon yon, we are born this way pero usually inherited sa parents e" sabi niya kaya tinignan ni Miggy si Althea. "Namamana daw" sabi ng batang babae. "E hindi naman, sige na kasi ate. Turuan mo kami sa vacation, punta ka sa house namin. Si ate may pool" sabi ni Miggy.

"Sige pero ipakilala mo din sa akin si Ivan dapat" sabi ni Genevive. "Sige ba" sagot ni Miggy. "Sabihin mo saan tayo nakatira" sabi ni Althea. "Alam ko, nagresearch ako para kung sakali binalikan ako ni Ivan e alam ko sino ituturo ko" sabi ni Genevive. "Alam mo saan kami nakatira?" tanong ni Miggy. "Oo alam ko, madali lang pumunta don" sabi ni Genevive.

"Madami ka pera?" tanong ni Miggy. "Kaya mo nag travel na mag isa?" tanong naman ni Althea kaya natawa si Genevive sabay lumingon sa buong paligid. Bigla siyang nawala kaya sina Miggy at Althea napasigaw pareho. May sumisitsit sa malayo, kumaway si Genevive kaya yung dalawang bata nagtalunan sa tuwa.

MASKARAWhere stories live. Discover now