Chapter 20: Charlotte

3.6K 132 8
                                    

Chapter 20: Charlotte

Kinabukasan sa isang high school campus, "Hoy, kumusta na pag target mo don sa bata?" tanong ni Charlotte. "Sinong bata?" sagot ni Mark. "Oh come on, don't lie to me. Tandaan mo you cannot lie to me because I can easily read your mind" banta ng dalaga.

"Sinong bata ba?" tanong ni Mark kaya nainis yung dalaga. "Yung sinasabi mong malakas na bata" sabi ni Charlotte. "Wala ako sinasabing ganon" sagot ni Mark kaya humarap ang dalaga saka mabilis na nakipagtitigan sa kaibigan niya.

Napaatras si Charlotte saka napanganga, "O bakit ganyan reaction mo? Are you starting to like me?" landi ni Mark. "Kapal" bulong ng dalaga saka biglang napahaplos si Mark sa tiyan niya. "Wag naman, uy Charlotte to naman nagbibiro lang ako. Wag mo naman ako bibigyan ng LBM ulit" reklamo ng binata pero ang dalaga tumalikod saka umalis.

Bandang recess sinugod ni Charlotte sina Jun at Erwin saka sila dinala sa gilid ng campus. "Hoy ano nangyari?" tanong ng dalaga. "Ano?" tanong ni Jun. "Nabura memorya ni Mark, kayo din ba?" tanong ng dalaga. "Nabura?" tanong ni Erwin.

"Stand still" sabi ng dalaga kaya yung dalawang binata hindi kumibo. "You two are alright, so ano nangyari?" tanong ng dalaga. "Nagsolo siya, kasi nung sinamahan namin siya wala na tao sa school na yon. Baka bumalik siya kahapon mag isa" sagot ni Jun.

"Tsk, ang tigas talaga ng ulo ni Mark. Nabura memorya niya, he cannot even remember the child" sabi ni Charlotte. "Ibig sabihin malakas nga yung bata" sabi ni Jun. "Hindi ako naniniwala, imposible na kaya ng isang bata gawin yon" sabi ni Charlotte.

"Ikaw kaya mo nung bata pa tayo, sa totoo inggit nga si Mark sa iyo e kaya siya nag gaganyan" sabi ni Erwin. "Pupunta tayo don mamaya" sabi ng dalaga. "Pag dismiss natin wala na sila don" sabi ni Jun. "Then after lunch we go" sabi ni Charlotte.

"Nice" sabi ni Jun pero pinitik ng dalaga mga daliri niya kaya yung dalawang binata namilipit sa sakit. "Grabe ka naman, wag naman ganito" reklamo ni Jun. "Para may rason kayo pauwiin later, sige na see you after lunch" sabi ng dalaga.

Sa elementary school nina Miggy bandang lunch time napatigil si Genevive sa pagkain niya nang may kakaiba siyang maramdaman. Niligpit niya kainan niya saka siya nagmadali nagtungo sa main entrance. Sarado yung gate pero nakita niya na sina Charlotte.

Nagkatitigan sila, lumapit si Genevive san aka lock na gate at ganon din ginawa ni Charlotte mula sa labas. "So you are like us, taga anong clan ka?" tanong ni Charlotte. "Ibig sabihin madami sila pala dito, siguro pinagtulungan nila si Mark" sabi ni Jun.

"Anong sinasabi niyo? Anong pinagtulungan?" tanong ni Genevive. "One of us came here yesterday, kanina nalaman ko burado isipan niya" sabi ni Charlotte. "Then you came to the wrong place, wala sa amin may kaya gawin yon" sabi ni Genevive.

"I don't believe you, papasukin mo kami. Makikipag usap lang kami" sabi ni Charlotte. "Please, ayaw namin ng gulo. Mas matanda kayo sa amin" sabi ni Genevive. "Kaya nga makikipag usap lang kami" sabi ni Charlotte.

"Nagkakamali kayo, sinasabi ko na sa inyo wala may kaya non dito" sabi ni Genevive. "E bakit ayaw mo makipag usap? What are you hiding?" tanong ni Charlotte. Biglang nasira yung padlock ng gate, binuksan na ito ni Jun saka siya pumasok kaya si Genevive napaatras. "Tamang tama wala din yung guard" sabi ni Erwin na sumunod.

"Hindi tayo pumunta dito para manggulo, gusto lang natin makipag usap" sabi ni Charlotte. "Ang sabi sa akin ng elder namin dapat mag isa tayo pero itong ginagawa niyo ay mali" sabi ni Genevive.

"Wala pa naman kami ginagawa ah, gusto lang namin makipag usap" sabi ni Jun. "So there are only three of you here? I don believe it" sabi ni Charlotte kaya hinaplos ni Genevive noo niya. "Wag mo basahin isipan ko" sigaw niya.

MASKARAWhere stories live. Discover now