Chapter 36: Trio

3.5K 118 12
                                    

Chapter 36: Trio

Isang Sabado sa loob ng kotse inaalog alog ni Miggy yung gift box. "Don't do that anak, para sa kapatid ni Stella yan" sabi ni Vivian. "Ano laman nito mama?" tanong ni Miggy. "Oh yung niregalo sa kapatid mo na hindi naman nagagamit pa" sagot ng nanay niya.

"Nagkukuripot mama mo" sabi ni Lawrence kaya natawa si Miggy. "Stop laughing, you might wake up your sister" sabi ni Vivian na lumingon at nagulat pagkat gising si Leanne. "Oh she is awake, very behaved" sabi ni Vivian. "Because she is with me mama" sabi ni Miggy.

"Eto na ata bahay nila" sabi ni Lawrence kaya napatingin si Miggy at napangiti. "They have a nice house" sabi ng bata. Pagparada ng kotse agad lumabas si Miggy. "Stella" sigaw niya. "Miggy, don't shout nakakahiya" sabi ni Vivian.

Bumukas yung gate, sumulip yung cute na batang babae saka lumabas. "Oinky! Nandito na siya" sigaw niya. Tumabi kay Stella ang isang batang lalake na payatot kaya bungisngis si Miggy.

"Don't forget the gift" sabi ni Lawrence pero tumakbo na si Miggy. "Hayaan mo na, happy siya kasi he has new friends" sabi ni Vivian. "Oinky eto si Miggy, Miggy eto si Oinky" sabi ni Stella. "Hello" bati ni Miggy saka inabot kamay niya kaya nakipagkamayan yung payat na lalake.

"Oinky talaga name mo?" tanong ni Miggy. "Hindi, my name is Eric" sabi ng payatot na bata. "E bakit Oinky ang tawag niya sa iyo?" tanong ni Miggy. "Kasi ang takaw takaw niya, kain ng kain" sabi ni Stella kaya nalito si Miggy.

"E bakit ang payat niya?" tanong niya. "Ewan ko, nasan na yung doll ko?" tanong ni Stella. "Ha? E di mo naman birthday e" sabi ni Miggy. "Ang daya mo sabi mo bibigyan mo ako ng doll" reklamo ni Stella. "E nasan mask ko?" sagot ni Miggy kaya umirap ang batang babae.

"Ang dami dami mo nang doll' sabi ni Eric. "Gusto mo makita dolls ko?" tanong ni Stella sabay hila kay Miggy. Ilang saglit nasa loob sila ng isang malaking kwarto, kinilabutan si Miggy pagkat ang daming mga manika na nakadisplay. "Nakakatakot" bulong niya.

"Kaya nga e, parang tinitignan ka nila lahat ano?" sabi ni Eric. Sabay sabay gumalaw yung mga manika kaya yung dalawang batang lalake nag unahan sa pintuan. Tawang demonyo si Stella, "Wag ka naman kasi nananakot" sabi ni Eric. "Dapat nga boys ay brave e" sabi ni Stella.

"Doon nalang tayo sa labas" sabi ni Miggy. "Wait" sabi ni Stella saka kumuha ng isang manika. "Wait kasi" sabi ng batang babae habang pinapalitan damit nung manika para magterno sila.

"Ang arte arte mo naman" sabi ni Miggy kaya tinignan siya ng masama ng batang babae. "Sorry" bulong ni Miggy. "Ikaw Eric ano naman toys mo?" tanong ni Miggy. "Hindi ako mahilig sa toys, naglalaro lang ako basketball tapos video games" sabi ni Eric.

"Ayaw pa ako bilhan nina mama at papa ng video games e" sabi ni Miggy. "Gusto mo maglaro tayo sa bahay?" tanong ni Eric. "Wag now, kakain tayo" sabi ni Stella. "Ay oo kakain muna tayo" sabi ni Eric. "Madami ka games?" tanong ni Miggy. "Madami, pero ayaw ko kalaro si Stella kasi nandadaya yan" sabi ni Eric.

"Pano siya nandadaya?" tanong ni Miggy. "Pag naglalaro kami pinapa sleep niya ako para hindi ako maka control kaya siya nananalo e" sabi ni Eric kaya tawang demonyo nanaman si Stella. "Pati sa spelling contest cheater yan pero tinalo ko siya" sabi ni Miggy. "Team mate na tayo! Dapat magkakampi na tayo. Pupunta tayo Singapore" sigaw ni Stella.

"Ay oo nga pero talo ka parin sa akin" hirit ni Miggy. Lumapit si Stella saka tinitigan yung batang lalake. "You are making me mad" bulong ni Stella. "I am not afraid of you" sagot ni Miggy pero bigla siya tinulak ni Eric kaya nagdikit mga labi nung dalawang bata.

"Yuck!" sigaw ni Stella. "Yuck!" sigaw din ni Miggy saka nila tinignan si Eric na nauna nang tumakbo palabas ng bahay. "Stella do not run" sigaw ng nanay ng batang babae. "Miggy kissed me!" sagot ng batang babae kaya si Miggy napatigil pagkat tinignan siya ng mga matatanda.

MASKARAWhere stories live. Discover now