Chapter 1: Juan Miguel

5.7K 122 24
                                    

(For those who read the prologue upon first posting please read it again because i updated it yesterday. I posted the full prologue yesterday. So if you read it when i first posted it a month ago then you have to read it again before proceeding to this chapter)


Chapter 1: Juan Miguel

Sa isang pribadong subdivision, pagkaparada ni Lawrence ng kotse nagsigawan agad yung mga tao sa may gate. "Welcome home baby Juan Miguel" sigaw nilang lahat. Lumabas si Lawrence, napangiti nang makita yung sobrang laking banner.

Agad niya pinuntahan passenger side, inalalayan lumabas si Vivian na buhay ang kanilang anak na sanggol. May apat na matatanda ang lumapit at tila nag aagawan pagkat gusto nila mabuhat yung bata.

"Sa loob nalang" sabi ni Lawrence kaya lahat sila pumasok. Sa di kalayuan nagmamasid si Criselda, hinahaplos niya ulo ng isang batang babae saka tinignan ito. "Tignan mo, ang pagsalubong nila sa kanya parang hari lamang" sabi niya.

"Sa kanila ba ako titira ate?" tanong ng bata. "Hindi, yung kapitbahay ang aampon sa iyo. Kailangan mo siya bantayan lagi. Naiintinhidan mo ang misyon mo Althea?" tanong ni Criselda. "Opo" sagot ng bata kaya lumuhod si Criselda saka hinaplos mukha niya.

"Ikaw ay mamumuhay bilang normal na batang babae. Diba yung ang gusto mo matagal na?" lambing niya. "Opo ate" sagot ni Althea. "Pero kailangan mo lagi bantayan si Juan Miguel. Pag may panganib sa paligid gusto ko atupagin mo agad. Dapat walang mananakit sa kanya" sabi ni Criselda.

"Pag malakas ang kalaban tatawagan kita?" tanong ni Althea. "Oo pero kailangan ko burahin pag iisip mo tungkol sa ating kapatiran. Itatago ko lang naman pero pag kailangan mo gamitin mo kapangyarihan mo saka lang manunumbalik ang lahat. Gusto ko mag enjoy ka din ha, eto na pangarap mo upang mamuhay ng normal" sabi ni Criselda.

Sa loob ng bahay karga ng isang matandang babae si Juan Miguel. "Hello baby" sabi ng matanda at nagtawanan yung iba pagkat nakangiti yung baby. "Anak bakit ang tagal niyo na discharge?" tanong ni Elberto, ang ama ni Lawrence. "Oo nga, why did you stay so long at the hospital?" dagdag ni Marifel na ina naman niya.

"Hindi kasi umiiyak si Juan Miguel so we had him checked thoroughly" sagot ni Lawrence. "What do you mean hindi umiiyak?" tanong ni Manuela, ang ina ni Vivian. "He has not cried since he came out" sabi ni Vivian. "Is it his vocal chords?" tanong ni Elberto.

"No daddy, kasi tumatawa naman siya, I mean he chuckles" sagot ni Lawrence at biglang umiyak yung bata. "Ayan umiiyak" sabi ni Manuela. "What did you do?" tanong ni Vivian. "Kinurot ko" sagot ng ina niya. "Bakit niyo kinurot?" tanong ni Vivian sa inis.

"You all look so worried na hindi umiiyak ang bata, ano pinag tetest niyo? Ayan o umiiyak. My goodness apat kayong doctor" sabi ni Manuela saka natawa nalang si Lawrence. "Come to lolo Venancio, lola is bad ano? She pinched you ano?" lambing ng isang matanda saka inagaw si Juan Miguel.

Tumigil sa pag iyak yung bata at agad agad ito ngumiti. "Lawrence at Vivian, unang anak niyo ito, isantabi niyo muna pagiging doctor niyo. Kayo din Elberto at Marifel, isantabi niyo muna doctor kayo at maging lolo at lola muna kayo"

"Wag niyo idaan lahat sa siyensya, minsan common sense lang yan. Kinurot ko yung bata para masaktan, natural iiyak yan. I didn't mean to harm my apo, gusto ko lang tumigil kayo baka kung ano ano eksperimento magawa niyo sa bata. Look at him, he is fine, palangiti at yung hindi niya pag iyak, naku I tell you blessing yan" sabi ni Manuela.

"You all relax, set aside the science" sabi ni Venancio saka naupo at pinaghahalikan si Juan Miguel. "Hindi porke hindi umiiyak ibig sabihin hindi na normal ang bata, hindi ibig may sakit siya" sabi ni Manuela.

MASKARAWhere stories live. Discover now