Chapter 29: Leopoldo

3.7K 107 7
                                    

Chapter 29: Leopoldo

Isang Sabado sa bahay nina Miggy tulala lang sina Vivian at Lawrence. May mga lalake na napapasok ng brand new piano sa bahay nila, yung mag asawa hindi makapagsalita pero mga magulang nila sobrang ingay.

"Mama naman, this is too much" sabi ni Lawrence. "Para may gagamitin si Miggy dito, its good you enrolled him" sagot ni Marifel. "Ano oras ba uuwi si Miggy? Gusto ko marinig tugtog niya" sabi ni Manuela.

"Mama, grabe today is his first day" sabi ni Vivian. "Ang apo namin genius, siguro madami na siya alam tugtugin mamaya" sagot ni Manuela kaya sina Elberto at Policarpio sabay napauga ng ulo nila.

Samantala sa bahay nina Michelle, nakatayo sa isang sulok si Miggy habang pinagmamasdan siya ng isang matandang lalake. "Bakit ka natatakot? Ako si Leopoldo" sabi ng matanda saka inabot kamay niya. "Hindi ako takot sa iyo lolo, ang bantot kasi ng pabango mo" sagot ni Miggy.

Takip bibig sina Misha, Michelle at Charlotte habang si Marina napahalakhak ng sobrang lakas. "Loko loko tong batang to" sabi ni Leopoldo. "Hahaha finally someone said it" sabi ni Marina. "Wag ka magagalit lolo pero mabantot talaga e. Ang sakit sa nose" sabi ni Miggy.

Napatawa ng husto yung mga dalaga kaya si Miggy bungisngis. Biglang nagpasikat si Leopoldo at pinagbaga niya buong katawan niya. Si Miggy sobrang bilis na bumira ng straight punch kaya tinamaan yung matanda sa tiyan. "Aray ko" bigkas ni Leopoldo saka napahaplos sa tiyan niya.

"Ayan ginulat mo kasi" sabi ni Marina. "Oh you have fully body protect" sabi ni Leopoldo. "Tinuruan ako ng girlfriend ko" sagot ni Miggy kaya halakhakan sina Michelle at Misha habang si Charlotte napatakip nalang sa mukha niya.

"Very well, come with me little one" sabi ni Leopoldo. "Lolo ano ituturo mo sa akin?" tanong ni Miggy. "Lahat apo, pero magsisimula tayo sa mga simple muna" sabi ng matanda. "E si lola hindi niya ako tuturuan?" tanong ni Miggy.

"Tuturuan niya yung girlfriend mo" sabi ni Leopoldo. "Lolo" reklamo ni Charlotte. Pagkaalis nung dalawa humarap si Marina. "So are you willing to learn from me?" tanong ni Marina. "Yes lola, Miggy is my responsibility so I have to protect him" sabi ng dalaga.

"Feeling ko kayo magkakatuluyan e" sabay na bigkas ng twins. "Grabe kayo ang layo ng agwat namin" sabi ni Charlotte. "You will never know, anything can happen" sabi ni Marina palandi.

Paglabas nina Leopoldo at Miggy ng likod ng bahay biglang nahilo yung bata. Pagmulat niya napayakap siya agad sa paa ng matanda. "Are you okay?" tanong ni Leopoldo pero yung bata tumayo ng tuwid sa tindi ng gulat. "Lolo wala na yung house...lolo nasa forest na tayo" sabi ni Miggy.

"Hahahaha do you like what you see?" tanong ni Leopoldo. "Yes lolo, so many trees. Waterfalls" sigaw ng bata saka nagturo. "Yes we can go there later. Miggy how do you feel?" tanong ng matanda.

"Mainit dito lolo" sabi ng bata saka hinaplos dibdib niya. "Very good, that means you can feel the elemental energy all around us" sabi ng matanda. "Lolo its too hot" reklamo ng bata. "Listen to me apo, let it happen. The elemental energies are all going inside you"

"You see apo this is where we get our power. From the elements. Sanayin mo siya apo. Wag mo isipin na sinasaktan ka nila, hindi ka nila sinasaktan. Pumapasok lang sila sa katawan mo" sabi ni Leopoldo.

"Lolo ano ginagawa nila sa body ko?" tanong ni Miggy. "Wala naman apo, if you need them then use them" sabi ng matanda. "Use them?" tanong ni Miggy. "Yes apo, just like this" sabi ni Leopoldo saka hinarap palad niya saka humangin at napasayaw yung mga bulaklak sa buong paligid.

"Ay alam ko na yan e, pero sabi ni ate wag ko daw gagamitin yung mind ko dapat daw wind" sabi ni Miggy. "Really? Sige nga let me see what you can do" sabi ng matanda kaya hinarap ni Miggy yung palad niya at isang bulaklak lang ang sumayaw. Nainis siya, napaatras si Leopoldo pagkat sumayaw bigla ang mga bulaklak pero hindi dahil sa hangin.

MASKARAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz