Chapter 3: The Good Boy

4.5K 118 13
                                    

Chapter 3: The Good Boy

"Miggy your auntie Victoria is here" sigaw ni Vivian. Bumaba ng hagdanan si Miggy, napangiti si Vivian nang makita yung sobrang mabuhok na pure white cat na kasama ng bata pababa.

"Auntie" sigaw ni Miggy saka tumakbo sabay yumakap sa auntie niya. "Oh what a beautiful cat. Its so white and hairy" sabi ni Victoria. "Althea gave it to me" sabi ni Miggy. "Who is Althea? Is she your girlfriend?" landi ni Victoria kaya natawa yung bata. "Sis don't say that, he is only five years old" sabi ni Vivian.

"She has a black cat" sabi ni Miggy na nagtungo sa sofa para maupo, sumunod yung pusa saka naupo sa balikat ng binata habang nagbabasa ito ng libro. "Hindi ba delikado yang pusa?" bulong ni Victoria. "Amazingly sobrang lambing ng pusa na yan. Halika, follow me" sabi ni Vivian.

Pagbukas ni Vivian ng back door nagulat si Victoria sa dami ng pusa. "Oh my God, sa kanya lahat yan?" tanong niya. "No, di ko alam kanino mga yan basta they come here every now and then. Don't worry malalambing din sila lahat and very behaved pero halika meron pa" sabi ni Vivian kaya lumabas sila.

May isang kasambahay ang napatigil, sis eto si Anabelle. Anabelle eto ang kapatid ko na si Victoria" pakilala ni Vivian. "Hello po" sabi ng dalaga. "Ano mga yan? Kalapati?" tanong ni Victoria. "Oo nga e, mga alaga ni Miggy. Nagsimula lang sa pair tapos tignan mo naman ang dami na nila" sabi ni Vivian.

"Pinabili niya sa inyo lahat yan?" tanong ni Victoria. "Hindi, yung unang dalawa regalo ni Martha. Tapos gumawa kami ng bahay nila then all of a sudden parami sila ng parami, hindi na umuuwi so ayan nagpagawa kami ng mga bahay. We needed help that is why we hired Anabelle. Kamag anak ni Martha yan" sabi ni Vivian.

"Naku matrabaho yan" sabi ni Victoria. "Ate hindi naman po kasi hindi sila nagdudumi dito. Ang trabaho ko lang bigyan sila ng tubig at makakain. Pati mga pusa pag meron sila" sabi ni Anabelle.

"Imposible naman na yan" sabi ni Victoria. "Totoo po, may oras na sabay sabay sila aalis tapos babalik din lang. Kahit subukan niyo pa matulog dito para makita niyo" sabi ni Anabelle. "Totoo sis, that is what is bothering us" sabi ni Vivian.

"Well I understand Miggy wanting to have pets, maganda yan to teach him to be responsible. Pero yang kwento niyo na hindi sila nagdudumi tapos etong mga pusa sobrang behaved...parang imposible na ata" sabi ni Victoria.

"Let us go inside" sabi ni Vivian. Sa dining area sila naupo, "Nag away nga kami ni Lawrence kasi I wanted...tsk syempre diba sa movies pag may pusa o kaya kalapati e...yung demon child ba" sabi ni Vivian kaya natawa ng sobrang lakas kapatid niya.

"Crow yon sis, grabe ka naman mag isip" sabi ni Victoria. "Sobra ako paranoid kasi madami din unusual na nangyayari" sabi ni Vivian. "Such as?" tanong ni Victoria. "Yun na nga yung pagdudumi ng mga kalapati at mag pusa, as in wala. Ang nirequest lang ni Miggy pagawan ng maliit na butas sa bakod para makalabas pasok yung mga pusa"

"Si Joey, his cat lagi niya kasama basta nandito siya sa bahay. Kinakausap niya, he reads aloud, tapos minsan nasa labas siya kausap niya yung mga pusa at kalapati" kwento ni Vivian. "Ay naku, senyales yan na kailangan niya na ng kapatid" sabi ni Victoria kaya nagtawanan sila.

"Actually sis" sabi ni Vivian saka hinaplos tiyan niya. "Oh my God...are you kidding me?" tanong ni Victoria. "No pero wag ka muna maingay, ikaw una kong pinagsabihan. Ayaw ko muna sabihin kina mama at papa at mama at papa ni Lawrence baka kasi ibaby nanaman ako"

"I called you here to help me, kasi di namin alam pano sasabihin kay Miggy. May nabasa kasi ako na some children do not take it well if may parating na silang kapatid" sabi ni Vivian. "Hahahaha miss paranoid ka talaga. Just tell him and...sige ako bahala" sabi ni Victoria.

MASKARAWhere stories live. Discover now