Chapter 38: Unang Sabak

3.3K 114 4
                                    

Chapter 38: Unang Sabak

Isang Sabado sa bahay nina Stella, "Okay our first target is Gary, he stole my pencil case" sabi ng batang babae. "Pano mo alam siya?" tanong ni Miggy. "Kasi magnanakaw siya e, lagi siya nakaw ng nakaw sa classroom pero hindi nahuhuli" sabi ni Stella.

"Pano mo nga alam na siya? E hindi naman pala nahuhuli" sabi ni Miggy. "E kasi nakita ni Sheryl yung eraser niya sa kanya e. tapos sabi ni Gary bumili din siya ng ganon. Tapos nakita din yung pencil ni Lemwel sa kanya, ang sabi niya bumili din siya daw. E nung tinanong hindi naman niya alam saan binili" sagot ni Stella.

"O sige, ano gagawin natin sa kanya?" tanong ni Miggy. "Oinky nakikinig ka ba?" tanong ni Stella. Di makasagot si Eric pagkat puno ng cookies bibig niya kaya tinungo niya lang ulo niya.

"Pupunta tayo sa house nila tapos nanakawin natin lahat ng toys niya" sabi ni Stella. "Alam mo saan house nila?" tanong ni Miggy. "Hindi pero sinabi sa akin ng isang classmate ko nasan" sabi ni Stella. "E pano tayo pupunta don?" tanong ni Miggy.

"Gagamitin mo yung magic mo, yung ginawa mo nung bumili tayo ice cream" sabi ni Stella. "Ha? E hindi ko alam saan yon e. Mawawala tayo" sabi ni Miggy. "Ayaw mo lang" sigaw ni Stella. "Hindi ko nga alam saan yon e, bahala ka mawawala tayo" sabi ni Miggy.

"Whooo ayaw mo lang" hirit ni Stella. "Saan yung bahay nila?" tanong ni Eric. "Dito o pinasulat ko address o" sabi ng batang babae. "Alam ko na!" sigaw ni Miggy. "Papahatid tayo sa friend ko" dagdag niya.

"Sino friend?" tanong ni Stella. "Si kuya Chester, dati bad boy yon pero ngayon friends na kami. Pero kapitbahay ko yon e" sabi ni Miggy. "E di magmagic tayo papunta sa inyo" sabi ni Stella.

"Magagalit mama mo, alam niya maglalaro lang tayo dito" sabi ni Eric. "Mabilis lang tayo, sige na kasi" pilit ng batang babae. "Sige na nga" sabi ni Miggy. "Eric halika na" sigaw ni Stella kaya naghawak kamay silang tatlo.

"Malayo yung bahay e pero..." sabi ni Miggy saka pumikit. Nawala silang tatlo, sumulpot sila sa park area sa lugar nina Miggy. Tatlo sila napahiga sa damuhan at hilong hilo pero si Eric unang tumayo. "Hala tulog si Miggy" sabi niya.

Naupo si Stella, tinignan si Miggy na tulog kaya kinabahan siya. Parang zombie si Miggy na naupo, namulat siya dahan dahan saka napaubo ng tatlong beses. "Uy okay ka lang?" tanong ng batang babae.

"Napagod ako pero okay na" sabi ni Miggy na tumayo. "Saan yung kuya mo?" tanong ni Eric. "Doon, lets go" sabi ni Miggy kaya tumakbo sila. Sakto naman nagpupunas ng kotse si Chester. "O Miggy, you have friends" sabi ng binata.

"Sasamahan mo kami maghanap ng bahay" sabi ni Miggy. Napataas kilay nina Stella at Eric nang makita yung pagbabago sa facial reaction ni Chester. "Oo saan tayo?" sagot ng binata. "Okay na" sabi ni Miggy. "Minagic mo?" bulong ni Stella. "Oo, ibigay mo na yung paper sa kanya" sabi ni Miggy.

"Ah alam ko ito, sige pasok kayo sa kotse" sabi ni Chester na parang robot kaya tuwang tuwa yung mga bata. "Kuya bago tayo umalis, kuha ka naman ng food. Kahit sandwich tapos juice" sabi ni Eric. "Eric naman e" sabi ni Stella. "Sure wait here" sagot ni Chester na lumabas kaya bungisngis yung mga batang lalake.

"May mission tayo tapos ang gusto mo lang gawin kumain ng kumain" reklamo ni Stella. Nakabalik agad si Chester kaya habang nasa daan panay ang kain nina Miggy at Eric.

Ilang minuto lumipas, "Eto ata, number eighteen, oo ayan siya" sabi ni Chester sabay turo sa bahay na may pula na gate. "Kuya ipark mo muna tapos wait mo kami ha" sabi ni Miggy. "Sure my friend" sagot ng binata.

Bumaba yung mga bata, dikit dikit sila sa tapat ng target house. "O ano na gagawin natin?" tanong ni Miggy. "Ewan ko" sagot ni Stella. "Ha? E diba sabi mo nanakawin natin yung toys niya" sabi ni Eric. "Oo pero di ko alam pano tayo papasok" sabi ni Stella.

MASKARAWhere stories live. Discover now