Chapter 16: First Encounter

3.6K 131 27
                                    

Chapter 16: First Encounter

Sa loob ng isang isang arena nagtipon tipon ang sobrang daming mga bata. Si Miggy nasa bleachers kasama ang buong pamilya niya pero si Elbert nangungulit. "Are you nervous apo?" lambing ng matanda.

"No lolo, I don't want to be with them kasi natatakot sila" sabi ng bata. "Hindi ka natatakot?" tanong ni Vivian. "Hindi mama" sagot ng bata. "Miggy sige na bumaba ka na, puntahan mo na friends mo" sabi ni Lawrence. "Fix your uniform apo, goodluck ha" sabi ni Manuela.

Bumaba si Miggy pero hindi siya nagtungo sa mag kasama niya. Naupo siya sa tabi ng isang batang lalake kaya tinignan siya. "Karate ka din?" tanong ni Miggy. "Hindi, tae kwon do ako" sagot ng bata. "Natatakot ka?" tanong ni Miggy.

"Hindi" sagot ng batang lalake. "Ako natatakot ako" sagot ni Miggy. "Sabi ni papa ko parang game lang naman e. Hindi naman talaga magsasakitan kasi may helmet at armor naman" sagot ng batang lalake.

"Ako si Miggy, ikaw ano pangalan mo?" tanong ni Miggy. "Raffy" sagot ng batang lalake. "Pareho tayo" sabi ni Miggy. "Hindi ah, iba yung karate sa tae kwon do" sagot ni Raffy. "Alam ko pero pareho tayo may powers tayo" sabi ni Miggy kaya tinignan siya ni Raffy saka tinawanan.

"Ayaw mo maniwala e, basta pareho tayo" sabi ni Miggy. "Ano powers mo?" tanong ni Raffy. "Madami pero nag aaral pa ako" sagot ni Miggy. "Siraulo ka siguro, kasi may kapitbahay kami na siraulo tapos madami siya sinasabi. Sinabi niya siya si Superman tapos tumalon siya sa roof" kwento ni Raffy.

"Lumipad?" tanong ni Miggy. "Hindi, nabali yung bones niya kaya nandon na siya sa hospital. Nung umuwi siya para siyang mummy" kwento ni Raffy kaya nagtawanan yung dalawang bata.

"Ako may bad boy na neighbor, tapos umutot siya ng parang kaboom" sabi ni Miggy kaya laugh trip si Raffy. "Mabaho?" tanong niya. "Hindi ko alam pero dumating yung pulis e akala nila may war" kwento ni Miggy kaya tuloy ang tawanan ng mga bata.

"Buti ikaw may dragon ka, ako mga pusa lang at kalapati" sabi ni Miggy bigla. "Anong dragon?" tanong ni Raffy. "Miggy stop it, hindi porke nakikita mo ibig sabihin nakikita niya din. Oo pareho kayo pero hindi pa niya alam. Stop it, baka matakot siya" sabi ni Ivan sa isipan ng bata kaya si Miggy napalingon.

"Anong dragon?" tanong ni Raffy. "Ah joke lang yon" sabi ni Miggy. "Raffy come on, you have to suit up now" sabi ng isang matanda. "Sige alis na ako" sabi ni Raffy. "Sige, babalik na ako doon" sagot ni Miggy.

Habang naglalakad si Miggy naramdaman niya yung medyo mainit na presensya sa tabi niya. Paglingon niya nandon na si Ivan sa anyong bata. "Pareho kami pero may dragon siya" sabi ni Miggy. "Oo nakita ko nga at may magic body din siya kaya nalilito ako" sagot ni Ivan.

"Magic body?" tanong ni Miggy. "Oo kaya lang hindi masyado attached sa katawan niya. Hindi ko alam bakit" sabi ni Ivan. "Hindi kita maintindihan, basta pareho kami diba?" sabi ng bata.

"Oo kaya lang Miggy sana tuwing makakakita ka ng katulad mo wag mo babanggitin sa kanila. Baka hindi pa nila alam ano sila. Kasi maaring matakot sila at masiraan sila ng isip" sabi ni Ivan. "Ahhh..dapat sila magsabi?" tanong ng bata. "Parang ganon, basta pag maramdaman mo may kapareho ka wag mo na banggitin"

"Baka kasi kalaban" sabi ni Ivan. "Hindi kalaban si Raffy, mabait siya alam ko yon" sagot ng bata. "Oo pero ang sinasabi ko baka yung iba kalaban" sabi ni Ivan. "Aahhh...e bakit siya may dragon? Ako wala, may dragon siya e" sabi ni Miggy.

"Hindi ko din alam, may mga pusa at kalapati ka naman" sabi ni Ivan. "Oo isa lang dragon niya e, ako madami ako friends diba?" sabi ni Miggy. "Tama ka, at hindi lang naman mga yon ang kaya mo kausapin" sabi ni Ivan. "Oo, huh, siya isang dragon lang pero ako lahat ng zoo" pasikat ni Miggy.

MASKARAWhere stories live. Discover now